"Are you crazy?!!!" Halos lumabas na lahat ng ugat ko sa katawan sa panggigil sa baliw at gwapong lalaking ito, really Lauren? Pinuri mo pa siya sa lagay mong yan?
"Hindi ako papayag!, Idadamay mo ang inosenteng bata para lang magkaroon ka ng tagapagmana?, At anong akala mo saken? Magpapagamit ako sa'yo?! Ano iyon? Dadalhin ko yung bata ng siyam na buwan tapos, aabandonahin ko?. Hindi ako hayop at hinding hindi ko gagawin yun, dibale ng mamatay ako kesa pabayaan ko ang sarili kong anak na magdusa sa mga kamay mo!" Kung pwede ko lang siyang gilitan ng leeg ngayon ay ginawa ko na
"So I think you've made up your mind, I will pursue the Condominium. This meeting is adjourned, you may go now" he coldly said with a poker face
Nagmamadali kong kinuha ang bag ko nang marinig ko siyang nagsalita
"Wait a minute Ms. Reyes, The Construction will start three months from now. If you change your mind, the offer will still be open. Just come here anytime" he said
"Do you think I will accept it??" I said with smile, then I went to him just to slap him hard to knock some senses in him. Kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha pero nagtagal lang iyon ng ilang segundo at tinakpan niya kaagad ito ng blangkong ekspresyon. Nagmamadali akong lumabas ng kanyang opisina
Nakakagigil siya ang sarap niyang ipakain sa mga buwaya sa Manila Zoo. Siguradong namumula ang pagmumukha nung baliw na iyon, ramdam ko pa rin kase ang hapdi ng kamay ko. Dapat lang sa kanya yun! Anong akala niya sa akin? Inahing baboy!?
Gwapo at hot naman siya kaya sigurado akong maraming nagkakandarapa sa kanya at willing na dalhin ang anak niya, Bakit ako pa ang napagdiskitahan niyang magdala ng binhi niya? May saltik ata talaga siya, Sayang naman mukha pa naman siya yummy. Really? Lauren kalian ka pa naging manyak? Tigilan mo na nga yung pag-iisip dun sa baliw na yun.
~~~~~~~~~~~~
"Kamusta anak? Napakiusapan mo ba ang mga Griego? Hindi na ba nila kukuhanin ang Zenaida's sa atin?" my dad said with a hopeful eyes
"Papa, pasensya na pero malupit talaga ang Griego na iyon. Mukhang hindi na natin maisasalba ang restaurant, patawarin mo ako" Halos maiyak na ako ng makita ko ang ama kong nanlulumo.
"Papa, diba makakahanap naman tayo ng ibang lugar! Marami akong alam na lupang pwede nating bilhin at itayo natin doon ang Zenaida's, wag kang mag-alala papa gagawin naman nating kapareho ng design nitong restaurant. Kaya naman natin to diba papa?" I said trying to cheer him up
"Masakit man anak, Pero sige maghanap na lang tayo ng lugar na mapagtatayuan natin ng restaurant" he cheerfully said but his eyes tells otherwise
I believe in saying that "Eyes don't lie" doon mo kase makikita ang tunay na nararamdaman ng isang tao, walang maililihim ang mga mata ng tao.
Kung naging maayos lang sana ang pag-uusap naming nung Griego na yon, baka sakaling masaya ngayon ang tatay ko ngayon. Bwiset kase talaga yung baliw na Griego na iyon, Sana man lang maganda ang option na ibinigay niya sa akin diba. Baka sakaling mapapayag pa ako
Isa kase akong Idealistic na babae, I believe in love and happy endings. Just like my parents, I want my future husband to be like my dad. They love each other dearly and also they love me so much, na kahit na wala na si mom ay hindi ko kailanman naramdaman na mag-isa ako at si Dad who stays loyal to my mom up until now. Aaminin ko, masaya ako na hindi na naghanap pa si dad ng ibang babae pagkatapos kay mom, pero kung sakali man na naghanap siya ay okay lang din naman sa akin though magtatampo ako pero lilipas din yun.
**
"Ma'am Ma'am!!" Nagising ako mula sa pagkakaidlip ng ginigising ako ng isa sa mga empleyado namin sa restaurant
"Whats the matter Emy?" I said in a just woke up voice. Emy is one of the best employee in this resto, We are friends, actually bestfriends but when it's working time we need to set aside the friendship and act professional.
"Ma'am! Yung tatay nyo po nakita ko pong nakahandusay sa likod ng resto, kung hindi pa po ako magtatapon ng basura ay hindi ko pa po siya makikita!" bigla nagising ang diwa ko at bumilis ang tibok ng puso ko
"Let's go! Tumawag ka na ba ng ambulansya?!" and I hurriedly go to the back of the restaurant, I see my dad almost lifeless. I hurriedly go to him and check him
"Opo ma'am" Emy said
"Dad, hey dad! Wake up, parating na ang ambulansya. Dad hindi ko pa kaya ahh. Huwag muna please" I cryingly said
"The patient now is stable, nagkaroon siya ng Over fatigue, due to stress and overwork. The patient needs a rest and I recommend him to go on a vacation where he can relax and a place away from stress because if this environment continue it may complicate his health. Also his age as well, He is no longer young to overcome stress" The doctor said
"Yes, Doc Thanks" Nakahinga ako ng maluwag ng walang komplikasyon ang aking ama, pero kailangan talaga ni papa na malayo sa mga problema.
Agad kong pinagbakasyon ang aking ama at ako na muna mag-isa ang namahala sa restaurant, ayaw pa nga niyang pumayag pero pinilit ko siya
Tatlong araw na an lumipas pagkatapos kong pagbakasyunin si papa nang may dumating na subpoena para sa akin, buti na lamang ay nasa bakasyon ang aking ama at nang hindi na ito mamroplema pa. Pinapatakbo ko ang restaurant habang naghahanap na din ako ng lugar na pwedeng malipatan. Ilang araw na akong halos walang tulog at pahinga simula ng umalis si papa, tapos tong Griego na ito ay sasabay pa!
Oo, Si Griego lang naman ang nagsampa ng kaso sa akin. Yung tukmol na yun!
Hayop talaga yung Griego na yun! Physical injury really?. Humanda ka!, Magtutuos tayong dalawa!

BINABASA MO ANG
WRETCHED
Romance[[RATED SPG]] (FOR MATURE READERS ONLY) -WARNING! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS- "In one condition, I need a successor and I want you to bore it" I was stunned for a moment and my mouth left hanging. xGnanox