Chapter 7- "His Feelings"
[ZAC’s POV]
“Manong dalawang melon grande nga po!” Nakakauhaw pala magshopping! Mga 3 hours kami paikot-ikot at pabalik-balik sa Supermarket at sa National bookstore! Tsaka kakaiba yung si Ysa! Papasok sa exit ng mall? Ha! Kahit kanya to, mali paring pumasok sa exit! Exit nga diba? Kaya nga may entrance para doon pumasok! Pasaway na bata!
Pagkabigay ni kuya nung 2 zagu nagbayad na ako tapos naglakad pabalik kung saan naghihintay si Ysa.
Meron bang shooting dito o kaya baka naman my inaaway nanaman yung babaeng yon! Ang dami kasing tao na parang my pinapanood! Lumapit ako ng onti para Makita kung anong nangyayari.
“Wag kayong magpapaputok kung hindi mamamatay tong inusenteng babaeng ito!” Sabi nung isang lalaking nakatakip ang mukha.
Ah! Holdup pala! Kawawa naman yung hostage tsaka akala ko naman si ysa yung dahilan nitong gulo! Speaking of that demon, asan na ba yun? Wala naman siya dun sa upuan kung saan siya kanina. Wala naman siya dito sa mga usi! Asan na ba yon?
Hayan lumingon na dito yung holdaper na hawak-hawak si ysa. Andun lang pala si ysa eh..
“YSA?!” Anak naman ng tupa! Sa lahat naman na pwedeng gawing hostage si ysa pa! Kawawa naman yung mga holdaper este si ysa! Naglakad ako lagpas sa mga police kaso..
"Tigil! Wag kang magtangkang lumapit dito kundi papaputukin ko tong baril na to!"
Ayan napatigil ako ng di oras.
"YSA?!" Narinig kong sigaw sa bandang likuran ko. Paglingon ko si president na katabi ni secretary.
"OMG!" -bella
"Hey you!" sabay turo ni president dun sa isang holdaper na may bag. "Ano pang kailangan niyo?"
Habang nag nenegotiate sila tinext ko naman si Irvan.
"Lower your guns down. Ysa's safety is always first!" Pagkatingin ko dun sa nagsalita si PRINCIPAL? At may kasama pa siyang matataas na ranking ng police.
"Bigyan niyo na kami ng way" nagbigay naman ng daan yung ibang mga police kaya tinulak si ysa palabas.
Kawawa naman yung babaeng yun. Pilay na nga tinutulak-tulak pa! Pagkaalis nung mga holdapers nagaalisan na rin yung mga usi.
“Mico, Bella and Zac come follow me!” utos ni principal.
“Kuya Jason! Anong gagawin natin? Baka mapano si bes!” –bella
“Tinext ko na po si Irvan. Papunta na siya dito and my mga kasama siyang specialist na magaling maglocate ng tao”
BINABASA MO ANG
Fooling A Good Girl's Heart
RomanceKung mainlove ka sa taong pinaka hate mo, then malalaman mong inlove siya sa best friend mo? Plus ito naman si other Best friend my crush daw sayo! Anong gagawin mo? Ipaglalaban si crush or ibaling ang attention sa iba?