Chapter 23: Excuse Letter

579K 13K 6.8K
                                    

Dedicated: to all my readers na ang sipag sipag mag comment. Aylabyu all.

Akira's POV.

"Akira hija kumain ka na ng almusal mo, ipinagbilin ka sakin ni Thunder na alagaan kita kapag wala sya" sabi sakin ni yaya habang nakahiga pa din ako sa kama.

"Bakit kailangan nya pa kong ipagbilin, hindi ba sya ang asawa ko? Sya dapat ang nag aalaga sakin pero anong ginagawa nya? Hindi sya umuuwi at parang hangin lang akong dinadaan-daanan nya" sagot ko.

Umagang-umaga ay napaka emosyonal ko. Pagkagising ko parang gusto ko na lang umiyak dahil lang sa maaga na namang umalis si Thunder at hindi ko sya naabutan. Tsk! Parang hindi pa naman ako sanay pero dahil siguro sa buntis ako ay ang sensitive ko sa konting bagay lang. Madalas din akong antukin, minsan masandal lang ako tulog na agad ako. Aish! Miss na miss ko na si Thunder, palaging sya ang gusto kong makita, sya ata ang pinaglilihian ko.

Hindi ko pa rin sinasabi kay Thunder na buntis ako dahil obviously busy sya kay Ella. Hindi na rin ako nagko commute dahil hatid-sundo ako ni Cloud. Pinilit nya yun, para daw safe kami ni baby. Kung si Cloud lang sana si Thunder, di ang saya ko na sana.

I'm 9 weeks pregnant.

"Naku Aki, wag ka ng magtampo, alam mo namang busy lang talaga yang si Thunder sa trabaho, workaholic iyon"

Busy sa trabaho? Baka busy sa babae! I wanted to say that pero hindi ko gustong siraan si Thunder.

"Ano kayang mali sakin? Kaya siguro ayaw sakin ni Thunder dahil hindi ako ganoon kaganda?" sabi ko.

"Ano ka ba hija, ang ganda ganda mo kaya kahit nung bata pa lang kayo ni Thunder ay bagay na bagay na kayo kaya nga tuwang tuwa ako ng ikaw ang pakasalan nya" sabi ni yaya.

Umupo ako at lumapit sya para suklayin ang buhok ko. Si Yaya Minda para syang si mom. Gustong gusto nya kong inaalagaan at nilalambing. I smiled at her and mouthed I love you, she just laughed.

Kung hindi lang sana sya masyadong faithful kay Thunder ay malamang sinabi ko na sa kanya ang totoo.

Pagkababa ko ng sasakyan ni Cloud ay nakaramdam ako ng matinding hilo kaya napakapit ako sa pinto ng sasakyan.

"Okay ka lang ba Akira?" nakita kong nakaalalay agad sakin si Cloud. Sobrang worried ng tingin nya sakin.

Unti-unti namang nawawala ang pagkahilo ko kaya nakabwelo ako.

"Okay na ko Cloud, medyo sumakit lang ang ulo ko pero ayos na wag ka ng mag alala baka sa biyahe lang" sabi ko sa kanya. I gave him a assuring smile.

"Sure ka? Kasi kung hindi mo kaya, iuuwi na lang kita" suggest nya.

"Kaya ko naman, at isa pa exam ngayon. Sayang naman yung mga nireview ko" sabi ko.

Sa totoo lang ay hindi ako nakatulog kagabi dahil inantay ko pa kasing umuwi si Thunder pero late na syang dumating at worst pagkatapos ay umakyat na sya at hindi na lumabas doon ulit. I missed him, hanggang kailan kaya sya iiwas sakin?

Nag review na lang ako at kinaumagahan nung umalis si Thunder ay kasalukuyang naliligo  naman ako kaya hindi ko sya nakita.

Hindi ako makatulog ng tuloy tuloy this past few days dahil natatakot ako sa mga posibleng mangyari.

Sa aming tatlo nila Ella.

"Hay mukhang pinapahirapan na ni baby si mommy. Sige ka magagalit si Daddy Cloud at hindi ka na nya dadalhin sa amusement park paglabas mo" sabi ni Cloud habang mahinang nagsasalita.

He is talking to my tummy.

My cheek turned red. Sobrang natutuwa ako dahil sobrang pag aalaga ang ginagawa samin ni Cloud.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon