KABANATA 21

1.9K 56 0
                                    

Justin's Outlook

Kinabukasan ay nagising akong maganda ang pakiramdam.  Sobra kasing lakas noong impact ng mga sinabe sa akin ni kuya Josh kahapon.  Pakiramdam ko eh kahit na anong gawin ko ay susuportahan niya talaga ako. 

Napakabait padin talaga ng diyos dahil binigyan niya ako ng ganuong kapatid. 

Tulog pa si kuya ng magising ako kaya pagkatapos kong gawin ang routines ko ay nag luto muna ako ng agahan para sa kanya.  Hindi ko na siya ginising dahil alam ko naman na kahit anong gawin ko ay hindi magigising ang isang Josh Xavier.  Eh tulog mantika iyon eh.  Haha

Nag iwan nalang ako ng note sa tabe ng pagkain na nag sasabing nauna na akong pumasok. 

Paglabas ko ng pinto ay nagulat ako ng may nakita akong sasakyan sa tapat ng apartment ko.  Pilit kong inaninag ang tao doon pero hindi ko nasilayan dahil sa tinted ang bintana noon.  Hindi din naman nag tagal ay lumabas ang tao sa sasakyan at bumungad sa akin ang napakagwapong mukha ni JM. 

Bagong gupit ito at nagpakulay din ng buhok.  May kaunting pagka bland ito na bumagay sa maputi niyang balat. 

Sinalubg niya ako ng matamis na ngiti na hindi ko naman naiwasan at napangiti nalang din.  Nakakadala kasi ang kanyang saya ngayon. Ewan ko lang kung bakit.

"Good morning!" Nakangiti niyang sabe sa akin ng makalapit siya sa puwesto ko.

"Morning din!" Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba dapat ang isagot ko sa kanya.  Haha hindi pa kase ako sanay na nag uusap na uli kami makalipas ang tatlong buwan. 

"Sabay na tayo?" Nakakalukong tanong nito sa akin at nag kagat labi pa. 

Napa kunot noo naman ako sa ina akto niya saka napaeling.  Ano kaya ang natita ng gagong ito ngayon at sobrang saya?

"Ah hindi na JM.  Mag lalakad nalang ako.  Malapit lang naman ang school mula dito sa apartment eh!" Pag tangge ko sa alok niya dahil iyon naman talaga ang plano ko.  Ang mag lakad dahil hindi matagal na akong hindi nakapag e excercise.

"No i insist.  May sasakyan naman ako eh.  Bakit hindi ka nalang sumabay sakin?" Sabe nito sa akin saka nag puppy eyes.  Ewan ko talaga salalaking ito pero naguguluhan na talaga ako.  Sobra sobra ang saya niya ay napaka weird.

Kung dati ay para lang siyang childish ay ngayon ay childish na talaga. 

Kinikilabotan ako sa tuwing ngingiti siya o kaya ngingisi eh.

"Salamat talaga JM pero ang plano ko talaga ay mag lakad nalang papunta sa school.  Mahaba pa naman kase ang oras at hindi pa ako ma le late saka gusto ko din namang mag excercise kahit papaano!" Pag papaliwanag ko sa kaya sa gusto kong mangyare.

Tumango naman siya saka ngumiti ulit. 

"Oh sige!" Ang sabi niya saka nag lakad na papunta sa kayang sasakyan. 

Ang akala ko ay aalis na siya pero bumalik uli siya sa lugar ko pero ngayon ay dala na niya ang bag niya.

"Teka!  Akala ko aalis ka na?" Takang tanong ko sa kanya. 

"Oo nga.  Aalis na.!" Nakangiti niyang sagot sa akin. 

"Oh iyon naman pala eh. Bakit nandito ka pa?" Nababaliw na siguro itong si JM.  Hindi ko alam kung tawas ba o katol ang nahithit niyo o ano. 

"Oo nga.  Aalis na ako.  Kasabay ka.  Kung ayaw mo akong sabayang pumasok sa school.  Edi ako nalang ang sasabay sayong mag lakad!" Magiliw nitong sabe sa akin saka kumindat pa. 

Ayoko man pero napangiti ako sa ginawa niyang iyon.  Para kasing bumalik na ang JM na nakilala ko noon.

"Pero paano yung kotse mo?" Napatigil naman ako ng maalala ko ang sasakyan niya. 

So maiiwan ang sasakyan niya dito sa tapat ng apartment ko?

"Papakuha ko nalang yan sa driver namin. So ano?  Tara na?" Pang yayaya niya sa akin saka nag simula ng maglakad.

Wala nadin naman akong nagawa kunde ang sumunod sa kanya ng naa yuko. 

Ewan ko ba pero kinikilig ako sa inaakto ngayon ni JM.

"Bakit nandiyan ko sa likod ko? Ano ba?  Sabayan mo nga ako dito!" Sabr ni JM ng mapansin na ang layo layo ko sa kanya. 

Lumapit siya sa akin saka umakbay sa balikat ko. 

"J-JM!" Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya pilit kong tinatanggal ang braso niya sa balikat ko pero mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak sa akin. 

"Ano ka ba.  Hayaan mo na yan.  Parang wala tayong pinagsamahan dati eh!" Masayang sabe nito saka sinundan pa ng malulutong na tawa. 

Napayuko naman ako ng marinig ko ang huli niyang sinabi 'para naman tayong walang pinagsamahan'.  Sh*t!  Nakukunsensiya ako sa ginawa ko sa kanya.  Ako na nga itong nanakit sa kanya at siya na nga itong sinaktan ko pero heto siya ngayon at pilit ibinabalik ang mga pinagsamahan namin noon. 

"Ah-m.  JM!" Hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong sabihin pero gusto kong humingi sa kanyang ng tawad sa mga ginawa ko sa kanya noon. 

"Yes?" Tumigil naman si JM sa pagtawa saka tumingin sa akin.  Ng makita niya na seryoso ang aking mukha ay nag seryoso nadin siya.

"Ano yun Justin?" Takang tanong niya sa akin. 

"Ano kase eh.  Tungkol sa nangyare sa atin noo——" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang harangan ni JM ang aking bibig ng kanyang malaking kamay.

"Wala na iyon Justin.  Kinalimutan ko na yun at napatawad na kita.  Kayo ni Kuya JP.  Alam kong nadala lang siya sa kanyang nararamdaman sa akin kaya niya nagawa iyon.  Wala na iyon.  Kinalimutan ko na.  Kaya please? Mag simula uli tayo ng bago?" Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksiyon ko sa sinabe niya.  Mas lalo akong nakunsensiya dahil talagang napaka bait nitong si JM.  Hindi niya deserve a ng ginawa ko sa kanya.  Ang ginawa namin ni JP sa kanya. 

"Pero J——" hihiret pa sana ako ng isa ng muli nanaman niyang harangan ang bibig ko. 

"Wala na sabi iyon eh.  Kalimutan na natin.  Mag simula nalang uli tayo ng bago.  Hahaha kaya ano?  Tara na.  Baka ma late  pa tayo eh!" Masayang pahayag ni JM sa akin saka hinila na ako para mag lakad. 

Nag kwentuhan lang kami ng nag kwentuhan sa mga kung ano ang mga nangyare sa amin this past 3 months na hindi kami nag papansihan. 

Inamin niya din sa akin na sobra sobra daw talaga siyang nasaktan at gusto niya talagang mag higante sa aming dalawa ni JP pero mas inisip nalang daw niya na walang maidudulot na mabuti ang gagawin niyang iyon kaya tumahimik nalang daw siya. 

Biniro ko pa nga siya na baka naman nag hihigante talaga siya sa amin pero sumeryoso lang ang kanyang mukha sabay sabing "hindi ko magagawa iyon sa taong mahal ko kahit na anong gawin niyang pananakit sa akin!" Pate ako ay natahimik din sa sinabe niya at hindi ko alam kong ano ba dapat kong isagot. 

Mabuti nalang at malapit na kami noon sa school kaya hindi na niya napansin ang biglang pag iba ng pintig ng puso ko. 

Sobra sobra kase ang tibok nito.

Pero mas dumoble pa ang tibok ng puso ko ng maka rating kami ni JM sa harap ng gate ay maabutan namin si JP na nakasandal sa gilid ng gate hanag seryoso ang tingin sa aming dalawa ni JM.

Itutuloy.....

THREE KINGS TRIANGLE [BOYXBOY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon