Chapter 24. [Getting closer]

288K 5.3K 574
                                    

Uy may share ako sainyo. Bakit ganun? Nakakainlove na naman si Johnny Lee? Kalurks! City Hunter Returns kasi eh. Nahilig na naman ako sa MinMin :")

Chill lang tayo ha? Let's take this slowly. Wag natin madaliin. Malapit niyo na rin malaman ang totoo.

--------------------------

HANNAH'S POV

Tulala pa rin ako habang nasa kotse ni Dylan. Gulat pa rin kasi ako sa nangyari kanina.

"Hannah, may masakit ba sayo?"

Tinignan ko si Dylan na halatang nag-aalala sakin. I smiled at him.

"Okay lang ako. Wag ka ng mag-alala."

Hindi na siya nagsalita. Alam ko malalim pa rin ang pag-iisip niya. Hinayaan ko na lang siya.

Kahit ako rin naman eh, gulat na gulat.

Yes, I know gangs are like that. It's obvious na talagang takutan ang gagawin nila.

Pero yung kanina? That's too much.

Hanggang kailan ba magiging gangster 'tong si Dylan?

Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagulat na lang ako ng biglang binuhat ako ni Dylan papalabas ng kotse.

"Tss. Laway mo. Magpunas ka nga."

I glared at him. "Kakagising ko lang diba? Sorry naman!"

Bago kami pumasok ng gate, may kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya.

Pagkatingin ko, panyo.

"Buti ako lang nakakakita ng ganito ka. Nako, nakakahiya ka Hannah." sabay punas niya ng panyo sa bibig ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Pero parang wala lang 'to sa kanya.

"Kumapit ka nga sa leeg ko!"

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon