Bumangon agad

544 7 0
                                    

"BUMANGON AGAD"

Hi USF! Gusto ko lang ishare 'to para magsilbing inspiration sa iba.

Nineteen ako nung nanganak. Hindi siya inako nung ex ko. Nung nalaman kong buntis ako at sinabi ko sa kanya, tinanong niya ako kung bakit ko sinasabi sa kanya 'yun, sya daw ba 'yung ama. Masakit, lalo na nung pati relatives niya tinatangging siya ama ng ipinagdadala ko. Kesyo baka daw pinapaako ko lang or what. I was broken, I really don't know what to do. I locked up myself in my room for days, crying and thinking how I disappointed my parents. Hindi sa pagmamayabang, pero matalino daw ako. Maayos, I wasn't the "nagrereview and nagbabasa ng notes" kind of student pero matataas ang grades ko. So ayun nga, my mama seemed calm upon knowing I am pregnant. Kasama ko siya nung nagpacheck-up. Pinuntahan ako ni mama sa room ko tapos bigla na lang akong umiyak. Paulit-ulit akong nagsosorry sa kanya, pero sabi niya, "anak, hindi ako galit. Nadisappoint ako pero wala nang magagawa e. Blessing 'yan anak. Hindi kami nagagalit ng papa mo, basta ipangako mo na babangon ka kaagad. Itutuloy mo pag-aaral mo." Tumatak 'yun sa isip at puso ko.
After that conversation with my mom, pumasok ako sa school. I informed my professors about my pregnancy. Nagstart na rin lumaki 'yung tummy ko pero I didn’t care about what others say. Basta nag-aaral ako. Aja lang lagi. Ngayon, andito na 'yung baby ko, sobrang saya ko. I feel so blessed and grateful. Hindi ako nagsisisi, for I have no time for regrets. Nakafocus ako sa pagabot ng mga pangarap namin ng baby ko. HINDI KO IDEDELAY YUNG PAG-ABOT KO SA PANGARAP KO, BUMANGON AKO AGAD. HINDI DAHIL NADAPA AKO, 'DI NA AKO PWEDENG TUMAYO. HINDI PORKET NADAPA AT NASUGATAN, HINDI NA KAYA. TAYO AGAD. IN TIME, MAKIKITA MO KUNG ANONG HALAGA NG HINDI MO PAGSAYANG SA ORAS. DO NOT BE AFRAID OF TRIPPING AND FALLING FOR THEY WERE MEANT TO MAKE YOUR LIFE WORTH THE PAIN.

Ate Girl
2017
Unknown

University Secret FilesWhere stories live. Discover now