"TILL DEATH DO US PART"
Masasabi kong nasakin na ang lahat dati. May magandang trabaho, happy family and a Good Relationship. 5 years na kami ng gf ko na si Bea, and I could say siya na nga talaga ang gusto ko mapangasawa. Kaya naisipan kong magpropose na sa kanya, tingin ko naman nasa tamang age na kami at bukod dun may stable naman na kaming mga trabaho. But until June 3 2014, nangyari ang di ko inaasahan. Around 10 pm, sinundo ko si Bea sa work niya, pauwi na kami sakay ng kotse ko at tinatahak na namin yung quezon avenue. Nang patawid na kami sa isang stop light, bigla nalang may bumangga samin, di ko alam kung ano pero sobrang lakas. Nagising nalang ako sa ospital na nakabenda na yung leeg ko pati yung isang paa ko. Sabi ni Mama, isang delivery truck daw yung nakabangga samin na nag beating the red light. Sobrang wasak daw yung kotse ko at yung truck sa sobrang lakas ng pagbangga, pero wala yun sa isip ko, inisip ko kaagad si Bea kaya tinanung ko si mama kung nasan siya, pero di siya nakasagot. Maya maya bigla nalang siyang napaluha at sinabing "Sorry mark pero wala na siya"
"Anong wala ma? Anong pinagsasabi mo?" Sabi ko.
"Dead on arrival na siya nung dinala dito, ikaw lang yung nabuhay".
Bigla akong natulala na parang bumagsak yung langit at lupa sakin. Kasabay nun yung pag hagulgol ko, kahit ang sakit ng buong katawan ko, di ko na yun mainda dahil sa naramdaman ko. Sobrang di ako makapaniwala sa nangyari, na sa isang iglap lang nawala ang girlfriend ko. After how many years, after all the memories that we had ganun ganun lang, wala na siya. Parang di ko lubos maisip yung buhay ko na wala siya. Bakit sa dinami dami ng tao siya pa? Bukod dun sana namatay narin ako. Sana dalawa nalang kaming namatay o kaya sana ako nalang. Sobrang sakit. Sobrang sobra. 2 weeks na yung nakalipas nasa ospital parin ako. Dumalaw yung parents ni Bea sakin. Ipinaalam din nila sakin na kinabukasan na yung libing ni Bea. Kahit wala na akong mailuha, tuloy parin ako sa pag iyak. Halos araw araw nalang kasi umiiyak ako ng walang tigil lalo pa't nalaman kong ililibing na yung future wife ko. Gusto kong siyang mapuntahan para kahit sa libing niya makita ko man lang siya pero di ako pinapayagan ng doctor dahil di ko pa daw kaya. Pinilit ko nun tumayo sa higaan ko pero natumba lang ako sa sahig. Wala akong magawa kundi umiyak lang ng umiyak, di ko man lang magawang makapunta sa libing niya. Lumipas ang mga araw na balisa ako, wala sa sarili at tulala dahil sa nangyari. Hanggang sa isang araw pwede na daw akong makalabas ng ospital. Nakakalakad na ako ng maayos at magaling narin ang mga sugat ko, pero imbes na matuwa nalungkot lang ako lalo. Dahil anong silbi ng pag galing ko kung wala naman na si Bea. Pinagpatuloy ko ang buhay nang wala na siya, pinipilit kong maging matatag kahit alam ko sa sarili ko na di ko kaya. Madalas pagkatapos ng work ko, kahit gabi na dumidiretso ako sa puntod ni Bea, kinakausap ko siya, lagi kong tinatanung sa kanya "Bakit mo ako iniwan, sabi mo walang iwanan, sabi mo magpapakasal tayo at magkakaroon ng dalawang anak, isang lalaki tapos isang babae ang gusto mo diba?" Madalas ganun sinasabi ko tapos iiyak nako ng iiyak tapos minsan dun narin ako nakakatulog sa puntod niya. One time nung pumunta ako sa bar para uminom, binugbog ako ng mga tao dahil yinakap ko daw yung isang babae na pilit kong tinatawag sa pangalan na Bea, siguro dahil sa sobrang kalasingan. Nagising na lang uli ako nun sa ospital dahil sa bugbog na tinamo ko, sa isip ko sana namatay nalang ako sa bugbog para makasama ko na siya. Dumating ako sa point na gusto ko na magpakamatay, iniisip kong wala nang kwenta ang buhay ko pag wala si Bea. Isang gabi pumunta ako kung san mismo nangyari yung aksidente samin ni Bea. Tinigil ko yung sasakyan ko sa gitna ng tawiran habang naka red yung stop light at hinintay kong may bumangga sakin, "magkikita na tayo bea, hintayin moko" sabi ko habang umiiyak. Pero walang bumangga, maya maya bigla nalang may pumuntang pulis at pinababa ako sa kotse. Dinala ako sa presinto at maya maya pa dumating sila mama at papa, tinanung ng mga pulis sa kanila kung may sira daw ba ako, sabi nila hindi daw ako baliw, nadepress lang ako dahil sa mga nangyari sakin. Niyakap ako ni mama at papa na para bang nagising nalang ako bigla. Bigla kong naramdaman yung init ng yakap nila sakin na parang galing kay Bea, narealize ko na nandyan pala sila. Di ko na sila naalala dahil nadala ako sa mga pangyayari. May reason pa pala ang buhay ko, dahil sa kanila. Kinabukasan pumunta kami sa simbahan, umiyak ako habang nagdadasal at humingi ng tawad sa mga nagawa ko at sa pagtangka kong pagpapakamatay.Para naman kay Bea,
It's been 3 years Piggy, kung nasan ka man ngayon miss na miss na kita. Sana masaya ka dyan kasama si God at sana gabayan mo ko palagi. Sorry din kung nagtangka akong magpakamatay, sana mapatawad moko. Salamat dahil di mo ko pinabayaan na mangyari yun. Salamat din sa memories na ginawa natin, from ups and downs from
negatives to positives sobrang dami. Sobrang saya ko din dahil nakilala kita Bea, alam kong may reason si God kung bakit ka niya maagang kinuha sakin. Kung nasan ka man ngayon piggy, balang araw magkikita din tayo dyan, pero di ko pipilitin na mangyari yun kagad, hahayaan kong si God na mismo ang magdecide kung kelan yun. I love you so much Piggy. Mahal na mahal kita.Mr. Piggy
20**
TCU
YOU ARE READING
University Secret Files
TienerfictieTrue to life story.. I just copied this from the original at the page of university secret files. (ipinaalam ko po ito sa page na university secret files. kasi po plagiarism is crime.). Must Keep And Enjoy reading guys💞