Chapter 01: Where It All Started

39 2 0
                                    

***Chapter 01: Where it all started***

"Hiwalayan mo siya!"

"Siya ang mahal ko at hindi ikaw! Kung ano man ang nangyari sa ating dalawa, aksidente lang. Alam mong pareho tayong lasing n'ong gabing iyon." malamig nyang sagot sa babae.

"P-pero bu-buntis ako!" at nagsimula ng bumuhos ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan.

"Ipalaglag mo." bagot nyang tugon. Hindi makapaniwala ang babae sa kanyang narinig. Hindi nya akalaing wala pa rin syang halaga para sa lalaking mahal nya kahit alam nyang may nangyari na sa kanila.

"Kung hindi mo rin ako pananagutan, mabuti pang-----"

"BEEEEESSSSSSS! Bakit mo pinatay yung T.V? Malapit na silang magpatayan oh. Natetense na nga ako sa mga mangyayari eh." Ang sama talaga nitong bestfriend ko. Feel na feel ko na nga yung movie tapos bigla ba naman nyang pinatay?

"Akala ko ba pumunta ka dito para gumawa ng assignment? May padala-dala ka pang noteboooks dyan, magmumovie marathon ka lang pala dito. -____-" Wow si Bes parang nanay lang. Nakapamewang pa sya sa harap ko.

"Hehe (,~~)" Nabuking ako. Ang totoo lang nyan gusto ko lang tumambay dito sa kanila. Ang sarap kaya ng pagkain na inihahanda ng Mama ni Bes para sa amin. Ano kayang meryenda namin bukas? Naeexcite na akong tumambay ulit dito. Hihihi.

"Hoy AVIAH EIHAN IONICE OCAMPO UY! Kinakausap kita!"

"Ang sakit talaga sa tenga ng boses mo Aja. Pakihina naman minsan 'pag may oras ka ha." Sabay takip sa magkabila kong tenga. Kailangan ba talagang ipagsigawan ang buong pangalan ko? Yan nalaman nyo na tuloy. Secret ko lang sana yun eh.

"Hahaha. Napupunta ka na naman kasi sa outer space eh. Mabuti naman at nakabalik ka na." Pang-aasar sa akin ni Annie.

"Tsk. Ano bang sinasabi mo?"

"Ah---kasi ano eh---uhm----" sabay kamot sa batok nya. Hulaan ko may hihingin syang favor sa akin -____-.

"Nagyayaya kasi si Kean na magmall."

"Oh tapos?" Bagot kong tanong. Magdedate lang naman sila pero todo tanggi naman ng babaeng ito na date daw yun. Hindi na bago sa akin  yun. Kailan lang kasi napag-alaman ni Aja na yung crush nya. May gusto rin sa kanya. OH diba? I'm happy for them.

"Sama ka?" Bakit biglang nagpuppy eyes 'tong babaeng 'to? Kanina lang iniinsulto ako nito ah. Kita nyo na. Gusto nya akong gawing chaperone but don't get me wrong ah. Hindi ako bitter, sadyang tinatamad lang talaga akong magpunta sa mall ngayon.

"Asus. Oo na. Ililibre na kita."

Yes! Sinabi na nya ang magic word. Yun lang naman ang hinihintay ko eh. LIBRE. Makakatanggi pa ba ako nyan? *o*

***Mall

"Hi Aja, Aei ^_____^." Bati sa amin ni Kean. Lapad ng ngiti nya ah. Palibhasa nakita na naman nya si Bes hahaha.

Unfavorable Wish [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon