KABANATA 22

1.7K 56 9
                                    

Justin's Outlook

Tahimik lang ako,  si JP at si JM habang nag lalakad papuntang classroom. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang kadahilanan.  Siguro ay dahil nadin sa mga tinginan ng mga schoolmates namin na parang kinikilig na iwan. 

Siguro ay nagulat lang sila na magkakasabay pa kaming maglakad ngayon.  Eh nong dati nga ay halos hindi kami nagpapansinan. 

Pero wala naman talaga akong pake sa kong ano man ang sasabihin nila tungkol sa akin o sa amin.  Ang ininatatakot ko lang ay baka kong anong mangyare sa dalawang katabi ko. 

Lalong lalo na si JP.  Kanina kasing pagakadating namin sa gate ni JM ay wala siyang naging reaksiyon.  Niyaya niya nalang  akong sumabay sa kanyang mag lakad ganon din si JM.  Pero ramdam ko ang galit,  inis at iba pang pakiramdam sa bawat tingin na ibinabato niya sa akin.  Sa amin ni JM.

Napakagat nalang ako sa labi dahil sa awkwardness na nararamdaman ko ngayon.  O mas tamang sabihin kong nararamdaman naming tatlo.  Kahit kase hindi sila mag salita ay alam kong ramdam nila ang ilang sa aming tatlo.

Nasa tapat na kami ng classroom namin ng magsalita si JM. 

"Justin!" Tawag atensiyon niya sa akin.  Tumingin naman ako sa kanya saka siya kinunutan ng noo.

"Bakit?" Takang tanong ko sa kanya saka ko siya nilapitan.

"Mauna ka nang pumasok.  May practice pa kase kami sa basketball eh!" Pag papa alam niya sa akin saka kumamot sa kanyang batok. 

Hahaha gusto ko sanang matawa dahil para siyang bata na nahihiya ngayon sa kanyang itsura.  Pero hindi ko ginawa dahil ramdam ko ang malalim na tingin ni JP. 

"Ah ganon ba?  Cge.  Ingat ka huh?" Pag papaalam ko din sa kanya.  Tatalikod na sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko at nagulat nalang ako ng bigla niya akong halikan sa labi.  Matagal,  rinig ko pa ang sigawan ng mga schoolmates ko pate ng mga classmates ko dahil sa nasaksihan nila. 

Hindi ako maka react dahil pate ako ay nagulat din sa ginawa niyang pag halik sa akin.  Bumalik lang ako sa ulirat ng kinalas na niya ang kanyang labi sa aking labi at inelapit niya ito sa aking tenga.

"Gusto kong patunayan sayo na kaya kitang ipag laban.  Kung noon ay pumayag akong itago ang relasyon natin.  Ngayon hindi na.  Wala na akong pake sa kong ano man ang sasabihin nila sa akin ang alam ko lang ay mahal na mahal talaga kita. Sana dumating yung araw na maging tayo ulit at wala ng sisira noon.!" Kinilabotan ako sa aking mga narinig.  Hindi ko alam kong ano ang dapat kong sabihin. 

Naramdaman kong kumalas na siya sa akin saka nag simulang tumalikod.  Hindi pa siya nakakalayo masiyado ng bigla ulit siyang tumingin sa harap ko. 

"Kita nalng tayo babaya ah? Ingat ka.... BABE!" Sobrang lakas ng tilian ng mga babae dahil sa huling sinabi ni JM sa akin.  Pulang pula na ako dahil sa hiya at kilig na nararamdaman ko ngayon. 

Oo na.  Aaminin ko ng kinikilig ako.  Hindi ko maiwasan eh.  Lalo na't ganon ka gwapo yung nagsabi sa akin noon. 

Fuck?  What?  Anong sabi ko? Lol.  Nababakla na ako.  Last time i check eh ang sabi ng sarili ko ay bisexual lang ako kagaya ni kuya Josh. 

A basta.  Kinilig ako.  Walang masama doon. 

Ay gago.  Meron pala.  Dahil naramdaman ko nalang ang madiing paghawak sa aking kamay ni JP saka ako hinila sa kung saan.

"Teka JP.  A- ano ba?  Na-sasak-saktan ako!" Hindi ko na napigilang mag reklamo dahil nasasaktan lang ako.

Pilit kong binabawi ang kamay ko pero mas lalo niya lang itong hinigpitan hanggang sa nakadating kami sa likod ng school.

Alam ko ang lugar na ito. Tandang tanda ko pa. Dito nag tapat sakin si JM at dito din naming kami.

Bakit kaya ako dinala ni JP dito?

"JP!" Tawag ko sa pangalan niya ng pinitiwan na niya ang kamay ko saka tumalikod at sunod sunod na nag buntong hininga.

Ramdam ko ang  pag pipigil ng galit niya sa bawat buntong hininga nito.

"Kayo na ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin na nag papansinan na kayo? Ano? Kayo na? Kaylan pa?" Gulong gulo siyang humarap sa akin at napag masdan kong umiiyak na pala siya.

"Justin ako ba? Kayo na ba? Mahal mo padin ba siya? Ay tangina. Bakit ko pa tinanong yun? Malamang mahal mo pa." Tumalikod uli siya saka nag punas ng kanyang luha.

Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin at sabihing hindi kami ni JM pero naunahan ako ng hiya.

"Justin please? Sagotin mo ako. Kayo na ba?" Muli uli siyang humarap sa akin pero ngayon ay niyuyogyog na niya ang balikat ko.

Hinawakan ko ang kamay niya para matigil ang pag yugyog niya sa akin saka ako umiling.

"Hindi JP. Hindi kami ni JM. Hindi kami!" Sagot ko sa kanya saka ko siya binigyan ng senserong ngiti.

"Hindi? Pero bakit magkasama kayo kanina? Bakit hinalikan ka niya? Justin hindi ka ba natatakot? Di ba binantaan ka niya? Sinabe niyang babalikan niya tayong dalawa? Hindi mo ba naisip na baka ito na iyon? Gusto niya lang gumanti!" Hindi ko alam kong ano ba dapat ang maramdaman ko. Alam ko kasing may punto si JP pero hindi naman ako puwedeng basta basta nalang manghusga. And besides hindi naman ganon ang pag kakakilala ko kay JM eh.

"No. Hindi. Alam kong hindi gagawin ni JM iyon. Alam kong mabuti siyang tao. Nadala lang siya sa galit niya sa atin noon pero alam kong hindi niya gagawin iyon." Gusto kong maniwala sakin si JP. Kilala ko kasi si JM. Nasaktam man siya, alam kong mabuti padin siyang tao.

"Paano ka nakakasigurado?" Natahimik ang kaloob looban ko sa tanong niyang iyon.

Oo nga naman. Paano ako nakakasigurado?

"Justin. Listen. Mahal kita. Kung gusto mo ding makipag sabayan ako kay JM sa panliligaw sayo gagawin ko. Mahal kita JP. Iyan sana ang isipin mo. Kahit na anong mangyari. Mahal kita. Mahal na mahal!" Niyakap niya ako ng subrang higpit. Halos hindi ako makahinga pero hindi nalang ako nag reklamo.

"Justin. Kung ano man ang binabalak ni JM sa ating dalawa. Tandaan mo lang na mahal na mahal kita. At sana mahal mo na nadin ako!" Bulong niya sa aking taenga saka hinalikan ang gilid nito.

'Mahal din naman kita JP. Mahal din kita. Ang kaso lang, mahal ko din naman si JM' bulong ko sa aking sarili saka pumikit ng mariin at yumakap kay JP.

Itutuloy.....

THREE KINGS TRIANGLE [BOYXBOY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon