KABANATA 17

2.6K 76 1
                                    

Justin's POV

Nandito kami ngayon ni Josh sa bench, nakaupo habang nag uusap. As usual ay siya nanaman ang bangka at puro kalibugan nanaman ang kanyang mga kwento.

Kesyo naikama na niya daw yung waiter na nakilala namin sa restaurant noon isang araw at talaga namang napakagaling nito sa kama. Pagkatapos daw niyang maikama ito ay hindi na niya ito pinansin pa dahil gusto niya naman daw makatikim ng bago dahil sayabg naman daw ang itsura namin kung hindi gagamitin.

Napapailing nalang ako naririnig ko iyun sa kanya. Hindi talaga marunong mag seryoso ang kambal kong ito.

"Babe? Alis muna ako ah? Puntahan ko lang yung chick na nakita ko kanina!" Sabi sa akin ni kuya Josh habang may tinatanaw sa malayo.

Sinundan ko naman ang kung sino ang kanyang tinitingnan at nakita ko ang isang napakagandang babae ang nag lalakad sa hindi kalayuan.

"Ok kuya. Go on. Alam ko namang kahit pigilan kita ay lalapitan mo padin eh!" Pero ko sa kanya saka bahaygang napatawa.

Tumingin naman siya sa akin saka ngumiti.

"Yan ang gusto ko sayo baby eh. Kaya love na love kita!" Sabi ni kuya josh saka hinawakan ang aking mukha saka ako hinalikan sa labi.

"YUCK!" Nagpumiglas ako saka ko sinuntok ang kanyang balikat. Bumitaw naman siya sa akin ng natatawa habang napapailing.

"Ang sarap ng halik mo baby ah? Talagang kung hindi lang kita kapatid ay pinatos na kita. Haha!" Mas lalo pa siyang natawa ng makita ang inis at pandidiri sa aking mukha. Alam ko namang buro lang iyun eh.

Hindi na naman kasi una sa akin iyun dahil halos palagi niya naman iyung ginagawa sa akin lalo na kapag magkasama kami. Nasanay na din ako dahil mareho din naman kaming lumaki sa France na kung saan ay kiss ang paraan ng pagbati ng hi/hello/good morning/eve/night. Ang kaso lang ay nandito kami sa pilipinas at kung ano ang sabihin ng iba sa amin lalo na't magkamukhang magkamukha kami.

"Tumigil ka nga.. gunawa mo pa akong kagaya ko. BAKLA!" bero ko sa kanya.

Tumigil siya sa pagtawa saka nag seryoso. "Hindi ako bakla. Bisexual ako!" Saka nagsimula nang maglakad.

"Biro lang naman yun kuya eh. Hindi ko naman alam na seseryosohin mo. At saka alam ko namang hindi ka bakla!" Na kukunsensiya kong wika saka nagkagat labi. Hindi niya ako pinansin at naglakad lang siya. Pero bago siya tuluyang makaalis ay may sinabi ito.

"Tss. As if hindi ko alam kung anong nangyari sa buhay mo noon. Pareho lang naman tayo ng kasarian eh!" Iyun ang huling sinabi niya na talaga namang tumatak sa isip ko ngayon.

Anong alam niya? Yung tungkol ba sa amin nila JP at JM?

Malalim ang aking iniisip ng may may biglang umupo sa aking tabi. Hindi ko naman iyun pinansin dahil kaba ay si Kuya na ito pero nagulat nalang ako ng biglang ibang boses ang aking narinig.

"Justin?" Pamilyar na boses ito dahilan kung bakit napatingin kaagad ako dito.

"JP?" Gulat na tanong ko sa kung sino man ang taong nasa aking narap.

"Para sayo!" Saka inabot sa akin ang isang regalo. Tiningan ko lang siya at ang kanyang regalo at pinag iisipan kung tatanggapin ko ba o hindi.

"Sige na. Para sayo talaga ito eh!" Nahihiyang bigkas niya kaya wala nadin akong ibang nagawa kundi ang tanggapin ito.

Ito ang una naming pagkikita simula ng nag tapat siya sa akin at Hindi ko naman na seryoso siya sa kanyang sinabi sa akin. Ang aking akala ay pinag ti tripan niya lang ako pero heto siya sa harap ko.

"Buksan mo. Para sayo talaga yan!" Sabi ni JP saka ngumiti sa akin.

Heto nanaman ang bilis ng tibok ng puso ng dahil sa ngiti niyang iyun.

Umiwas nalang ako ng tingin dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.

"Cge na.. buksan mo na.!" Bumalik lang sa kanya ang aking atensiyon dahil sa kanyang sinabi. Mabilis kong ibinaling ang tingin ko sa kanya at sa regalonh bibigay niya sa akin.

Binuksan ko ito ng dahan dahan saka bumungad sa akin ang isang relo. Halatang mamahalin ito dahil sikat na brand ng relo.

"H-hindi ko yata matatanggap ito JP. Ma-masyado itong mamahalin eh!" Nag aalinlangang wika ko sa kanya pero umiling lang siya.

"No. Para sayo talaga yan. Para sa tuwing titingnan mo ang orasan at titingin ka sa relo. Ako ang maaalala mo para hindi na ako mawala sa isip mo!" Hindi ko sinasayda pero pinamulahan ako ng mukha.

Hindi ko alam kung dahil ba sa kilig o dahil sa hiya.

Umiling ako saka napabuntong hininga.

"Bakit mo ba ginagawa ito JP? Alam mo naman ang kahahantungan ng ginagawa mo diba? Ayoko ng pumasok muna sa relasyon. Kahit sabihing naka move on ako at hindi parin iyun sapat. Masakit ang nakaraan nating lahat nina JM. Kaya kung pwde. Itigil mo na ito!" Naisip ko kasi. Habang maaga pa ay dapat ko na siyang pigilin pa. Ayoko ng maulit ang lahat ng nangyari noon.

"Mahal kita Justin. Alam kong masakit yung nagawa ko sayo but i want to prove you and to the world that mahal na mahal kita!" Seryosong sabi niya saka kinuha ang relo sa aking kamay at sinuot ito.

"Please don't remove this. Kahit anong mangyari. Wag na wag mo itong aalisin sa kamay mo!"

-----------------------------------------------------------------------------------

VOTE/COMMENT/SHARE

THREE KINGS TRIANGLE [BOYXBOY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon