Love again o4

10 3 0
                                    


Habang paalis kami sa mall pinagmamasdan ko ang kamay namin na magkahawak. Laking pasalamat ko kay Nic dahil kung hindi sa kanya baka hindi ko na alam kung ano ang nangyari sakin doon kanina.

"About what happened earlier. I'm so sorry." Sabi nito sabay bitaw sa kamay ko. " I know that's not my business but I know that you need my help that's why I---" I cut his word.

"I know. I'm so sorry that I waste your time Nic." I smiled. "Anyway, thank you for saving me kasi kung wala ka baka hindi ko na alam kung ano ang ginawa ko." Alam kong maiiyak na naman ako kaya bigla akong yumuko. "You should go home now and I'm so sorry again."Aalis na sana ako ng bigla nitong hawakan ang kamay ko pero nanatiling nakatungo ang ulo ko at nakapako na naman ang tingin ko sa mga kamay naming dalawa.

"I insist. Hindi mo kasalanan yung kanina kaya huwag kang humingi ng tawad. Hindi ko hahayaan na umuwi kang mag-isa kaya sumabay ka na sakin Shunie." Hindi ako nagsasalita dahil alam ko na any minute pwedeng bumagsak ang mga luha ko. "Wag mong sayangin ang luha mo sa taong hindi naman karapat dapat." I looked at him.

"Why? May alam ka ba tungkol sakin?" Sabi ko dito at pumatak na nga ang luha sa mata ko. "Alam mo ba kung paano masaktan?" She hugged me.

"Of course, I know. Alam ko kaya tumigil ka na sa pag-iyak mo Shunie. Tandaan mo, hindi lang ikaw ang nasasaktan sa pag-ibig. Life goes on Shunie." Sabi nito habang tinatapik tapik nya ang likod ko. "I'll take you home. Hindi ako mapapakali pag iniwan kita dito mag-isa sa parking lot."

"Kkk-kaya kong uuuu-muwi mag-isa. Sa-salamat." Tumigil ito sa pagtapik sa likod ko at hinawakan nya ang magkabilang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

"You're my friend Shunie." He smiled and wiped my tears away. "Lahat ng kaibigan ni Thalia kaibigan ko na din. Ano ba yan!" He exclaimed. Akala ko magagalit ito pero bigla itong ngumiti ng malapad. "Ang pangit mo pag ka umiiyak tignan mo yang sipon mo." He laughed out loud kaya tinadyakan ko sya. "Ouch." I smiled.

"Thanks. I'm okay now." Sabi ko habang pinupunasan ang luha ko. "Gago hindi sipon to luha to!" I exclaimed.

"Seriously, ngingiti ka't magiging okay ka lang pag may natadyakan ka na?" Sabi nito ng hindi makapaniwala. "Bakit ang lapit ko sa mga babaeng mapanakit?"

"I don't know." I said but he just look at me.

"Niloloko lang kita Shunie pero hindi ko alam na katulad ka nila Thalia na mapanakit. Kawawang kawawa ang maganda kong katawan sa inyong
tatlo." He heavily sighed. "Sumakay ka na nga baka mamaya makita ka pa ng ex mong umiiyak pa dyan." Sa sinabi nyang yun wala na kong nagawa kung hindi ang sundin ang sinabi nya.

Habang andito kami sa sasakyan nya bigla itong nagsalita. "Yun ba ang dahilan kaya galit na galit si Kevin nung araw na yun?" Sabi nito habang daretso syang naka-tingin sa labas.

"Yup. Sinabi ko kay Kevin na wag sabihin kahit kanino ang tungkol don. Alam kong lahat ng sabihin ko nirerespeto nila ni Kuya Shin." He nodded. "I'm selfish. Kung hindi dahil sakin hindi sana nag-away non sila Thalia. Sinasabi sakin lagi ni Kuya na hindi ko kasalanan ang lahat pero sa tuwing nakikita ko si Kevin na umiiyak nagi-guilty ako. Walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili pero nung makita namin kayo sa coffee shop alam kong magkakaayos sila Kevin at Thalia." Pinagmasdan ko ang mga building na nadadaanan namin. "Masaya ako na masaya sila ni Kevin." Biglang tumigil ang sasakyan namin. Naku naman inabot pa kami ng stop light.

"Kaya pala hindi nya sinasabi ang dahilan noon. Now I understand why." I looked at him and she looked at me.

"Shunie are you hungry?" Napatulala ako sa kanya. "Hey! Alam kong gwapo ako pero wag mo kong titigan baka matunaw ako." Sabi nito sabay pisil sa pisngi ko.

"Aray! Letche di ka gwapo, wag kang assuming Nic may naalala lang ako kaya ako napatingin sayo." He laughed out loud.

"Palusot ka pa. Basta sa ayaw at gusto mo kakain tayong dalawa." Taas naman talaga ng self-confidence.

"Okay fine. Basta ba sulit yung kakainan natin game ako dyan." I said and smiled at him.

=*=*

Ngayon andito kami sa isang restaurant at talaga namang tinotoo nya ang sinabi nya. Masarap ang mga pagkain at maganda pa ang view.

"Are you happy now?" Kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Oo naman. Sobra." Sabi ko sabay kuha ng sisig sa harapan ko. "Bakit ba ayaw mo tong tikman?" Tanong ko dito kaya napatingin ito sakin. "Dali tikman mo na." Sabi ko dito habang hawak ko ang kutsara kong may sisig. "Hoy! Nangangawit na yung kamay ko kaya kainin mo na to." Sa sinabi kong yun ngumiti sya at kinain na nya ang nasa kutsara ko. "Arte-arte kakainin din pala."

"Shunie." Tawag nito sakin pero hindi ko sya iniintindi dahil busy ako sa mga pagakaing nasa harapan ko. "Shunie, favor naman?"

"Ano yun?" Tanong ko dito ng biglang may nahagip ang mga mata ko kaya napatingin ako sa mga bituin. Nakaupo kami ni Nic malapit sa bintana kaya naman kitang kita ko ang mga bituin at ang mga gusali na matataas. Ang ganda talaga dito sa lugar na to. Napangiti ako. Nakakarelax, isama mo na yung music nila.

"Shunie say ahh." Sa sinabi nyang yun bigla akong napatingin sa kanya at sabay sabing ah at dali dali nitong pinakain sakin ang steak na nasa tinidor nya and he smiled widely. "Di'ba masarap din yan?" I nodded at tinuon ko na ulit ang tingin ko sa pagkain ko.

Pagkatapos namin kumain ni Nic pumunta lang kami sa veranda habang hawak hawak namin ang iced tea namin.

"Hindi ko akalain na malakas ka pa lang kumain Shunie." He said and sip into his iced tea.

"Hindi naman. Medyo lang, masarap kasi yung mga pagkain nila dito. Syanga pala paano mo nalaman ang lugar na'to?" Siguro mahilig talaga syang kumain for sure nadala na nya si Thalia dito.

"Yung panahon na may pinadala sakin ang mommy ko malapit dito." Sabi nito sabay tingin sa mga bituin kaya naman napatingin ako sa tinitignan nya.

"Ang ganda." Bulong ko kaya napatingin ako kay Nic and she staring at me kaya naman ngumiti ako sa kanya. "Thanks dahil dinala mo ko dito sa place na'to." He nodded.

"Syanga pala Shunie, yung nasa palawan tayo?" Tanong nito. "Hindi mo kasi nasagot ang tanong ko." He smiled. "Wag mo na pala sagutin. Sorry." He said. Di kaya iniisip nito na may gusto ako kay Kevin?

"Ah yun ba?" Pabitin na tanong ko dito. "Bakit mo pala naitanong yun?" I asked him.

"Wala lang. Na-curious lang ako. Let's go." Pagkasabi nyang yun nauna na sya kaya naman sumunod na ko sa kanya. Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami samin.

"Thanks." Sabi ko dito bago ako bumaba sa sasakyan nya.

"No worries and goodnight." He smiled pero bago ito umalis kumatok ako sa bintana ng kotse nya.

"You're right." Nagulat sya sa sinabi ko. "I love him as a brother kaya malapit kami ni Kevin and Thalia knew everything now." I smiled at her. "Take care and good night Nic." Hindi ko na sya pinagsalita at pumasok na ko sa loob ng bahay namin. Nakangiti akong pumasok sa bahay namin.

"Bakit nakangiti ang bunso kong kapatid? What happened?" Tanong sakin ni Kuya habang may hawak syang baso ng tubig.

"Wala lang Kuya." Sabi ko dito. "Aakyat na ko. Napagod ako." Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko sabay lapag sa mga nabili ko kanina sa mall. Humiga ako sa kama ng bilang may kumatok sa pinto ko.

"Anong wala?" Sabi nito sabay pasok sa kwarto ko. "Nakita kong may naghatid sayong kotse kanina. Kanino yun?"

"Kuya naman!" Angil ko dito. "Kaibigan ko lang yun. Good night." Sabi ko dito pero ngumiti na lang sya at umalis na sa kwarto ko pero binuksan ulit nito ang pinto ng kwarto ko.

Habang busy sila Mom and Dad sa ibang business namin si Kuya Shin ang nag-aalaga sa akin.

"Sino yun?" He said while smiling at me. "Okay, hindi na kita pipilitin. Good night sis." I am happy kasi nagkaroon ako ng kapatid na katulad ni Kuya Shin. Hanggang ngayon natatawa pa rin ako sa mukha ni Nic kanina.

I Fell In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon