KABANATA 32

1.3K 33 2
                                    

Justin's POV

AWKWARD! Ang salitang makapag de describe ng nararamdaman naming apat ngayon.  No mali,  let me replaces it. Ang salitang makapag de describe sa nararamdaman naming tatlo ni JM,  kuya Josh at ako.

Si JP?  Iyon, sobrang saya. Halos hindi matanggal tanggal ang ngiti sa kanyang labi habang nilalagyan ng pagkain ang aking plato.

"Justin. Kainin mo itong lahat ah?  Kailangan mong tumaba para naman magkalaman ka!" Nandito kasi kaming apat sa canteen.  Niyaya kaming lahat ni JP na kumain ng sabay sabay.  Tatanggi sana ako dahil ayokong makita si JM pero masyadong mapilit si JP.

Nakatingin lang sila kuya Josh at JM sa ginagawa ni JP.  Dumako ang tingin ni JM sa akin at ng makita niya akong nakatingin din sakanya ay umiwas siya ng tingin. Ganon din ang ginawa ko saka binaling ang aking tingin kay JP. 

Ngumuti siya saakin at ganon din ang ginawa ko.

Naramdaman kong may isa pang pares ng mata ang nakatingin sa akin kaya ginala ko ang aking mata at nakita ko si kuya Josh na matalim ang tingin sa akin habang nakakunot ang noo. Tingingnan ko din siya at nakita ko siyang umiling. 

Parang sinasabi niyang maling mali ako.

Do I?  Hindi ko din alam.

"JM oh.  Kain ka na din. Ito masarap to,  binili ko ito para sayo!" Nagulat naman ako ng bigla nalang nag salita si kuya Josh at ng tingnan ko at nakita kong nilalagyan niya ng pagkain ang plato ni JM. 

Nakita kong naiilang si JM pero hindi na siya tumanggi bagkos ay ngumiti nalang siya kay kuya Josh.

Nakaramdam naman ako ng sakit sa aking puso kaya umiwas ako ng tingin.

***

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa classroom at para nadin sa pag hahanda para sa aming graduation.

Yes.  Graduation na namin ito. Tapos nadin namin ang aming final grading at wala nadin kaming ginagawa dito sa school kundi mag practice para sa nalalapit na graduation.

Nagsasalita ang aming teacher sa harap pero hindi doon ang aking atensyon kundi dito saaking katabi. 

Si JP.  Lumipat na kasi siya dito simula ng maging kami.

Kinokolit niya ako at pilit na inaabot ang aking kamay para daw mag holding hands kami.

"Justin!" Tawag niya sa akin pero nagpatay malisya ako.  Hindi ko pinahalata na narinig ko siya. 

Ewan ko ba.  Simula ng naging kami ay medyo nailang na ako sakanya. Dati naman naakatingin ako sakanya ng deresto ng walang nararamdamang iba kundi kasiyahan pero ngayon ay meron ng pagkailang. 

Siguro ay nakukunsinsya lang ako sakanya dahil sa mga pabigla bigla kong disesyon.

Bakit kasi hindi ko malaman ang totoong nararamdaman ko?  Bakit hindi ko mapiling piliin ang kasiyahan ko?  Bakit kasi ang daming pagsubok ng buhay ko?

Itutuloy.....

THREE KINGS TRIANGLE [BOYXBOY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon