Chapter 20: What?

580K 13.6K 6.9K
                                    

Akira's POV.

Sinarado ko ang locker ko at sumilip sa relo ko. Past 7pm na pala pero wala pa din akong balak umuwi. By the way, hindi pala ako umuwi kagabi, kay Sanya na lang ako tumuloy, doon na ko nagpahatid kay Cloud.

Sinabi ko na lang kay Sanya na ayaw kong pag-usapan ang nangyari kaya hindi na sya nagsalita pa about doon kaya natahimik ako. Maingay, matapang, at pakielamerang bestfriend si Sanya pero she is more than what I could ask for. I know how much she cares and loves me. Sya rin pala ang nag uwi ng gamit na naiwan ko sa classroom.

Nakita kong nagri-ring ang cellphone ko kaya naman sinagot ko ito.

"Hey Aki, nasaan ka? Yung totoo ha" tanong nito.

"Pauwi na, ito na nga pasakay na ng taxi. Wag ka ng mag abalang ihatid ako dahil may mga kailangan ka pang tapusin, kaya ko na." I told him.

"Okay, please just text me when you get home" sabi nito.

"Opo dad" biro ko dito. "Sige na, I promise, I'll text you" tas binaba ko na yung tawag.

Nagsinungaling ako kay Cloud. Nandito pa din ako sa school. Hindi kasi ako makapag decide kung uuwi ba ko or may pupuntahan pang iba.

Napagdesisyunan ko na lang na mag stay sa library. Mabuti pa tong library na to till 10pm. Palibhasa may binili kasing condo na building si Thunder kaya ang mga prof at staff ng school ay pwedeng tumira ng libre doon kaya maraming guro ang gustong makapagtrabaho dito.

Masyadong maraming benefits aside sa mataas na sweldo, dahil na din siguro mataas ang tuition fee dito at di naman nya kailangan yung kinikita rito dahil business tycoon din sya kaya yung kinikita nito is sa pag-aayos at pagpapaganda ng school at para sa mga teacher at staff.

Enough with that. Naghanap na lang ako ng mababasa at nung makakita ako nun ay tumapat ako sa aircon at nagsimulan magbasa.


"Ms. Santos" nagising ako dahil may yumuyugyog sakin. Umayos agad ako ng upo ng makita kong librarian pala namin ang gumigising sakin.

Nakatulog pala ako.

"Ms. Santos, 10pm na. It's time for you to go home. Magsasara na ko ng library" sabi nito sakin.

Dali dali akong napatingin sa relo ko. 5 minutes before 10 na pala. Ano ba naman yan napaka tulugin ko naman lately. Inayos ko yung inupuan ko at binalik yung librong kaninang binabasa ko.

"Ma'am Bitancor, alis na po ako, salamat po" sabi ko dito.

"Okay sige. Mag iingat ka Akira" sabi nito. Ngumiti na lang ako at lumabas.

Dumaan ako ng locker ko para kunin yung cellphone ko.

Binuksan ko yun at laking gulat ko sa dami ng missed calls at text from Sanya, Cloud, and Thunder.

Thunder's missed calls - 89
Cloud's missed calls - 73
Sanya's missed calls - 15

And to make it 90. Currently nagri-ring ang phone ko at tumatawag ang magaling kong asawa.

Hindi ko sinagot yun. Magkikita at magkakausap din naman kami pagkauwi ko, so why bother? Mas gusto kong sabihin ng personal ang lahat.

Lumabas na ko ng campus. Kumain na muna ako ng kwek kwek, fishball, kikiam, at tokwa dahil nagugutom na ko. Natapos na kong kumain at uminom na ko ng palamig ng makaramdam ako ng pagkahilo.

Tuwing umaga ay ganito din ako. Pakiramdam ko lagi lalagnatin ako.
Sa sobrang pagkahilo ko ay parang bumaliktad ang sikmura ko kaya nasuka ako. Buti na lang nasa isang gilid ako at walang nakapansin.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon