"Drunk Ex"
Nakareceive ako ng message late at night siguro past 11pm na yon galing sa mama ni ex.
"Anak, kasama mo ba ngayon si Lorraine? Di pa kase sya umuuwi sabi nya before 10pm nasa bahay na sya and ring lang ng ring yung phone nya. Sobrang nag aalala na kami."
Nung nabasa ko yan kahit nakahiga na ko sa kama agad akong tumayo, nagbihis tsaka umalis ng bahay. Kahit na may misunderstanding kami ni Lorraine, concern parin ako sa kanya. I texted tita na di ko sya kasama and hahanapin ko sya.
Agad akong sumakay ng bus and as soon as I sat down I called her bestfriend pero di rin nya alam kung nasaan si Lorraine. Tinawagan ko lahat ng tropa nya pero with no avail, di rin daw nila alam kung nasaan sya. Dun na ko kinabahan, parang sasabog dibdib ko sa kaba but after a couple of minutes I received a text galing sa tropa ko she saw Lorraine sa isang bar.
After an hour and a half nakarating na ko dun sa bar na sinabi ng tropa ko. Pagpasok na pagpasok ko hinanap ko agad sya and I saw her malapit sa barista, nakapatong ulo nya sa bar table and halatang halata na she was wasted, she was oozing rum, amoy na amoy alak.
Me: Boss, kanina pa ba to dito?
Barista: Mga 9pm po siguro sir.
Me: nabayaran na ba nya mga nainom nya?
Barista: Yes sir, settled na po bill ni ma'am.Okay good, buti nabayaran nya kase wala akong dalang pera that time. Saktong 1000 lang dinala ko.
I tried waking her up pero wala, lango na sa alak kaya I grabbed her. Piniggy backride ko sya palabas sa bar. Almost past 1am na non at wala pa kaming masakyan. Bibihira jeep sa lugar na yon lalo na madaling araw kaya I decided na magcheck in nalang for the night.Nakapasan parin sya saken at sobrang bigat nitong damulag na to . Sumasakit na likod ko pero wala akong nakita kahit mga 7/11 or any 24hrs fast food chain wala. Kaya sa may waiting shed nalang ako nagpahinga, grabbed my phone and I texted tita na safe na si Lorraine at kasama ko sya, sinabi ko rin yung lugar kung nasaan kami para masundo sya.
Tulog parin ang bruha. Kaya umupo ako tapos inihiga ko ulo nya sa lap ko. Dun ko napagtanto na she's still beautiful as ever, it's been 8 and a half months since the last time I saw her. I don't know why pero I cried while staring at her. Masakit parin saken na she broke up with me, sobra. To be honest di parin ako nakakamove on sa kanya non. Damn, I missed her so fucking much that I wanted to hug her tight and kiss her passionately but I didn't, I couldn't. Reality hits me, wala na nga palang kami. Hinawi ko yung iilang pirasong buhok na tumatakip sa pisngi nya. I pinched her cheeks and nose.
Hoy babae...
Gising na...Pinunasan ko yung mga luha kong muntik ng pumatak sa maganda nyang mukha. Sa isip isip ko sana di na matapos to, tumigil sana ang oras kahit ngayon lang. Kasama ko na ulit ang babaeng minahal ko ng buo pero sya ring dumurog saken. Di ko napansin ang oras 30mins na pala lumipas, may narinig akong busina. Napaligon ako at nakita kong bumaba si tito at tita sa sasakyan. Binuhat namin si Lorraine sa loob. Pinapasabay ako nina tita sa kanila, ihahatid daw nila ako pauwi pero I respectfully declined. They thanked me and tita hugged me. I again almost burst out crying pero napigilan ko. Umalis na sina tita at naiwan ako. 6am na ko nakauwi samin non.
After 3 days I received a text message coming from an unknown number.
"Pwede ba tayo mag usap Francis? -Lorraine"
Francis
2014
Others
YOU ARE READING
University Secret Files
Novela JuvenilTrue to life story.. I just copied this from the original at the page of university secret files. (ipinaalam ko po ito sa page na university secret files. kasi po plagiarism is crime.). Must Keep And Enjoy reading guys💞