Chapter 20.1 [Friendly date]

295K 5.4K 1.4K
                                    

Yay! An update! Hoho. Enjoy minmin fans! Anyhoo, may upcoming MinMin fans day event daw? Sinong nakakaalam nun? Punta tayo! Ang napuntahan ko lang before na may connection sa Korea is yung Ulzzang events at FT. Island meetup na get-together lang naman :(

Pupunta pala akong Grand Fans Day ni DJP! Sa June 4, SM Skydome. Ang ticket is yung album niya. Punta na rin kayo! Let's support Daniel Padilla =) Inspired pala ang update na 'to by SeGa. :)

------------

CHAPTER 20.1.

HANNAH'S POV

LOVERS LANE

Uwaaaaa. Nahihiya ako!

Paano ba naman kasi, nagtanong ako kay Dara kagabi kung anong pwedeng suotin. Ang sabi niya simple floral dress daw. Kaya eto, naka-floral dress ako na color yellow with a touch of green.

At nahihiya ako! Huhuhu! Kasi naman iniisip ko kung anong mangyayari sa friendly date namin ni Nathan. I really don't know how to respond to this type of date. First date ko 'to!

Bahala na! Bahala na! Kaya mo yan Hannah, fighting!

So sabi ko kay Nathan magkita na lang kami dito sa Lovers Lane. Dito kasi sabi niya. Ayokong sunduin niya ako sa bahay kasi naman si Dylan eh! Lagi na lang akong pinapahiya!

Buti na lang kanina umalis na ako bago niya pa makita kung anong suot ko. Baka mamaya asarin na naman ako nun! What a guy.

Tinignan ko yung phone ko. Kakatext lang ni Nathan.

From: Nathan.

Hey, lapit na ko Hannah. See you :)

Napangiti ako. At least makakabonding ko rin si Nathan ngayon.

"KYAAAAAAAAA~!"

"OMG! THE GREAT BRYAN LIM IS HERE!"

"AND EYA ALVAREZ-LIM IS HERE TOO!"

"PERFECT COUPLE!"

Tinignan ko yung commotion. Wow! Si Bryan Lim and Eya Alvarez? Eh sila yung famous couple dito sa Philippines! Paano ba naman, super sweet ng lovelife nila. Imagine, artista nainlove sa ordinary girl lang? Ang epic! I've bought Eya's book and it's so awesome! At alam ko nagpunta rin sila dito sa Lover's Lane before.

Grabe, kailan kaya ako makakahanap ng Bryan Lim ng buhay ko?

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon