Chapter 02: The Ravens

37 2 0
                                    

***Chapter 02: The Ravens***

 After 6 months

***Aja’s POV

Ang aga ko yatang pumasok sa school ah. Apat palang kaming nandito. Umupo na ako sa pwesto ko at napatingin sa bakanteng upuan ni Bes. Haaay. Siguradong late na naman iyon. Bakit kaya hindi nalang sya gumising ng maaga para hindi sya tumatakbo kapag malapit nang magring yung bell.

Anyway, pakilala na muna ako. Ako lang naman ang magandang bestfriend ni Aei. My name is Annie Jane Arceo. AJA for short. 15 years old the same as Aei. Students kami ng St. Michael Academy. Fourth year high school. Grabe malapit na kaming mag-graduate. Ano kayang course ang kukunin ko? Pareho kaya kami ni Aei? Si Kean kaya?

“Wow Aja tapos ka na yata sa assignment natin sa Math? Hindi ka yata nag-aabalang mangopya ngayon?” biglang sabi ng kaklase ko.

“HUH?! May assignment ba tayo?” bakit hindi ko alam na may assignment kami?

“’Yan, puro Kean nalang kasi ang nasa utak hahaha.” Pang-iinsulto nya. Hindi naman kaya.

“Hindi naman masyado. Pahiram nga nyan, mangongopya ako hehe.” At ibinigay naman nya ang papel nya. Matagal pa naman ang oras, matatapos ko pa ito.

Bigla kong naalala si Aei. Hindi rin pala gumagawa ng assignment sa Math yung babaeng yun. Lagi pa naman syang late. Siguradong wala na naman syang ipapass nyan -____-.

***after 10 minutes

Natapos rin ako sa ginagawa ko. Tinignan ko ang orasan. 10 minutes nalang pala at darating na yung teacher namin. Wala pa rin si Aei. Naku babaeng ‘yon! Nakakaloka na.

“BEEEEESSSSSS!” Wow speaking of my Bessy nandito na sya.

“Oh bakit Bes?” tanong ko. Mukhang hindi nakatulog ‘to. Laki ng eyebags eh pero alam ko na kung anong gusto nito. KATARUNGAN -_____-

"Normal pa ba ako? Bakit hanggang sa panaginip, pagkain pa rin yung nakikita ko? May mali ba sa akin? Yan tuloy nagugutom na naman ako." Ang aga palang, pagkain agad? May diperensya na talaga itong babaeng ito.

"Bago ka magmaktol tungkol dyan sa pagkain, gawin mo muna itong assignment mo."

“HUWAAAAAAT?! May assignment tayo?” tumingin sya sa wristwatch nya. “Hala! 5 minutes nalang darating na si Ma’am.” Sabi na nga ba wala rin syang assignment eh. Dali dali nyang kinuha ang ballpen nya at naghalukat sa bag.

“B-bes? *sniff.sniff* Wala akong papel.” Teary eyes na sya. Kahit kelan talaga napakaiyakin nitong batang ‘to. Inabot ko ang papel ko maging ang nagawa ko ng assignment. Agad namang napalitan ng ngiti ang mukha nya ngunit naglaho rin iyon ng biglang dumating si Mrs. Rivera.

Tinignan ko si Aei. Mukha syang pinagbagsakan ng langit at lupa lalo na nung sinabi ni Ma’am na “Good morning class. Pass your assignments.” Hay nako Bes.

“Oh, lagyan mo na ng pangalan yan.” Naguguluhan si Aei. Ngumiti ako sa kanya at sinabing “Dalawa yung ginawa ko. Alam ko naman kasing late ka ng dumarating kaya wala ka ng time para mangopya.” Bigla nya akong niyakap sa sobrang tuwa.

Unfavorable Wish [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon