DYLAN'S POV
Shit. Shit. Shit!
Naalala ko yung mukha ni Hannah nung sinabi ko sa kanyang wag siyang maattach sakin. Nyemas na yan. Ginagawa ko lang naman yun dahil mas makakabuti yun sa kanya. Psh.
Teka, bakit nga ba ako natataranta at nag-aalala? Paki ko ba sa babaeng yun? Psh. Troublemaker yung isang yun.
Pasalamat nga siya at pinapalayo ko na siya sakin. Parehas kaming magbebenefit. Ayokong magkaroon ng ugnayan sa kanya. Psh.
Pumasok na ako sa pesteng university na pagmamay-ari ng magaling kong tatay. Ayokong pumasok, pero mas boring kung pakalat-kalat ka lang. Kaya pumapasok na rin ako. Ni hindi ko nga gusto yung Architecture na yan.
"Hi Dylan!"
Napatingin ako sa tumawag sakin. Tss. Babae na naman. Nakakasawa na.
Patuloy lang akong naglalakad. Di ko pinansin yung babae.
"Dylan naman! Babe!" hinawakan ako sa kamay nung babae.
"Bitaw."
"Ehhhh? Ayoko! Ano ba babe ko! Nakalimutan mo na ba ko?"
"Fck. Sino ka ba?"
"We had 'you know' last week! Nakakapagtampo ka naman! That's the most special night of my life babe." sabay halik sa pisngi ko.
Sinamaan ko na lang ng tingin. "I don't remember you or anything that happened that night. So fck off."
Iniwan ko yung babaeng yun dun at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Tss. Clingy girls.
"Dylan!"
Napatingin ako sa tumawag. Si Grey lang pala.
"O ano?"