Storm

58 0 0
                                    

I'm back... Gyahahahahaha!! Isang beses pa ata ako nakapag update dito diba? Hehehe!! Tinatamad kasi ako at saka naguud ako sa mga stories ko ^__^ At tagalog na po ito lahat. Nagmumukhang tanga nga ako nung last update dahil sa walang kwentang english. Naku! Kung alam ko lang na pwedeng pure tagalog -.- Kahit na sinabihan na nila ako...

***

Okay... Naiinggit ako sa mga pakilala pakilala thingy nila.. Kaya gusto ko rin gumawa.. LoL!! Gaya-gaya rin pag may time XD

Okay, I'm Storm. My name is Storm and my nickname is Storm XD Bawal kasing sabihin ang pangalan XD

Hindi ko masyado kilala sarili ko. Hahaha!! (Gagawa ako ng ipapakilala ko ang sarili ko pero waley lang pala... Hahaha) Kahit sarili kong katauhan hindi ko kilala kaya nagtanong ako sa ibang Rockers kung papaano ako sa mga ganitong bagay.

Sabi ni Cloud, makulit raw ako, isip bata (hehehe) pero kapag gusto ko raw magseryoso.. magseseryoso raw talaga buong araw.

Pati na rin si Sun. Ganoon lang din sa sinabi ni Cloud.

Siguro ganoon akong type ng tao.. Happy-go-lucky (kamot sa batok) Kaya peace na guys!!

Pero kung titignan ko ang past na sarili ko... Isang napakatahimik na Storm ang makikilala niyo. Mahilig mag study (hindi pa kasi ako mahilig sa computer ng mga time na yan) pero makulit pa rin... I think, Grade 6 ako niyano grade 5.. Gahahah!! Wuy proud ako sa mga oras na iyan... Matataas ang grado ko pati pa rin ngayon maliban na nga lang sa english...XD Natandaan ko tuloy yung one mistake lang ako sa english exam namin. I think, grade 4 pa ako nun. Diba! Anggaling ko!

Mukhang walang patutunguhan ang describe myself describe myself na ito kaya gagawin ko na yung part ko...

Ito po ang nangyari sa nakaraang linggo ko...

Monday! (March 3)

Nakakapagod pumasok sa school -3- Ngayon nga lang gumaling ang katawan ko -.-

Paano ba naman nung sabado, hindi ko alam kung anong nangyayari sa katawan ko. Sumasakit ulo ko, tinatamad gumalaw katawan ko at palagi akong inaantok. Gah~

"Storm! Gising na!!"

Aish~ Nakakatamaaaad!! School days!! I hate you!! Wala namang ginagawa sa school ngayon eh -3- Patapos na ang klase... Gagawa na lang kami ng mga projects namin...

Pagkarating ko sa school, nakita kong may hawak si Mist na chocolate.

Hala?! Para kanino kaya yan? Sana akin na lang... Para naman regalo ko sa katawan ko -.- Diba sabi ko masakit ang katawan ko noong nakaraang araw?

"Wuy! Para kanina yan Mist?"

"Hindi yan akin. Kay Cloud yan galing para kay Neko" Mist

Omo!! Bakit niya bibigyan ang pusang yun ng chocolate? Magiging hyper yun. Napakakulit pa naman nun -.- Pero meh~ si Cloud lang naman amg magkakaproblema sa kanya.

"Cloud!! Bakit mo bibigyan si Neko ng Chocos? Alam mo naman ata ang kapalit ng pagkain niya ng chocos?"

"Hehehe, gloomy kasi siya kagabi eh. Kaya binigyan ko na lang siya"

Ehem... Ano kayang meron kahapon?

~> Kyaah!! Kung nabasa niyo ang side nila. Omo! Answeet nila *o* <~

»»»»Hours passed...

English class namin at binigyan kami ng mga echos echos thingy para raw sa Post test... The eff lang?! Hindi naman kailangan i-review ulit yung mga lessons eh. Pwede ka namang magself study niyan o hindi. Maliban nga lang kung nagtuturo siya 9 months ago... Mukhang takot ata siyang mawalan ng trabaho eh.. Sabi nga ni Neko na wag daw naming ayusin ang post test sa english para fired na ang teacher namin. Ansama lang diba? Pero pumayag naman ako sa plano niya XD

The Immortal DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon