CHAPTER 4: I met Him?? o_O part 2

149 6 6
                                    

CHAPTER 4: I met Him?? o_O Part 2

GWEN's POV

hayy buhay talaga oh. Nakita ko na siya eh. pero ang ugali naman bakit ganun?

ulit ulit na ata ako eh. (=_=)

Papunta na akong school. Kasama ko sina Cha, Sit at Sha. Naikwento ko na rin sa kanila yung about dun sa pagkikita namin ng Jerk.

"HAHAHAHA! kawawa ka naman Gwen! LOL" oh, si Sha wagas lang makatawa eh. Akala niya wala ng bukas.

"sige lang Sha, tumawa ka lang. Huminga ka naman kahit 5 seconds lang. Di na mapalitan yung oxygen diyan sa katawan mo eh."

"HAHAHAHA! adik mo talaga Gwen. eh sa di ko mapigilan eh. LOL. eh bakit kasi nabangga mo siya? O baka naman sinadya mo yun? (^o^)??" isa na lang Sha, sasapatusin na kita.

(=_=)

"eh kasi naman po diba, nadala lang ako nung makita ko yung libro ni Bob Ong? Hanubayan! Ang kukulit niyo. Sumakay na nga tayong jeep at male-late na tayo sa Physics." buti pa si Cha di ata nag-iingay ah?

That's a first! HAHAHA! Buti na lang di siya naimik ngayon dahil baka di ko na sila mapigil tatlo dito. XDD

*********

"Class, since first day pa lang naman nating magmeet, idi-discuss ko muna yung grading system ninyo.  Parehas lang naman siya sa ibang subjects niyo eh. By the way nga pala, I'm Dra. Lowela Ravino."

Parehas daw, pero bakit di na lang niya kami pauwiin? Ma'am naman, maawa po kayo.

"So, as I was saying. Your grades will be computed based on the following: 40% para sa Quizzes, 30% para sa Exam, 30% para sa Class Standing niyo, with a total of 100%. May questions?"

"Wala po." Kaming lahat yan. 

hay naku, ang boring naman. Pagkatapos nitong physics lecture namin na 1 hour, Physics Lab naman yung susunod. Bale 3 hours ang Physics namin.

haaaaaaayyyyyyy....

"ah, before I forget, bring the following on Wednesday. Ruler, Pencil, Eraser, Long Bond Paper, Yellow Pad Paper, Graphing Paper and Protractor. Bawal kayong manghiram at manghingi okay?" say what? May gulay, ibig sabihin dapat mamaya makabili na ko. 

tsk tsk tsk...

ayoko na atang bumalik ng mall?? 

psH!

"ah class, ang Laboratory natin, sa Friday na mag-uumpisa. Okay lang ba? Nakalimutan ko palang sabihin na every Friday tayo magku-quiz, starting next week. O baka naman gusto niyo every Monday?" 

hmm, kung Friday, ibig sabihin, maiipon yung mga lessons na dapat naming iku-quiz. kung Monday naman, maiipon din pero at least may time kaming mag-aral sa weekends.

"Every Monday na lang po siguro." oh? Ako lang ata ang sumagot ah?

(_ _") okay, nahiya na ko sa balat ko.

"Monday na nga po siguro ma'am." hayy, hulog ka ng langit Ampy. Pagpalain ka nawa. ^O^

"Monday."

"Lunes na po."

"Okay, since marami na rin ang nagsabing Monday, eh di every Monday na lang. At least makakapag-aral kayo." ayown naman!

THE SWEET SURRENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon