"Drunk Ex II"
I thought di mababasa ng mga admins message ko kaya di ko na tinuloy yung kwento kaya i'm sorry. This is the continuation.
I don't know why pero I got excited after ko mabasa text ni Lorraine. I didn't expect her to text me out of nowhere. Nireplyan ko agad sya and we agreed na magkita.
Sinuot ko yung bago kong polo, nagpagupit ako, ginamit ko yung pabango na gustong gusto nya, nag ayos ako, nagpapogi. I felt na parang date to kaya I'm so happy eventhough mag uusap lang kami, after 8 and a half months makakausap ko na ulit sya, I'm super ecstatic para akong bata na pupunta sa isang amusement park but this is different, this is real and it will happen. 6pm usapan namin. 5:30 palang nasa meeting place na ko. Habang iniintay ko sya ngumunguya ako ng mentos para mabango hininga. Di ako mapakali non.
5:59pm.
6:00pm.
Sa isip ko. Shit eto na, eto na, eto na talaga.
Then 6:30... 7:00... 8:00pm pero di parin sya dumadating. Tinext ko sya pero di sya nagrereply. Ayaw ko tawagan because I don't want to irritate her, ayoko ro rin na makulitan sya saken.
8:30... 9:00pm still wala parin sya. Ayoko parin umalis sa kinatatayuan ko, any minute baka bigla syang dumating kaya nag iintay parin ako. Until 11pm. Dun na ko nakareceive ng text sa kanya.
"I'm sorry."
I smiled. Biglang nanlabo paningin ko. Hindi naman umuulan pero bakit basa ang pisngi ko. Tumulo na naman ang mga lecheng luha na to. Napakaiyakin ko, aminado ako.
"It's okay, sa ibang araw na lang siguro. :) take care Lorraine. Wag mo na ulit uulitin yon, sobrang nag alala sina tita sayo. See you when I see you. :) "
Di na ulit sya nagreply hanggang sa nakauwi na ko. I was about to go to sleep nung nagvibrate cellphone ko. It was a message from Lorraine, and I'm happy because she's my most favorite notification but that changed the moment I read the first line of her message.
"Francis, I'm pregrant. I'm sorry i'm sorry i'm sorry."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig non. I was so devastated, i felt like i'm being torn apart. Sobrang sakit. Narinig ako ni nanay na naiyak, para akong bata. Iyak ako ng iyak halos maubusan ako ng hininga, sinabi ko kay nanay yung nangyare, wala syang sinabi but she just gave me a big warm hug, mahigpit na mahigpit. Sa 3yrs namin ni Lorraine walang nangyare samin kase nirerespeto ko sya pati magulang nya tapos malalaman ko na she's pregnant. Di ko matanggap. Hinding hindi.
After a couple of days tinanong ko sa mama nya kung bakit nagkaganon, anong nangyare? Yung nakafling nya daw nung nagbreak up namin yung nakabuntis kay Lorraine, na pa barkada daw si Lorraine after ng break up namin. Tapos ayaw panindigan nung lalake, galit na galit ako pero wala eh nangyari na eh, di na maibabalik yung natapos na.
Kinausap ko rin si Lorraine, she told me everything kaya pala sya nag inom dahil don. Nalaman ko lahat. Sinabi nya rin saken na kaya nya maging ina sa anak nya kahit walang ama. That's the time I told her na mahal na mahal ko parin sya, na willing akong maging ama sa anak nya. She just cried and cried pero seryoso ako, mahal na mahal ko si Lorraine na handa aong tanggapin yung responsibilidad bilang ama.
Mag 7months ng buntis si Lorraine, malaki na tiyan nya. Excited na kami. Malapit na ko maging tatay. Oo hindi ito yung pinangarap ko para samin ni Lorraine pero isa ito sa gusto kong mangyari samin, magkaroon ng isang masayang pamilya ng magkasama. :)
Francis
20**
Others
YOU ARE READING
University Secret Files
Novela JuvenilTrue to life story.. I just copied this from the original at the page of university secret files. (ipinaalam ko po ito sa page na university secret files. kasi po plagiarism is crime.). Must Keep And Enjoy reading guys💞