Chapter 06: Tag Prize

26 1 0
  • Dedicated kay Karl Eugene Juanatas
                                    

Lovely's Letter:

Hey Bro! Eto na yung hinihintay mong update. Pasensya naman kung medyo natagalan haha. Wag ka nang magtampo kung dinedicate ko kay Kath yung last chapter. Eto naman yung sayo hehe. Osya, enjoy ka dude. Love'ya bro.

***Chapter 06: Tag Prize***

 

***Aei’s POV

Takot ang naramdaman ko ng bigla nalang may humila sa akin at hinila papunta sa kung saan man.

Ngunit sa di inaasahang dahilan ay bigla na lamang nya akong isinandal sa isang salamin na nagsisilbing maze ng lugar.

“Aei?! Anong ginagawa mo rito?”

Iminulat ko ang mga mata kong kanina pa nakapikit dahil sa sobrang takot ng marinig ko ang boses nya.

“G-Gab?” ‘Di makapaniwala kong turan. Akala ko may mangyayari na namang masama sa akin.

“… Bakit nandito ka? Sinong kasama mo?” Ilan lang yan sa mga tanong nya na hindi ko nasasagot dahil sa sobrang pagkabigla. Bakas sa mga mata nya ang pagtataka at pag-aalala.

“Aish! Halika na. Umalis na tayo rito bago pa nila tayo makita.” Sabi nalang nya at saka hinilang muli ang mga braso ko at nagsimulang maglakad.

Nagpahila nalang ako sa kanya ngunit napatigil ng may mapansin sya. Rinig ko rin ang mahinang mura na kumawala sa bibig nya. Tinignan ko sya na ngayon ay may seryosong mukha.

“Akalain mo nga naman oh. May isang Ravena ang naligaw.”

Napatingin ako sa direksyon kung saan nagmula ang boses at doon tumambad sa amin ang tatlong lalaki na may nakakatakot na ngiti. Hindi nagsalita si Gab bagkus ay bahagya pa nya akong idinala papunta sa likod nya.

“May importante pa man din tayong inaayos, nagawa mo pang makipagdate.” Turan ulit ng lalaking nagsalita kanina habang umiiling. “O ‘di naman kaya, yan ang bonus prize namin matapos namin kayong lampasuhin sa larong ito.” Kinilabutan ako sa mga naririnig ko. Hinigpitan ko nalang ang hawak sa laylayan ng shirt ni Gab sa sobrang kaba. Sana makaalis na kami dito.

***Gab’s POV

[Lovely’s Letter:

Oha! Lahat sila may moment wahahaha. Hindi lang ako umaasa sa isang karakter para magkwento. Nahihirapan ako e. Osya, enjoy sa first POV ni Papa Gab. Oo nga pala. Hindi ko alam kung paano mag-isip ang mga lalaki so bear with me. ‘Kay?]

Unfavorable Wish [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon