IV

24.5K 205 3
                                    


PHYSICAL INJURIES

Art. 263. Serious physical injuries. — Any person who shall wound, beat, or assault another, shall be guilty of the crime of serious physical injuries and shall suffer:

1. The penalty of prision mayor, if in consequence of the physical injuries inflicted, the injured person shall become insane, imbecile, impotent, or blind;

2. The penalty of prision correccional in its medium and maximum periods, if in consequence of the physical injuries inflicted, the person injured shall have lost the use of speech or the power to hear or to smell, or shall have lost an eye, a hand, a foot, an arm, or a leg or shall have lost the use of any such member, or shall have become incapacitated for the work in which he was therefor habitually engaged;

NagResearch ako about sa case na ifinile sa akin at iyan ang pinakatumatak sa akin dahil Serious Physical Injuries lang naman ang isinampang kaso sakin ng walang hiyang Griego na yun!

Bwiset siya! Parang sinampal ko lang naman siya ng very very light! --Light nga ba??. Oo na! hindi na light yun napalakas lang naman iyon dahil sag alit ko sa talipandas na yun!. NapakaSensitive naman ng unggoy na yun! – Unggoy ba talaga? Diba type mo din naman. Oo na po napopogian na ko sa maliit at makinis niyang mukha, misteryosong mga mata, matangos na ilong at mapang-akit na mamula-mula niyang labi na sigurado akong masarap halikan. – Ano ba! Maria Lauren! Manahimik ka !, kinasuhan ka na nga humahanga pa dun sa lalaking iyon!. Sabagay, kung ganoon naman ako kagwapo at kayaman magiging sensitive din naman ako.

Paano ba naman kase inalok niya akong maging tagadala ng binhi niya ng siyam na buwan slash Baby maker. Jusme, hindi pa nga ako nagkakaboyfriend at hindi pa nagakaka First kiss ay bigla na lamang akong manganganak pagkatapos ng siyam na buwan.

Hmmp! Tama lang yun sa kanya!, tama taman kasalanan niya iyon kase inalok niya ako ng mga ganoong bagay! Idedemanda ko din siya, kala niya siya lang ah!

"I'm sorry Ms. Reyes pero wala kang maikakaso laban sa kanya, hindi ka naman niya binastos at wala tayong ebidensya laban sa kanya" Sabi nga attorneyng wala ng buhok sa tuktok. Andito ako ngayon sa isang public law firm. Syempre kailangan ko ng consultation.

"Po?, bakit naman po ganun? Ang unfair naman po. Umamin po kayo Wala po ba talaga akong maikakaso o sadyang natatakot lang kayo sa kakasuhan ko?" pinipigilan kong magtaas ng boses dahil hindi ko naman sila binabayaran at ako ang nanghihingi ng pabor.

"I'm sorry pero wala tayong laban sa mga Griego at wala ka talagang maikakaso sa kanya. Ang maari mo na lamang gawin ay makipag-areglo o makipag-ayos sa kanya" He said apologetically

"Naiintindihan ko po, Ahhm. Pwede po bang magtanong? Eto po kase yung sub peona na natanggap ko. Ano po ba ang penalty ng ikinaso sa akin?" I said then handed him the letter

He read it carefully more on analysing what is written

"Ah, Ms, Reyes the penalty of the case Mr. Griego file is Prisión correccional, Minimum of 6 months and one day and Maximum of Six years imprisonment. Iha, payo lamang ito bilang kaibigan, kung anuman ang nagawa mo kay Mr. Griego, makipag-ayos ka na lamang sa kanya. Tandaan mo, mahirap kalaban ang mga Griego" he sincerely said

What the f! Minimum six months and one day and the maximum is six years imprisonment!? Really? Isang sampal lang makukulong na ako ng ganoon katagal!? Baliw na nga talaga yung Griegong Unggoy na iyon at hindi pa ako pwedeng magFile ng kaso laban sa kanya!? Porque mayaman siya ay ganun-ganoon na lang!

Pinapakulo niya talaga ang dugo ko!

Iniisip ko palang kung paano ko papatayin si Griego, Oo murder na ang gagawin ko sa kanya!, hindi na Physical injurie, nang biglang nagRing ang phone ko..

Si papa tumatawag

"Hello, anak? Kamusta ka na" bakas ang kasiyahan sa boses ng ama ko,

Hay, tay hindi ako ayos mababaliw na ata ako neto, Hindi ko na ata kaya. Siyempre hindi ko iyon sinabe

"Eto, Pa maganda pa rin char!, Okay pa ako sa okay! Ikaw ang kamusta diyan?, mukhang nageEnjoy ka ahh!" pinilit kong pasiglahin ang boses ko

"Ayos ako anak, Alam mo bang ang daming magandang tanawin dito at meron akong mga nakilalang mangingisda, nangingisda kami tuwing umaga. Alam mo bag ang daming uri ng isda dito tapos may mga activities akong sinalihan tulad ng ..................." Mahabang kwento ni papa, Parang gumaan ang pakiramdam ko knowing na masaya ang tatay ko.

"Wow!, papa parang gusto kong magbakasyon diyan ah!" pinilit kong pasiglahin ang boses ko

"Oo naman anak!, siguradong mageEnjoy ka, next week ako na muna ang bahala sa resto. Ikaw naman ang magbakasyon dito marami kang madidiskubre na ................."

"Pa naman, next week agad? Okay pa naman ako dito. Nag-eenjoy din akong kumain ng kumain sa resto dahil wala ang boss. Diyan ka na muna ah" and I fake a laugh

"Ahh.. kaya pala gusto mo akong magbakasyon! Sabi ko na nga ba eh! may pinaplano kang ubusin ang stocks ng pagkain diyan. Sulitin mo na iyan dahil hindi na yan pwede kapag bumalik na ako" he jokingly said and laugh 

"Pare, halika na" I've heard someone said from the background of my father

"O pa, mukhang may lakad kayo sige na, mag-enjoy ka diyan ah. Wag mo na munang isipin ang problema, Ako na ang bahala. Babush!"

"Sige anak, pasensya ka—"

"Sige na pa, Keri ko na yun, wag mo na isiping bye na" I said cutting him off and turn off the call

Mukhang mukhang bumubuti na ang lagay ni papa, hay sana palagi siyang masaya. Masaya na din ako kapag ganoon. Buti naman at nakapagBakasyon din siya, simula kase ng namatay si mama nagFocus na siya sa resto.

Paano kaya kung malaman niya na makukulong ako, Siguradong mag-aalala yun saken at baka lumala pa at magkakumplikasyo ang sakit niya

Okay lang naman saken ang makulong kahit hanggang six years pa keri lang kesa naman maging babymaker ng damuhong yun. Hindi ako natatakot, pero ang kinakatukan ko ay iyong mararamdaman ng maiiwan ko, lalo na si Papa. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya. Siya na lang pamilyang meron ako

Eh paano kaya kung sabihin kong magbabakasyon lang ako? Mga 10 months, pero ag totoo magbabakasyon ako sa loob ng rehas?. Pwede, pwede

Pero masyadong sikat ang Griego na iyon!, Siguradong mababalita sa buong mundo na may taong nanakit sa kanya kaya imposibleng hindi malaman ni papa.

Sigurado akong hindi makikipag-ayos si Griego at wala na din akong pera para makipaglaban sa kanya, o kahit meron man ay wala pa rin akong panlaban sa yaman nung damuhong yon!

Tama lang ang pera na matatanggap ko sa paglilipat ng Zenaida's sa ibang lugar siguro kahit pambayad sa abogado ay wala ng matitira.



That Griego gave me no choice, He really knew how to play his game too damn well, And I think I am loosing all my cards.


WRETCHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon