KABANATA 01

20.4K 269 4
                                    

Justin's POV

Hindi ko alam kung paano nangyari to. Kung paano naging kakumplekado ng buhay ko. Ang alam ko lang nagsimula ito ng magtungtung kami sa high school.

Ako! Si John Paul at Jhon Michael. Simula grade 7 palang kami, palagi na kaming magkakaklase, palagi kaming naglalabanan sa pusisyon ng Escort sa aming paaralan.

Hindi din kasi maikakaila na meron kaming kanya kanyang kagwapohan.

Wala lang naman sakin iyun kung sinong maging escort. Masaya na ako sa kung ano man ang meron ako ngayon. Pero hindi ko alam sa kanilang dalawa.

Sa tuwing magkakasalubong sila, palaging may tensyon. Siguro ay hindi iyon napapansin ng iba pero alam ko talagang meron.

Palagi silang nagpapaunahan sa ano mang bagay. Palaging nag papagalingan, palaging nag papayabangan.

Sa mata ng iba, close kaming tatlo. Akala nila magkakaibigan kami. Binigyan na nga din nila kami ng tawag eh, 'Three King' ang tatlong hari ng school.

Meron nadin kaming fans club, at hindi rin mawawala ang haters. Halos lahat ng fans namin, tinitingala kaming tatlo. Pero ang hindi nila alam.

Hindi kami nagpapansinan. Hindi kami nag uusap.

Kahit na halos buong high school ay magkaklase kami. Pero hanggang sa tumungtong kami sa grade 10.

"I respectfully nominate Justin Kyle for the position of escort in our classroom" sabi ng isa sa mga kaklase kong babae.

Sinulat na ang aking pangalan kasama ng kanila Michael at Paul. And as always ay kami nanaman ang naglalaban.

Isinarado na ng isa ang nominasyon at nagsimula ng magbutohan.

"Who is in favor for JP?" Tanong ng president namin sa classroom. Halos hati ang bumuto.

Malaki ang ngisi ni Paul sa resulta nito. Binilang na ito at napagtantong 15 ang bumuto sa kanya.

"Who is in favor for Michael?" Tanong uli ng president. Marami ang nagtaas ng kamay pero hindi gaya kay Paul na ngumiti lang sa mga kaklase namin at kumindat pa ito na naging sanhi sa pag ingay ng klase.

Binilang na ang boto at napagtantong 16 ang bumuto dito. malaki ang ngisi ni Michael sa labi samantalang masamang tingin naman ang ibinigay ni Paul sa kanya.

"Who is in favor for Justin?" Tumayo ako at binigyan sila ng isang matamis na ngiti. Nagsitilian ang ilang babae at halos magwala nadin ang iba.

Umupo na ako at nagsimula ng bilangin ang buto. Masyadong dikit ang laban kaya pigil ang hininga ng mga fans naming tatlo.

Hindi ko alam kung bakit big deal ito sa kanila kahit wala naman kaming makukuha dito.

Isinulat na ng aming secretary ang bilang ko at nagsimulang magsigawan ang iba ng makita ang resulta.

17 ito na halos dalawa at isa lamang ang lamang sa kanila JP at JM.

Tumayo ako at nagpamsalamat sa kanila. Hindi sinasadyanb mapatingin ako kay JM. Ngumisi lang ito sakin at bahagyang tumango. Napaiwas ako ng tingin at napalunok laway ng mapagmasyad ko ang mapula pula nyang labi.

Bumunot uli ako ng malalim na hininga at pinagmasdan ang iba naming kaklase, napatingin ako kay JP na seryoso lamang habang humihinga ng malalim habang nakatingin sakin.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Iba ang tibok ng puso ko kapag malapit ako sa dalawa.

Ng gabi ding iyun ay naisipan kunh buksan ang fb account ko. Bumungad ang mga nakakalulang numero mula sa friend request, messages at notification ko.

Na halos sa dami ay hindi ko na nakita yung iba.

Pumunta ako sa search bar at nag type. Sinulat ko ang pangalan ng taong gusto kung makira.

Bumungad sakin ang napaka gwapong mukha ni JM.

Naglalaban pa ang aking sestema kung papadalhan ko ba sya ng friend request o hindi.

Pero namalayan ko nalang na pinadalhan ko na sya.

Hindi pa nagtatagal ay tinanggap na iyun ni JM at ang kasabay naman nito ay ang pag pop up ng mukha ni JP na nagpadala sakin ng friend request mula sa facebook ko.

Napakunot noo ako pero hindi ko nalang iyun pinansin.

Ehnaccept ko na sya at pumunta sa news feed ko.

Nag status ako ng "Hi! Good Eve everyone. Ano gawa nyo?" Wala pang ilang minuto ay hundred's na kaagad ang likes, comments and share kahit na sabihing simpleng status lamang iyun.

Sa dami ng comments na natanggap ko sa mga fb friends ko ay isa lang ang napansin ko.

"Good eve din. 😁 Ito Pinagmamasdan lang naman ang mga pictures mo! 😂" ang comment galing kay JM.

WHAHAHAHA is he stalking me? What for? Haha.

I go to reply section and type.

"Whaha tama na. Baka main love ka. 😊 ikaw din!"

Hindi pa nagtatagal ay nag reply na sya.

"Ok lang. Sasalohin mo naman ako diba? 😂"

"Huh? May sinabi ba akong ganun? 😅"

"Wala pero alam kong sasaluhin mo naman ako! 😎 huhu 😂"

"Luh? Naka drugs ka? Lakas ng tama mo men! 👊👊"

"Oo eh. Naka drugs ako at adik na ako sayo!"

"Whahahaha ginawa mo pa akong bakla! 😒"

"Ala hindi naman. 😇 cute lang! Peace tayo men! ✌"

"Ay ewan ko sayo men. Laugh trip ka hahaha! 😂!"

"Ahahaha joke lang yun ah. 😀 baka seryusohin mo! 😃"

"Duh? Ako sisiryusohin? Baka ikaw! 😝"

"Ah cge cge. Sabi mo eh! 😙"

"Ewan ko talaga sayo! 😀 bye na nga. Tulog na ako! ZzzZzZ"

"Cge tulog kana. Ako din eh, matutulog na. 😃 dream of me Justin ok? 😍"

"Lol! Bye! Chat box na eh. 😛"

Ayaw ko pa sanang mag log out pero nakita ko nag log out na sya, kaya wala nadin akong nagawa kundi ang mag log out.

Simula ng araw na iyun ay naging close friend na kami. Hindi lang sa fb dahil pati sa personal na.

Kwentuhan doon kwentuhan dito.

Masaya syang kasama. Hindi nauubusan ng topic. Ang lakas din ng trip nya. Parang hindi heartrob sa school kung umasta eh.

At dahil din dito. Nalilito na ako. Sa tuwing napagmamasdan ko ang bawat parte ng mukha nya. Parang gusto ko ng akuin. Gusto kong ako lang ang makakita.

Yung tipong mas gugustuhin ko pang itago sya sa bulsa ko kesa ipangalandakan sa lahat.

Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing may babae ang lumalapit sa kanya at binibigyan sya ng isang malagkit na tingin.

Naiinis ako sa tuwing ganun. At isa pang nakapag papalito sa akin ay si JP.

Sa tuwing magkasama kami ni JM ay palaging nakasunod ang tingin nya sa akin. Kahit saan ako pumunta ay nandun din sya.

Weird?? Yeah right. Nakakabanas na nakakailang. Hindi ko maintindihan dahil may lagkit akong nararamdaman sa bawat titig sa akin ni JP.

Pero hindi ko nadin pinag tuonan ng pansin dahil nadin sa hindi kami nagpapansinan.

---------------------

VOTE/COMMENT/SHARE

THREE KINGS TRIANGLE [BOYXBOY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon