KABANATA 33

1.2K 32 2
                                    

Justin's Outlook

Kapag may nagawa kang disesyon,  mabuti man o masama.  Kailangan mong harapin ang mga consequences na kasunod nito. 

Iyan ang aral na natutunan ko ngayon sa mga nangyayari sa buhay ko. 

May mga bagay talaga na kahit anong gawin mo,  may masasaktan at masasaktan talaga. It's up to you kung sino ang pipiliin mong saktan. 

At sa sitwasyon kong ito?  Kitang kita kung sino ang sinaktan ko. Ang masakit na,  iyon yung taong nakapag papasaya sa akin ngayon at the same time eh nagkakaluha at nag papaiyak sakin.

Ang sabi pa nila.  Tayo daw ang bida sa sarili nating kwento?  Para sa akin,  hindi totoo iyon.  Dahil ang totoo tayong lahat ay hindi bida, isa lang tayong characters sa mundong ito.  Dahil  ang totoong bida ay ang reyalidad.

Ang katotohanan. Dahil ang kwento ng buhay ay pinapakita lamang kung paano umikot ang mundo.  At lahat tayo,  may kalalagyan.

Magulo!  Kagaya ng isip ko. Kagaya ng kung paano mag isip at mag desisyon. Padalos dalos. Hindi iniisip ang kung anong mararamdaman ng iba.

Pero wala na eh.  Nangyari na ang nangyari kaya ang dapat ko nalang gawin ay ang harapin ang katotohanan.

Pinunasan ko ang luha na pumatak sa aking mata ngayon habang nakatulala at nakatingin sa kalangitan.

Nandito ako ngayon sa loob ng aking kwarto.  Malalim na ang gabi at tulog na ang lahat.  Pero ako nandito,  nakatulala at pinag sisisihan ang mga naging desisyon ko.

"Bakit ba ang hirap mabuhay?" Wala sa sariling nasabi ko.

Bakit nga ba?  Bakit ang hirap?  Pumikit ako saka nag buntong hininga. 

Sa pag pikit kong iyon.  May mga alaala ang bigla bigla namang pumasok sa aking isip.

Si JM at ako.  Yung mga bad and happy memories naming dalawa.

Yung kung paano kami nag simula. Kung paano naging kami.  Kung paano sa isang iglap nagbago ang lahat.

At mas lalo pa akong malungkot sa katotohanang malabo nang bumalik ang dati naming samahan.

"Ang tanga mo kasi Justin eh. Ang tanga tanga mo.  Bakit ba ang hilig mong pahirapan ang lahat?  Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat?  Bakit ba pabigla bigla ako? Bakit kahit anong gawin ko mahal ko padin si JM at bakit parang hindi ko siya kayang kalimutan?"

Minsan naisip ko.  What if, pumunta nalang akong ibang bansa kasama ng pamilya ko?  Mas maganda iyon dahil magiging madali para sa akin ang kalimutan ang lahat.

Pero hindi eh.  Iniisip ko kasi,  ito nanaman ako.  Tatakasan ko nanaman ang problema.  Papairalin ang pagiging isip bata.

Kailan ba ako mag ma mature?

Baka hindi na. Malabo na yata ang ganong kwento.

Dumilat na ako mula sa madilim na bangungot. Sana,  ganito lang kadali ang lahat ano?  Yung tepong kapag hirap na hirap kana.  Didilat kalang,  makikita mo na ang liwanag at mawawala ang sakit.

JM!  Kamusta kana kaya?

Ok kalang kaya?

What if tawagan ko?

Wala naman sigurong masama ano?

Pero gabi na?

Gising pa kaya siya?

Baka anong isipin niya?

Pwde ko namang sabihing nag aalala lang ako sakanya diba?

May pinagsamahan naman kami bilang mag kaibigan diba?

THREE KINGS TRIANGLE [BOYXBOY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon