"Pamintang Boyfriend"
Tandang tanda ko pa nung niligawan ako ni Jonas, it was like a dream come true, halos lahat ng babae sa campus kilala at crush siya at siyempre isa nako dun hahaha, kaya talagang di ako makapaniwala na sakin siya nagkagusto. Naramdaman ko sincere naman siya so after 5 months sinagot ko din siya.
Nung naging kami ayaw niya yung naghoholding hands kami, ayaw niya din yung kiss basta ayaw niya yung sweet kami. Pero di naman yun naging problema sakin, sa isip ko baka naiiilang pa siya. Pero hanggang magtu 2 years nalang kami ganun parin, walang kahit anong sweetness na nangyayari o nangyari samin. Parang bestfriend nga lang daw kami sabi ng mga kaibigan ko e. Minsan natanung ko siya kung bakla ba siya pero tawa lang naging sagot niya sakin. Tuwing nagmomovie marathon kami sa kanila gustong gusto niya yung mga "Bromance Movies" lalong lalo na yung palabas dati sa GMA na yung kay Dennis Trillo tska kay Tom Rodriguez nakalimutan ko yung title basta yun hahaha. At eto pa, karamihan sa gallery niya puro picture ng lalaki na nakatopless o kaya na naka underwear. Simula nun naghinala na ako, di nako nakatiis kaya tinanung ko na siya.NV:
Ako: Babe, umamin ka nga. Bakla ka ba?
Siya: Hahahaha, ano bang klaseng tanong yan?
Ako: Uulitin ko, bakla ka ba?
Siya: *Humingang malalim*
Ako: So babe ano? Totoo nga?
Siya: Babe, Im sorry, niligawan talaga kita para di ako pag hinalaan nila papa. Takot kasi akong malaman nila kung ano talaga ako.
Ako: Pero babe minahal mo ba talaga ako?
Siya: Babe di ko alam, pero gusto ko lagi kitang kasama. Di ko kaya ng wala ka. Oo bakla nako pero plss wag mo lang talaga akong iwan.Sa simula medyo di ko matanggap ang pagkatao niya pero narealize ko kahit naman lantad siyang bakla kaya ko siyang mahalin.
Sa ngayon graduate na kami at may work na. Sa ngayon din 4 months nakong pregnant sa 1st baby namin ni Jonas and he was very proud na daddy na siya.Momshie
2015
Others
YOU ARE READING
University Secret Files
Teen FictionTrue to life story.. I just copied this from the original at the page of university secret files. (ipinaalam ko po ito sa page na university secret files. kasi po plagiarism is crime.). Must Keep And Enjoy reading guys💞