Prologue :)

642 14 15
                                    

PROLOGUE

           Sa lahat ng masasakit na nagyayari sa buhay natin, minsan parang nagiging manhid na yung puso natin. Paulit-ulit tayong nadarapa pero bakit patuloy pa rin tayong bumabangon kahit masakit na? Lahat tayo nasasaktan, lahat tayo may nararamdaman. Sa pag-ibig parati tayong lumuluha. Pag may pag-ibig ba kailangan meron ding lungkot? Sa bawat tawa ba may kakambal ding luha?

          Lahat tayo nagmamahal, lahat tayo umiibig. Pero paano kung ang inaakala mong happily ever after ay ang mismong maging dahilan kung bakitayaw mo ng umibig? Sabi nga ng idol ko sa istorya, there's nothing permanent in thos world; the only permanent thing is change. Maaring sa umpisa maging masaya ka pero sa huli magiging malungkot ka. Parang gulong ng palad din ang pag-ibig, hindi maaaring palagi ikaw ang masaya, maaari ring ikaw ang maging malungkot sa pagtatapos ng istorya. 

         Sa oras na ayaw mo nang magmahal at may darating na lalaki sa buhay mo, isusuko mo na lang ba ang depensa mo at hahayaang makapasok siya ng tuluyan sa buhay mo? O patuloy mo na dedepensahan ang sarili mo at hahayaan mong mawala siya nang tuluyan sa'yo? Pipiliin mo bang makapiling ang taong tunay na nagmamahal sa'yo o mas pipiliin mong makulong ka sa malungkot na nakaraan mo?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: wuSHUU~! ang serious naman neto. HAHA, sorry po kung di masyadong maganda. First story ko pa lang po kasi. hihi :) pero sana po suportahan niyo! :D

SOLLOOOOMMOOOTTTT! :)))

xoxo♥

IamNOTHINGspecial#

THE SWEET SURRENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon