Chapter 07.2: Eight Wishes

17 1 0
                                    

***Chapter 07.2: Eight wishes***

 

***Author’s POV

Nang magbigay ng ‘GO’ signal si Kean ay hindi na nagdalawang-isip ang mga kasamahan nya na sugurin ang mga kalaban. Samantalang si Gab at Kean naman ay gumawa ng paraan para mailabas agad sa lugar sina Aei at Aja.

Palabas na sana sina Gab at Aei nang may bigla lumitaw sa harapan nila na may hawak hawak na balisong. Alam ni Gab na mapanganib ‘yon kung lalaban sya sabay pagprotekta kay Aei kaya walang pag-aalinlangan nyang itinulak si Aei sa malapit na kasamahan, si Ice.

Gusto mang makatakas ni Jade ay hindi nya magawa. Hawak kasi sya ng mga kalaban, hindi katulad nina Aei ay nasa mabuting mga kamay.

‘Bakit pa kasi kami pumunta dito? Ayaw ko nang bumalik dito dahil naaalala ko lang sya. At bakit pa kasi kami nagkahiwa-hiwalay kanina at ako lang ang napunta sa masamang kamay?’ Those are the thoughts na umiikot sa utak nya ng mga oras na yon.

Wala syang ibang magawa kung hindi magpumiglas. Hindi nya magawang humingi ng tulong dahil binusalan ito sa bibig.

Palihim syang hinihila ng dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang braso nya habang nagkakagulo sila. Umiiyak na ito sa sobrang takot. Pakiramdam nya ay wala ng magliligtas sa kanya.

Nakatungo nalang ito habang umiiyak, magpumiglas man ay wala ring silbi dahil wala na syang lakas para manlaban pa. Hanggang sa bigla nalang bumagsak ang isang lalaki na nakahawak sa kaliwang braso nya.

Tinignan nya kung sino ito at laking gulat nya ang nakakatakot na tindig ni James na handang pumatay ng tao. Sumugod na rin ang lalaking nakahawak sa kanang braso nya kaya nagkaroon ito ng pagkakataon para matanggal ang busal sa bibig nya.

May pagkakataon na rin syang makatakas pero hindi nya magawa dahil nakikita nyang nahihirapan si James sa pakikipaglaban. Marunong rin palang makipagbugbugan ang kalaban nya.

Nagpapalitan lang sila ng suntok. Nang magkaroon ng pagkakataon ay mabilis nyang sinuntok ang kalaban sa sikmura at napuruhan ito. Nakahinga naman ng maluwag si Jade sa nakita ngunit nabalot rin ito ng pagtataka ng biglang sumigaw si James ng buong pag-aalala.

“JADE!!”

Sigaw nya sa pangalan nito pero hindi sa kanya nakatuon ang mga mata ni James, kung hinid sa likod nya.

Lumingon ito at nabato dahil  sa lalaking may hawak hawak na baseball bat na handang bumwelo para hampasin sya.

Hindi nya magawang tumakbo sa sobrang kaba. Ipinikit na lamang nya ang kanyang mga mata at handang tanggapin ang magiging hampas nito sa kanya.

Nakarinig man sya ng malakas na hampas pero hindi naman sya nakaramdam ng anumang sakit. Iminulat nya ang mata nya at mukha agad ni James ang bumungad sa kanya.

Siya ang sumalo sa hampas na dapat ay kay Jade.

“J-James?”

Hindi ito sumagot. Nakatungkod ang mga kamay nya sa tuhod nya at nakayuko. Laking gulat na lamang nya ng biglang umubo ito na may kasamang dugo. Napuruhan sya.

Muli sanang hahambalusin ng lalaki si James ng pigilan ito ni Gab.

“Jade, ilabas mo na si James dito.” Utos ni Gab na sya namang sinunod agad ni Jade. Isinabit nya ang braso ni James sa balikat nya at inalalayan nya ito na lumakad.

Nang makalabas ay umupo sila sa isang bench. Umuubo pa rin si James samantalang hindi naman alam ni Jade ang gagawin para matulungan ito. Hinagod nalang nya ang likod ni James.

“Ah—ano pala---ahm, salamat.” Nauutal man ay naglakas loob pa rin si Jade na basagin ang katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa.

“Shit! Si Maggie!” sigaw ni James na tila binalewala lamang nya ang pagpapasalamat sa kanya ni Jade.

Nakaramdam sya ng lungkot. Una, dahil hindi nya ito tinatapunan ng pansin at pangalawa, ay nagseselos sya sa kung sino man yung ‘Maggie’ na iyon. Na nandoon daw sila sa Delight Square para iligtas si Maggie at hindi sya. Nagseselos sya kahit alam nyang wala na syang karapatan.

“Si-sinong M-Maggie?” Tanong nya pero hindi nya magawang tignan ni James ng diretso. Mula sa nag-aalalang si James ay bigla nalang naging blanko ang ekpresyon nya ng tignan nya si Jade.

“’Wag mo nang alamin.” At saka umalis ito at iniwang mag-isa si Jade. Hindi pa man sya nakakalayo ng tumigil ito at lumingon. “Kanina, ginawa ko lang iyon dahil utos ni Kean.”

“Pe-pero---“

“Kahit sino naman sa amin ay ililigtas ka dahil kailangan. Nagkataon lang na ako ang pinakamalapit sa’yo kaya ‘wag ka nang mag-isip pa ng ibang dahilan.” Pagkasabi ay tuluyan na syang umalis at iniwan si Jade.

Dahil sa mga sinabi ni James ay hindi na nya napigilan ang lumuha. Tumakbo ito papunta sa ibang direksyon hanggang makarating sya sa isang pamilyar na lugar.

‘Tama. Dito nga namin nakuha iyon.’ Sabi nya sa sarili at pumasok sa isang tent na may placard ng ‘Madam Kari’.

Nang makapasok ay bumungad sa kanya ang pamilyar na nakita nya noong una palang silang makapunta dito.

“Jade? Ikaw ba yan?” Tanong ni Kari. Tumango naman ito.

“Kamusta ka naman?”

“Heto, masaklap.”

“Nakuha mo na ba ang gusto mo?” Napatingin si Jade sa tanong ni Kari.

“Totoo ba ang mga sinasabi mo?” Hindi sya sinagot ni Kari bagkus ay inilahad lamang nito ang kamay nya.

Alam ni Jade kung ano ang ibig sabihin ni Kari. Ang isang bagay na hindi nya pinaniniwalaan simula pa lang pero ng mangyari ang mga ito sa kanya ngayon, unti-unti syang nagkakaroon ng dahilan para maniwala na sa mga sinasabi ni Kari.

Ang bagay na binigay ni Kari sa kanila noon. Ang bagay na nagpabago sa buhay nya ngayon.

Ibinigay nya ang isang maliit na bote na may laman na kulay kahel na bato sa loob. Ineksamin ito ni Kari na para bang may hinahanap sya dito. Nang matapos ay ibinalik na ito sa kanya.

“Nakuha mo na pala.”

“Ang alin?”

“Ang isinasaad ng puso mo, nakuha mo na.”

“Pero saan? Kailan? Bakit hindi ko alam?” Hindi nya sinagot ang mga katanungan  ng dalaga kundi ay nagtanong lang ito pabalik.

“Yung hiling ng binatang kasama mo, nakuha na rin ba nya?” Nag-iwas sya ng tingin, dahil naalala nya ang bintang kasama nya noon. Masaya at puno ito ng pagmamahal… noon.

“Bakit ganito? Akala ko mamaging masaya ako kapag nakuha ko na ang sinasabi mo. Pero bakit ganito ang nangyari sa amin?” Naramdaman ni Jade ang unti unting paglabo ng paningin nya. Alam nyang ilang sandal nalang tutulo na ang luhang kanina pa nya pinipigilan.

“’Wag kang mag-alala, maaayos din ang lahat sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon.”

Ngumiti sya kay Kari, alam nyang maaayos din lahat ng ito. Alam nyang maaayos rin ang kung anuman mayroon sa kanila ni James ngayon. Tama. Sa tamang panahon at pagkakataon.

Lumabas sya sa tent ng may maluwag na pakiramdam. Kahit papaano ay nabawasan ang sakit na dinadala nya.

Palabas na sya ng Delight Square ng makita sina Kean at Aja na nakaposas sa isa’t-isa. Napangiti ito ng mapait. Naalala nya silang dalawa nang nakaposas din sila dati.

‘Just be careful on what your heart truly desires.’ Turan nya sa sarili at tuluyan na nyang nilisan ang Delight Square.

Unfavorable Wish [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon