XIII

17.3K 259 29
                                    


For three days ay nagpahinga lamang kami.

Or should I say. Nagpagod lang kami!

Grabe halos buong araw magkadikit kami ni Griego!

Lalo na kapag gabi!

Ngayon ay tapos na ang pahinga namin kaya magtatrabaho siya ngayon sa sakahan.

"Griego, di mo naman kailangang magtrabaho pa. Mahirap ang trabaho dito."

"Where's the Mahal?, you know I like it when you call me that hm." Then he peck on my cheeks.

"Ayaw mo ba ng endearment na mahal? What do you want us to call each other? Baby? Babe? Sweetheart? Honey?" Slang pa talaga magtagalog ang siraulo.

Kainis naattract ako kapag nagtatagalog siya!

"Mahal na lang, mahal" I smile and kiss his lips.

Kagigil yung bibig niya eh. Ang liit tapos medyo mapula at ang cute pa kapag nagtatagalog siya.

I saw his ears turning red and also his cheeks!

"Kinikilig ang mahal ko? Mahal, mahal, mahal ma-" he shut me up with his own lips.

I hear myself moaning when he deepen the kiss.

Nakakahiya!

He suddenly cut the kiss.

"Now were even mahal" he smirk at my blushing face.

"Heh! Iniiba mo naman ang usapan eh!. Wag ka na magtrabaho sa sakahan, alam ko naming di ka sanay sa ganong trabaho. Okay na na tumira tayo rito sa probinsya at mamuhay ng simple. Gaya ng pangarap ko."

"Paano tayo mabubuhay kung hindi ako magtatrabaho? Para sa satin din to, mahal. Gusto ko ding paghirapan yung panggastos natin. Parang tunay na tayong mag-asawa mahal, kung papayag ka lang sana."

"Sigurado ka na ba talagang magtatrabaho ka?" Nakaramdam ako ng kilig sa sinabi niya. Makikita mo kaseng sincere sits habang sinasabi niya iyon.

"Pag-iisipan ko muna talaga yun" I saw his face sadden

"Mahal" pahabol ko at nakita kong ngumiti siya ng kaunti.

**
Pupunta ako ngayon sa sakahan para dalhan ng pagkain ang asawa ko!

MakaAsawa ka! Sabi ng isang bahagi sa Isip ko.

Biglang nag-init ang ulo ko ng makita si Griego na pinapalibutan ng babae sa may kubo na pahingahan ng mga trabahador.

Kitang kita ko yung isang babaeng mahaba ang buhok at nakaduster na pinupunasan ang pawis ni Griego at sadyang dinidikit pasimple ang dibdib niya!

Tinitigan ko maigi yung babae. Mukhang probinsyana talaga. Walang kolorete sa mukha at duster nga ang damit pero nasa loob ang landi neto.

Ang dami ding pagkain na nakahatag sa lamesa at may mga prutas pa!

Nakikita ko na ibinibigay nila ito sa hayop na Griego na yan!

May sinabi yung isang babae na nakatali ang buhok at kitang kita ko na napangiti ang hayop habang may sinasabi din sa mga babae !

Kailan ka pa ngumiti sa iba?!

Kala ko ba cold hearted kuno tong walang hiyang ito!

Akala ko saken lang siya sweet!

Para akong sasabog na bulkan sa sobrang gigil at galit ko kay Griego at lalong lalo na sa mga haliparot na to!

Medyo natuwa ako ng patigilin niya ang babaeng impakta na nagpupunas ng pawis niya or should I say nagdidikit ng boobs niya!!

Nagngitngit na ako ng makitang hinampas nila si Griego sa dibdib at yung iba ay nakisali na din na humampas sa braso.

Alam ko yung hampas na yun! Hampas ng landi yun!

Mamaya din hahampasin ko sila kaso tsinelas ko ang ihahampas ko sa pagmumukha nila.

Kitang-kita ko na nagsigayahan yung iba na humampas at yung iba may pasimpleng pisil.

Makikita ang kilig sa mga mukha nilang mga impakta sila!

Lumapit na ako at nakita kong tumayo agad si Griego at lumapit sa akin

"Mahal, bakit nagpunta ka pa? Masyadong mainit dapat nagpayong ka man lang. May mabibilhan naman ako ng pagkain." Kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mukha at chineck pa ako na para bang may sakit ako.

Bakit pa ko nagpunta!? Imbis na kiligin ay lalo lamang ako nabwisit sa sinabi niya na parang bakit pa ko pumunta?! Medyo nahirapan pa nga ako magluto tapos Ganon ang sasabihin niya!!

"Pero, salamat at nagpunta ka mahal. Miss ko na din kase ang asawa ko." He pinch my cheeks then kiss me in my lips that lasted for almost 20 seconds.

Parang natunaw ang galit ko at nang makita ko ang mga bigong mukha ng mga haliparot ay nagdiwang sa galak ang dibdib ko.

Inakbayan ako ni Griego, at pinaharap sa mga impaktitang mahaharot na babae.

Kitang-kita ang inggit at pekeng ngiti sa mga haliparot.

Lalo na yung mahabang buhok na nagpupunas ng pawis no Griego.

"Guys. Asawa ko si Lauren" I can hear proudness on his voice. Hindi ko maiwasang kiligin.

"Ninay nga pala" unang-unang nagsalita yung babaeng may mahabang buhok at sumunod na din yung iba.

Kitang-kita ang kaplastikan ng mga ito. Hindi ko makayanang ngumiti o suklian ang kaplastikan nila dahil kahit anong gawin ko ay tumataas talaga ang kilay ko.

"Kung pwede lang sa inyo, baka gusto niyo ng umalis at ng magkausap kami ng ASAWA ko" diniinan ko talaga ang pagsasalita.

Ang iba ay mukhang napahiya at nag-iwas ng tingin at nagpaalam na.

"Una na kami Lauren, Juan" Ninay smile then he slightly pat the shoulder of Griego. May kasamang pisil pa.

Grabe! Minamanyak nila si Griego kahit na may kasamang asawa!

Akala ko sa Manila lang may mga haliparot at Maria Clara ang mga probinsyana. Yun pala nagkamali ako!.

Medyo naguilty ako ng nakita kong maganang kumain si Griego.

Yung niluto ko lang kase yung kinain niya. Medyo sunog iyon at puro prito lamang. Samantalang ang bobongga ng mga pagkain na binigay nung mga babae.

**
Pagkauwi ni Griego galing trabaho at kitang-kita ang pagod sa mukha niya.

Naglinis lamang siya ng katawan.

Nakahiga na kami ngayon sa simple ng kutson.

As usual, his arms is snake in my body.

Medyo clingy talaga siya.

I was amazed na may ganitong ugali pala si Griego.

Hinawakan ko ang mukha niya.

"Bakit ba kase ang gwapo mo eh! Sa palengke tapos sa sakahan may nanlalandi sayo! Ibubulsa na lang talaga kita". Buti na lang at tulog na siya.

"Lalo na yung Ninay tinapay na yun! Imamasa ko yung pagmumukha nun! Dinidikit pa talaga yung boobs niya sayo hmp. ! Di porket malaki yung kanya pwede niya ng idikdik sayo!" Dagdag ko.

Nagulat na lamang ako ng yumugyog ang balikat ni Griego.

Gising pala siya!!

Ngayon ay tumatawa na ito.

I blush because of embarrassment.

"Possessive huh!" He smirk

"Wag kang mag-alala mahal, di ko ipagpapalit to." He said then cupped one of my breast.

AN:
Sinipag si ako mga bes!. Haha hope you enjoy it. Thank you thank you :). Mwahh. :*

WRETCHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon