Love again 11

11 3 0
                                    

Hindi ako makatulog dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. I heavily sighed. Muntikan ko na syang mahalikan kanina. Mahal ko na ba si Shunie? Can I love her more than a friend? Lumabas muli ako ng kwarto ko para kumuwa ng tubig ng makita ko si Shunie na nakaupo sa bar stool.

Dahan dahan akong naglakad sa likod nito at bumulong ako sa tenga nya. "Anong iniisip mo?"

"Kabayong panget!" Sigaw nito. "Bullshit Nic! Kinabahan ako sayo." Bigla ako nitong binatukan. "Tanga mo talaga. Kainis."

"Sorry." Kumuwa ako ng tubig ko at humarap ako sa kanya. "Ano bang iniisip mo?" Tanong ko dito pero nagkibit balikat lang sya sakin. "Matulog ka na Rie. Mamaya ihahatid pa kita sa inyo." Muli ko syang hinalikan sa noo nito. "Mornight." She smiled at me.

=*=*

Alas sais ako ng magising at naghanda na ko ng kakainin namin ni Shunie. Matapos akong magluto pumunta ako sa kwartong tinutulugan nya.

Ang cute matulog ng bababeng ito. "Rie the food is ready." Gising ko dito pero nagtaklob lang sya ng unan. "Rie. Wake up." Gising ko dito pero di nya ko pinansin. "Shunie may butiki sa unan mo." Asar ko dito at dali dali naman itong bumangon ng bigla itong napakapit sakin. "Sorry."

Pinitik ako nito sa noo. "Sorry not sorry." Masama talaga magbiro sa bagong gising. "Nahilo ako doon sa biro mong yun. Pag di masarap yang breakfast na ginawa mo ihahagis ko yang plato sa mukha mo." Banta nito habang nakangiti.

"Masasayang ang mukha kong gwapo." Biro ko dito at inakbayan ko sya at nilagay naman nito ang kamay nya sa bewang ko.

Kung iisipin parang kami na ni Shunie pero walang label. Bakit ba ko pumayag sa fake relationship sa harap ng ex nya? Sa harap ng ex ko magpapanggap din syang girlfriend ko.

Habang kumakain kami napapatingin lang ako sa kanya. Ang saya kung lagi kaming ganito ni Shunie. "Matutunaw na ko sa ginagawa mo. Nabusog ka ba sa kakatitig sa akin?" She asked and winked at me.

"Paano kung oo?" I teasing her. "You're blushing Rie." Kinuwa ko ang cellphone ko at pinicturan ko sya. "Dahil may stolen ako sayo, quits na tayo ngayon." I winked at her but she just smiled.

=*=*

Malapit na kami sa bahay ni Shunie ng matanaw namin sila Kevin at Shin sa gate nito. "Ang mga mokong naghihintay na sa labas." Umiling-iling ito at napangiti. "Thanks Kulas." Bumaba na sya sa kotse ko at bumaba din ako.

"Happy birthday." Bati sakin nila Kevin at Shin.

"Salamat." Ngumiti ako sa kanila. "Inaasahan ko kayo mamaya nila Lensha na pupunta sa bahay namin."

"Makakaasa ka." Tumango naman si Kevin. "Akala ko itatanan mo na ang kapatid ko." Biro nito at pinitik ni Shunie ang tenga nito.

"Kuya naman." Tumingin ito sa akin. "Sige Nic take care and happy birthday ulit." Ngumiti ito at pumasok na sa bahay nila.

Pumunta muna ko ng mall para bumili ng bagong libro at dumaretso ako sa isang ladies store. Nahagip ng mata ko ang isang necklace.

Habang hawak ko ang necklace nakangiti lang ako hanggang sa makauwi ako sa bahay namin.

That girl makes my heart beat too fast again.

=*=*

Sabay sabay pumunta sa bahay namin sila Shunie.

"Happy birthday." Binigay nila sakin ang mga regalo nila.

"Regalo ko Shunie." Tanong ko dito pero ngumiti lang sya.

"Share na kami dyan ni Kuya Shin." She smiled. "Tatayo na lang ba kami dito Kulas?" Tanong nito habang nakapamewang kaya naman tinapik sya ng kuya nya sa balikat nya.

I Fell In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon