Chapter 22. [Promise]

292K 5.8K 667
                                    

Aw, bitin ba? Sorry. Hahaha. :) Pahintay na lang sa mga gustong maghintay. Sorry, I'm busy as a bee po. :) Enjoy! Ay, watch Amazing Spiderman pala! Nandun my love ko na si Andrew Garfield. Bwahahaha! De joke, pero pwede rin. HAHAHA. <3 Patay tayo, si City Hunter pa rin ang the best. :)

-----------------------

HANNAH'S POV

"Ikaw talaga Dara! Nag-aaway na pala si Dylan at Drake di mo man lang pigilan!"

"Eh malay ko ba? Atsaka, buti nga yun! May kasalanan rin naman si kuya eh!"

"Kasalanan? Ano?" hysterical kong tanong.

"Sinuntok niya kaya si Nathan! Yung half-brother ni Drake!"

Nanlaki yung mata ko sa nalaman ko.

"What?! Kailan daw?"

"Well, sabi ng iba kahapon daw? Nalaman daw ni Drake na sinuntok ni kuya si Nathan kaya nagalit siya."

Di ako nakapagsalita. Nagpahila na lang ako kay Dara papunta sa auditorium. At eto nga, nagbubugbugan nga ang dalawa!

Napahawak ako sa ulo ko. Nag-iisip.

Binugbog ni Dylan si Nathan kahapon. Eh yung date namin ni Nathan kahapon. Teka...

Kaya ba nawala bigla si Nathan? Dahil sinuntok niya? Imposible. Sabi ni Dylan may LBM si Nathan.

Pero, oh my god! Paano kung di naman talaga nagka-LBM si Nathan? At sinuntok talaga ni Dylan si Nathan at napuruhan ito? Oh my god!!!

Lumapit kaagad ako dun sa nabubuong circle. Ang daming nakikiusyoso sa gulo. Pagtingin ko, what the hell? Duguan kaagad ang labi ni Dylan at Drake!

"Tangna pre. Akala ko ba walang galawan sa pamilya ah? Kadugo ko pa binugbog mo kagabi!"

"Gago! Bugbog na ba yun? Sinikmuraan ko lang! Kapatid mo nga may mali eh! Alam naman niyang asawa ko si Hannah pero niyaya niya pa ring makipag-date!"

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon