Chapter 8: The Search

1.1K 25 3
                                    

-Arthur's Point of View-

Nandito pa rin kami ngayon ni Logan sa lab niya. Seryoso siyang nakatitig sa monitor at tinatry niyang itrace ang location ni Jasmine.

Ang weird nga at tinutulungan niya ako eh. Pero siyempre hindi ko pa rin siya pinagkakatiwalaan nang buo kahit na kapatid ko siya.

Dumaan ang ilang oras at maghahapon na. Alas-tres na at nakatutok pa rin sa monitor si Logan.

Ganun ba kahirap magtrace ng isang tela? Well, I wouldn't know, not a researcher or a scientist tho.

Napabalik ako sa realidad nang magsalita si Logan. "I'm sorry Arthur, I'm not sure if it's the location but believe me I tried."

May halong lungkot at pagkadismaya ang boses niya. Nakakapanibago. Hindi ko alam kung bakit ganyan siya makapagreact. It's not like he cares so much about it. He's acting weird.

"It's fine." Sambit ko at bumuntong hininga. "Magtungo na lang tayo dun sa lokasyong nahanap mo."

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nagulat ako kaya't nag-iwas ako ng tingin.

Did he just smile? At me? Woah, hindi ko alam na ganito na kalala ang kondisyon niya.

"Here." Napatingin ako sa kanya at may hinagis siyang kung anong bagay. Sinambot ko ito at tiningnan.

"What's this?" Tumingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin. Inaayos niya yung gloves niya pati na rin yung lab gown niya.

"A radar." Matipid niyang sagot.

Bilog ang shape nito at may mga buttons din. Pinindot ko yung button sa tabi at may lumabas na grid sa screen at may bilog na nagbblink sa loob nito.

"The blinking circle is the location." Ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala siya sa akin. "Whatever. Let's go." Narinig ko siyang tumawa nang mahina.

I think I'm starting to trust this guy.

---

-Jasmine's Point of View-

"Waaaahhhh!" Tinulak ko siya at lumayo naman siya. "Wag kang lumapit sa sakin!" Sigaw ko.

"Hindi naman kita sasaktan." Seryoso at kalmado pa rin ang tono niya. "Bakit ba ayaw mong malaman ang katotohanan?" Pahabol nito.

"Hindi naman sa ayaw ko." Kalmado na ako. "Pero kasi wala na naman akong dapat pang malaman. Ito ang katotohanan."

Nakatingin lang siya nang deretso sa akin. Hindi siya nagsasalita na para bang pagod na siya kakasabi sa ain ng katotohanan na kanina pa niyang pinagsasasabi.

Ano ba kasi yun? Basta ang alam ko lang itong lahat ang katotohanan.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Tumayo ito at naglakad palayo. "Saan ka pupunta?" Balak niya na akong iwan dito? Mag-isa?

"Hindi ka ba nagugutom?" Nakatalikod ito sa akin. "Wala akong gana." Hindi nito ako pinansin at naglakad na paglayo.

Pambihira, iniwan niya talaga ako dito mag-isa.

A few moments later..

Paano ba siya kukuha ng pagkain eh may araw pa? Eh wala silang lakas at kapangyarihan tuwing may araw? Wait, don't tell me that isn't true?

Both my hands and feets are chained. Of course, I would escape if I had a chance. But.. as if I could?

---

-Arthur's Point of View-

"Tama ba itong dinadaanan natin?" Tanong ko kasi kanina pa nangangawit ang kamay ko kakahawi sa mga sanga't dahon dito sa gubat.

Oo, nandito kami sa gubat. Puro dahon na nga itong ulo ko pero hindi ko na iniinda yun.

Tumingin ako kay Logan na mukhang naguguluhan na din kakatingin sa radar.

"Nagloloko tong radar natin Arthur. Hindi ko na malaman kung saan ang tamang daan." Kalmado pero may halong pagpapanic ang tono ni Logan.

Ano namang gagawin namin? Mukhang naliligaw na rin kami dito sa gubat. Delikado kami lalo na't hapon na. Pag inabot kami ng paglubog ng araw siguradong lalapain na kami dito ng mga bampira.

"Magpahinga na muna tayo." Sakto namang sa paghawi sa isang sanga ay may isang malaking puno. Lumawak ang ngiti ko. Ayos na to, kanina pa kasi ako naiinitan eh.

Dumeretso kami sa malaking puno. Umupo kaagad ako at tinanggal ang jacket at hat ko.

Bumuntong hininga ako at isinandal ang aking ulo. Inalis ni Logan ang kanyang lab gown at umupo sa katapat na puno. Malaki din ito at ayus na para masilungan.

Sandali kong ipinikit ang mga mata ko. Ipinatong ko ang hat ko sa mukha ko.

Nakapapagod namang maglakad, hinahawi ko pa yung mga sanga. Ngawit na ngawit na ang kamay at braso ko.

"You must have been tired." Sambit ni Logan. Hindi ko siya tiningnan at pumikit na lang.

---

-Jasmine's Point of View-

 Hapon na pero wala pa rin yung bampira. Inabanduna na ba niya ako? Pinapatakas na niya ba ako?

Natigilan ako nang may maramdaman akong tusok na bagay sa may bulsa ng jacket ko. A knife? I have a knife?

Ilang segundo akong nagpagulong-gulong para mapalabas yung kutsilyo. If someone's here, he/she might've thought I lost my mind.

Tumalsik yung kutsilyo at napabulong ako ng 'shoot'. Gumapang ako at hindi ko na ininda kung gaano na ako kadumi at kadungis ngayon.

Pag talaga nasa panganib ka na, hindi mo na iniinda 'yung mga dumi at sakit. Basta ang mahalaga makatakas ako rito. That's all the matters now.

Nang makalapit na ako sa kutsilyo ay kinagat ko ito at umayos ng tayo. Unti-unti kong hiniwa ang tali pero nalaglag pa yung kutsilyo nung patanggal na yung tali. Bakit ngayon pa? Yumuko ako at muling gumulong. I hate this!

Kinagat kong muli ang kutsilyo at tinuloy ang paghiwa.

"Just..a little.. and.." Naalis ko na ang tali sa kamay ko. Dali dali kong kinuha ang kutsilyo at hiniwa naman ang tali ko sa paa.

Naalis ko na ang tali. Tumayo ako nang dahan dahan at nagtip-toe pa ako upang hindi makagawa ng ingay.

Sumilip ako sa labas, gabi na pala. Ganun ba ako katagal gumapang-gapang at tinanggal yung tali?

Nakalabas ako ng cave nang ligtas. Phew. Naglakad-lakad ako at pumasok sa gubat. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng nag-uusap.

Sumilip ako sa may likod at may dalawang bampirang naglalakad. May pinag-uusapan sila pero hindi ko na ito pinakinggan. Mas mahalaga pa rin ang kaligtasan ko.

Dali dali akong tumago sa isang bush malapit lang sa tayo ko. Yumuko ako nang husto nang malapit na sila sa bush na tinataguan ko.

Gumapang ako at akmang lalayo na nang biglang..

*krekk*

Crap! Gusto kong pagalitan at sigawan tong dahong nasa harapan ko ngayon. Sinong mag-aakala na ang magpapahamak sa akin ay isang di hamak na dahon lamang.

Pumikit ako nang husto. Sa isip isip ko ay nagdadasal na ako nang husto. Hindi ako mapakali at bumibilis na rin ang tibok ng puso ko.

"Did you hear something?" Narinig kong magsalita yung isang bampira. "Wala naman akong naririnig." Gusto kong tumili. Nakahinga ako nang maluwag sa kinatatayuan ko.

Nang marinig kong lumalayo na ang mga yapak nila ay nakahinga na ako nang maluwag. Phew.

That was close.

Hindi na ako tumayo pa at gumapang na lang. Natatakot na kasi ako na baka may bigla na namang sumulpot ma bampira. Delikado na. Lalo na't gabi na.

"You honestly think I'd let you get away that easy?" Nakarinig ako ng malamig na boses sa likuran. Napatigil ako sa paggapang. Unti-unti kong ibinaling ang ulo ko.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"B-but.. how did you..?"

~~~

The Vampire Contract ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon