KABANATA 29

1.4K 34 0
                                    

Justin's POV

Nakapag desesyon na ako.  Ito na ang araw na sasagotin ko ang taong alam kong MAHAL ko talaga. 

Ang taong alam kong hindi ako kayang saktan,  ang taong tanging ginawa ay mahalin ako.

Si JM.  Oo, si JM.  Sa simula palang,  siya na naman talaga ang mahal ko eh.  Nagulo lang ang lahat ng sumolpot si JP sa buhay naming dalawa.  Ginulo niya ang samahan naming dalawa ni JM,  ang nararamdaman ko, ang lahat lahat.

"JM? Usap tayo mamaya?  Kita nalang tayo sa likod ng school,  ok?" Gusto ko sanang sagotin siya sa lugar kung saan din siya nagtapat sa akin.  Kung nagsimula ang lahat.

Noong una ay nagtaka siya kung bakit bigla bigla ko siyang gustong makausap pero pagkalaon ay napapayag ko na siya. 

Ngayon naman ay may isa pa akong dapat na kausapin. Si JP.

Si JP ay naging parte nadin ng aking buhay.  May lugar nadin siya sa aking puso kaya ayaw ko siyang mawala. Not in a romantic way na ayaw ko siyang mawala kundi dahil sa nahanap ko ang pagmamahal ng isang kapatid sa katauhan niya.

Actually noon ko pa talaga ito pinag iisipan.  Madalas akong sumasama kay JP para alamin kong ano talaga ang laman ng puso ko para sa kanya.

Noon akala ko mahal ko talaga siya.  Oo naman.  Mahal ko talaga siya. Pero hindi sa paraan na akala ko.  Mahal ko siya bilang isang kaibigan, yung mga nangyari sa amin?  It's just an infatuation. Na curious lang ako sa lahat lahat na nangyayari sa aking buhay.

Naguguluhan sa aking kasarian,  sa aking pagkatao,  sa lahat.

Pero noong nakita ko na si JM na nasasaktan,  doon ko nasabeng 'kaya kong talikoran ang lahat huwag ko lang makita si JM na nasasaktan' kaya alam ko na talang siya ang tanging tao na pinaka mamahal ko.

Dinial ko ang number ni JP at makalipas ng tatlong ring ay sinagot nadin niya.

"Hello Justin?  Napatawag ka?" Masayang bati  niya sa akin.

"Ahh!" Actually I don't really know what to say. Nangangapa ako ng salita na dapat sabihin sakanya.

"May kailangan kaba?" Siguro ay napansin niya na nang-aalangan ako kaya nagtanong uli siya.

"Ah JP?  Gusto ko lang sanang makausap ka? Mamayang alas kwatro! Sa food court nalang if puwede lang naman!" Gusto ko sanang kausapin muna siya bago ko kausapin si JM.

"Ah Justin bakit?  Importante ba yan?  Kase Justin may gagawin sana ako ngayon eh.

Pero kung talagang importante yan,  sige. Ka cancel ko muna ang gagawin ko ngayon!" There something on his voice na parang nasasaktan. 

Alam na niya kaya?

"Salamat JP.  Importanteng importante lang talaga eh.  Sige ah?  Kita nalang tayo mamaya. Bababa ko na ito!" I bababa ko na sana ang tawag ng magpahabol siya. 

"Ah Justin wait."

"Bakit JP?"

"What ever happens,  I'll accept everyone. Tatanggapin ko kahit masakit dahil mahal na mahal kita!" Iyon ang huling salita na sinabe niya bago niya putulin ang aming linya.

***

This is the time. 

Ang sabe ko sa aking sarili saka nag buntong hininga. Pinagmasdan ko ang aking anyo sa harap ng salamin at nakita ko ang aking mukha na pormadong pormado.

Hati ang aking emosiyon sa mangyayari ngayon. Hati dahil malungkot at masaya.

Malungkot dahil may posibilidad na nawala si JP sa aking buhay at masaya dahil masasabe kona na mahal na mahal ko si JM.

'Kaya ito!" Bulong ko sa aking sarili bago ako lumabas sa aking kwarto.

Pagkalabas ko ay hinanap ko muna si kuya Josh para sana magpaalam.  Nakita ko siya sa lukod bahay habang umiinom,  may mga nakakalat nadin ng baseyo sa sahig kaya alam mong nakarami na ito.

May problema kaya si kuya Josh? 

Nilapitan ko siya saka tinabihan. Tinapik ko din ang kanyang balikat para ipaalam na nandito ako.

"Oh babe?  Bihis na bihis ka yata?  May lakad ka ba?" Tanong niya sa akin saka ito ngumiti,  kahit na ngumiti siya ay alam mong malungkot ito dahil sa kanyang mga mata, mapungay ito punong puno ng emosyon. 

Ngayon ko lang nakita si kuya Josh na ganito.

"Actually kuya,  meron nga eh. Magkikita kami nila JP at JM." Sagot ko sa kanya.  Biniyan naman niya ako ng kunot noo saka humarap sa akin.

"Iyon naman pala eh.  Bakit ka pa nandito?" takang tanong niya sa akin. Ngumiti nalang ako saka umiling.

"Kaya ko bang iwan ang kuya kong problemado ngayon? Tell me kuya,  anong problema mo?" ngayon ko lang nakita si kuya Josh na sobrang seryoso,  kaya alam ko na hindi basta basta ang problema niya.

"Ako babe? May problema? Wala ah." Sabe niya sa akin saka humarap ulit sa malayo. Hindi siya makatingin sa akin.

"Wag mo na akong lokohin kuya.  Alam kong may problema ka!" Tumingin siya sa akin saka napailing. 

Nagbukas siya ng isang bote ng alam saka binigay sa akin.

"So tell me kuya.  Anong gumugulo sa isip mo?  O ang tamang tanong ay kung sino?" Napangisi naman ako sa aking naisip.  Ang kuya kong napaka playboy.  Pinoproblema ang isang tao?

Nakakagulat iyon pag nagkataon.

"Justin.

Ang sakit lang.  You know,  i don't know kung saan o paano ito nagsimula.  Kilala mo naman ako diba? 

Hindi pa ako nainlove.  Kase para sa akin,  kahinaan ang pag mamahal.  Kaya nga ako naging isang playboy diba?" Tumango ako sakanya saka uminom sa alam na bigay niya kanina.

"Noong nakilala ko siya.  Para siyang tanga na bigla nalang yumakap sa akin and kept saying na 'sorry na.  Hindi ko kayang mawala ka sa akin.  Tama na yung tatlong buwan mong hindi pag pansin sa akin'. " napatawa siya.  Siguro ay naalala niya ang pangyayaring iyon.

Pero bakit ganon?  Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit parang may masamang mangyayari?

"Noong time na iyon.  Tinawanan ko lang siya.  And sinabe ko na 'ok na iyon.  Napatawad na kita. Kalimutan na natin iyon' note na hindi ko naman siya kilala at napagkamalan niya lang ako."

"Pagkatapod noon, niyaya niya akong mag lunch.  Pumayag ako.  Ewan,  ang lakas lang ng tama niya sa akin."

"That time din.  I felt something on my heart. May kaunting kirot na ewan.  Until i notice na hindi na pala ako yung dating Josh na kilala niya.  Never na akong tumingin sa iba at siya nalang yung nasa paningin ko."

"Ewan ko ba pero ang saka ko kapag naiinis siya. Pero napakalaki ko ding tanga kase kahit alam kong may mahal na siyang iba,  pinag siksikan ko yung sarili ko sakanya."

"And you know kung ano ang mas masakit?"

"Yung karibal ko sa puso ng taong mahal ko ay yung sarili ko pang kapatid" nakita ko ang pagdaloy sa kanyang mukha.  Napayuko siya at napahagolhol na.

Gusto ko siyang eh comport pero i can't, hindi ako makagalaw.  Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

"Ku-kuya!" Hindi ko na alam kong ano ang dapat kong sabihin. 

Anong pinang sasabe niya?  Ayaw ko mang isipin pero parang iyon ang pinoponta niya.

Na inlove siya kay...

"Justin.  Yes!  I'm inlove with JM"

Itutuloy.....

THREE KINGS TRIANGLE [BOYXBOY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon