Chapter 04: The Beki and The Queen Bee

34 3 0
                                    

***Chapter 04: The Beki and the Queen Bee***

***Aei’s POV

“Ano n’ang gagawin natin?” -Jade

“Aba, malay ko.” sagot ko.

Tumingin naman kami kay Aja na sa ngayon ay nag-iisip habang nakahawak pa sa baba nya. “Basta mag-isip nalang kayo ng kanya-kanyang palusot. Gayahin nyo nalang ako hehehe”

At naglakad na sya patungo sa guard house. Kapag ganyan na ang tawa ni Aja, kilabutan na kayo dahil something nasty will happen.

Nagtataka siguro kayo kung anong ginagawa namin ngayon. Nandito kasi kami sa likod ng isang building na malapit sa may guard house. Mahigpit kasi ang patakaran na bawal magpalabas ng students kung hindi pa tapos ang class hours.

Kaya’t nag-iisip kami ngayon kung paano makalabas. Ayaw ko namang isuggest yung daan sa agrifarm dahil hindi ko naman alam ang daan palabas.

Tahimik lang kaming nagmamasid sa ginagawa ni Aja. Kaswal syang nagpunta kay manong guard at sinabing …”Kuya pinapatawag daw po kayo ni Mr. Principal sa office nya. May nakapasok daw po kasing outsider.” Tugon ni Aja kay manong guard na para bang totoo ang sinasabi nya.

Pakamot ulo namang tumango si manong guard at nagpunta na sa principal’s office. Nang mawala na sya ay dali dali namang binuksan ang gate ni Aja at kumaway sa amin para lumabas.

Naalarma kami dahil walang bantay. Tatakbo na sana kami papunta sa gate ng biglang may dumating na isa pang guard.

Shit. I cursed under my breath. Hindi kami nakalabas. Nagkatinginan lang kami ni Jade.

“Sige, ako naman.” Sabi nya sabay punta kay isa pang kuya guard ng dahan dahan. Kuya kasi mas bata sya kaysa sa naunang guard kanina. Tinakpan nya ang mukha nya at nagsimulang umalog ang balikat nya.

Teka? Umiiyak ba sya?

“K-kuya *sniff* pwede na ba akong umuwi? *sniff* Yu-yung ano ko po kasi eh *sniff*” Hindi na nya itinuloy ang sasabihin nya at umiyak na sya ng parang bata. “UWAAAAAAH! Kuya nagkaemergency po kasi sa bahay. Kailangan daw po ako do’n. Huhuhu n-na-namatay p-po ka-kasi yung ----”

“Hala! O sige. Mukhang emergency nga yan. Mag-ingat ka nalang sa pag-uwi. Malilinitkan ako panigurado nito.” Sabi ni kuya guard at nagmamadaling ipinagbukas sya ng gate.

And I was like ‘WTF’?! Best Actresses yata ang mga kaibigan ko. Napaisip ako. Ano naman kaya ang ipalulusot ko? Lulusot naman kaya ako?

Habang nag-iisip kung ano ang gagawin ko ay bigla namang dumating yung isang guard na pinaalis ni Aja kanina. Oh no! Paano na to? Dalawa na silang bantay. Paano pa ako makakalabas nito?

I composed myself. It’s now or never. Kailangan kong makalabas. Hinihintay na ako ng dalawang yon panigurado. Hindi ako magpapatalo sa kanila. Makakalabas din ako.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa dalawang guard na nag-uusap. Hinawakan ko ang tyan ko habang naglalakad ng nakatingin sa baba. Napatigil naman sila ng malaman na nandito ako.

“Oh ineng, napano ka?” –guard1

“Uhm—k-kasi po--.” paano ko ba sasabihin ito?

“Bawal magcutting bata, hintayin mo nalang na magdismiss yung teacher nyo.” –guard2

“Ano po kasi----ahhmm---“ Hindi naman nya ako pinapatapos sa sasabihin ko eh.

Unfavorable Wish [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon