“What If”
First day of school, nag-bell nang pumasok siya sa pintuan ng classroom at parang huminto ang oras nung magtama ang aming paningin, di ko alam kung ano ang tawag sa naramdaman ko pero sabi nga sa kanta ni Lenka, My Heart Skips A Beat, ganoon ang nangyari sakin. Lumipas ang mga araw naging malapit kami sa isa't isa pero lingid sa kaalaman niya, nagkakaroon na ako nang paghanga sakanya.
Nagkaron nang event sa school na aming dinaluhan, nagsimula nang magsayawan ang lahat at ako naman umaasa na sana siya ang maging first dance ko pero hindi nangyari dahil nauna akong isayaw nang kaibigan niya. Noong malapit na matapos ang party, nagtagpo ang aming paningin at bigla niya kong binigyan nang isang matamis na ngiti, ngiting nagpahulog sakin nang malalim. Naglakad siya palapit sa akin at inaya akong sumayaw sa ilalim nang makinang na kalangitan, sa tugtog nang paborito naming banda, sa kanta na may pamagat na Alumni Homecoming na sabay pa naming kinakanta. Hanggang sa natapos ang party, hindi ko mapigilang hindi kiligin.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon nagtapat sa akin ang kaibigan niya at doon nagumpisa ang paglayo niya sakin. Hindi ko inakalang ganoon kasakit yung gagawin niyang pagiwas. Lumipas ang mga araw at buwan na naging malapit kami nang kaibigan niya at nanligaw ito sa akin. Tinanggap ko na din, na siguro nga hanggang doon nalang kami.
Dumating ang Retreat, hindi ko inaasahan na magkakalapit ulit kami tulad nang dati. Sa huling araw namin doon, bubuksan namin ang mga letters na ibinigay samin. Napansin ko ang isang maliit na sulat. Walang sender, binuksan ko iyon at laking gulat ko, kilalang kilala ko ang sulat-kamay na yun, galing iyon sakanya. Sinimualan ko itong basahin, hindi ko inaasahan na sa bungad nang sulat ay aamin siya na noon palang gusto na niya ako at nahihiyang lamang siya magsabi. Napaiyak nalang ako at nanghinayang sa lahat nang sana dapat na nangyari, ngunit mas lalo akong napahagulgol nang mabasa ko na bago daw ito umamin sa akin ay kinausap siya nitong liligawan ako at sana ay tulungan siya nito, hindi niya magawang tumulong kaya't umiwas nalang siya. Lahat ng what ifs ay pumasok sa isip ko, what if mas maaga namin nalaman na gusto namin ang isa't- isa? What if hindi nagkagusto sakin ang kaibigan niya? Pagbalik namin galing Retreat, kinausap ko ang kaibigan niya at sinabi kong maging magkaibigan nalang kami. Walang araw na hindi ako umiyak sa tuwing naiisip ko yung mga what ifs...
Graduation Day, ang huling araw na nakita namin ang isa't isa. Ang huling araw na nasulyapan ko ang ngiting nagpahulog sakin noon at nagpadurog sa puso ko ngayon.
--- maria
HRDM
Others
YOU ARE READING
University Secret Files
Teen FictionTrue to life story.. I just copied this from the original at the page of university secret files. (ipinaalam ko po ito sa page na university secret files. kasi po plagiarism is crime.). Must Keep And Enjoy reading guys💞