Chapter 07.3: Eight Wishes

15 1 1
                                    

***Chapter 07.3: Eight Wishes****

 

***Aja’s POV

Tag Prize? Ano yun? Eh hindi naman kami sumali sa kahit anong laro dito sa Delight Square ah. At saka hindi ba dapat Tag Price yun? Yung kung saan nakalagay yung presyo ng mga items sa mall or store?

Tinignan ko yung mga kamay namin ni Kean na nakaposas sa isa’t-isa. Ano naman kayang gimik ng dalawang babaeng ito? Pasalamat sila kyut sila. Isang medyo chubby at isang medyo payat pero ok lang, pareho silang kyut.

“Excuse me Miss pero hindi naman kami sumali sa laro para may mapanalunan kami.” Sabi ni Aei sa dalawang babae. Oo nga naman, may nalalaman pa silang posas posas.

“Lahat tayo ay kalahok sa laro ng pag-ibig.” Seryosong sabi nung medyo payat na babae. ‘Laro ng Pag-ibig’? May ganun pa silang nalalaman ah.

“Oo, pero ----.”

“Ano bang prizes yung makukuha namin?” Biglang pinutol ni Kean yung sasabihin ko? Seriously? Interesado sya sa gimik ng mga babaeng ito?

Nagningning naman yung mga mata ng dalawa. Nabuhayan ng loob kasi itong lalaking ito kumagat sa gimik nila. Wala ako sa mood sa mga ganitong bagay. At isa pa, may atraso pa sa akin ito eh.

Ibinigay naman nila sa amin yung kulay pulang papel na hugis puso. Kulay pink naman yung paper heart na ibinigay kina Ice at Aei. Ano naman kaya ang gagawin naming dito?

“Mga ate, kuya, part lang po yan ng Tag Prize nyo. Nakalagay dyan ang pangalan ng rides na dapat nyong sakyan.” Sabi nung chubby na babae.

Binasa ko yung pangalan ng ride na nakasulat sa papel namin.

‘Carousel’

Pangbata yung ride na yun eh. Ayos lang naman sa’kin na sumakay doon pero itong lalaking ito? Sasakay kaya? “Bes, anong sa inyo?” Tanong ko kay Aei.

“Ferris Wheel yung sa amin.”

Tumango nalang ako. Buti pa yung kanila kahit papaano may thrill yung ride na sasakyan nila. Nagsalita ulit yung chubby na babae. “Ibigay nyo lang po ‘yan sa operators ng ride na yan at libre kayong papasakayin. After that, may ibibigay na naman po ulit yung operators nyo ng panibagong heart na papel para sa susunod na ride. Ah so ganun pala ‘yon. Libre pala yung rides. Sigurado akong pumalakpak na naman yung tenga ng babaeng ‘yon sa salitang ‘libre’.

“Tuloy-tuloy lang yang gagawin nyo hanggang makarating kayo sa final destination nyo.” Dagdag pa ni Chubby girl.

“Ang what about this thing?” Sa wakas ay nagsalita rin si Ice. Akala ko napipi na yung kaposas ni Aei eh.

“Magkikita-kita po ulit tayo sa final destination nyo. Naroon din po kasi yung tunay na prize at susi ng mga posas nay an.” Sabi ni Payat girl.

“Wala namang time limit ito diba?” Tanong ko. It’s getting late na rin kasi eh.

“Wala naman po pero kung gusto nyong makauwi agad, hanapin nyo na po yung mga rides nyo.” Wala naman kaming choice kaya go with the flow nalang. Nagpaalam na sa amin yung dalawang babae pero bago sila tuluyang makalayo sumigaw muna sila ng “ENJOY YOUR DATE MGA ATE AT KUYA!”

Hala, Date daw. Nahiya naman ako bigla sa sinabi nila haha ok ang  ewan lang kasi anim na buwan na yung nakalipas ng mapag-alaman ko na yung crush ko ay crush din ako. Oo alam ko na higit pa sa friends ang meron kami ni Kean pero hindi PA official na kami.

Unfavorable Wish [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon