Love again o3

15 3 0
                                    


Habang andito ako sa kwarto ko biglang may kumatok kaya naman dali dali akong dumaretso sa cr and I wiped my tears away at naghilamos ako ng mukha ko. Kumuwa ako ng libro at umupo na ulit sa kama ko. "Come in."

"Sis are you sure you're okay?" My brother asked me. Halatang halata ang pag-aalala sa boses nito.

"Yup Kuya." I smiled. "As you can see I'm reading this." Sabay taas ko sa librong hawak ko. Alam kong hindi kumbinsido si Kuya sa sinabi ko dahil nakita kong nakakunot ang noo nya. "Fine. I'm still not okay."

"I know. Halata sa librong hawak mo dahil nakabaliktad ang hawak mo dyan." Napatingin naman ako sa hawak kong libro at napahawak na lang ako sa noo ko. "If you want pwede ka namang mag shopping kung gusto mo samahan ka pa ni Kuya." He said and smiled widely.

"Kuya! You're in love with her, right?!" I'm teasing him now. Aba swerte na si Lensha sa kapatid ko tall, dark and handsome ata tong kapatid ko. Uhm, meron pa kayang ganitong lalaki sa ngayon na katulad nila Kuya Shin at Kevin. I don't think so, siguro meron kaso iilan na lang ang matitinong katulad nila.

"Halata na ba masyado?" Sabi nito sabay upo sa kama ko.

"Yup, halata na namin sa inyong dalawa yun ni Lensha kaso mukhang inosente naman yung babae na yun eh." I laughed. "Mahirap basahin ang isang katulad nya." He nodded. Siguro ganon din si Kuya nagkaroon na din naman sya ng girlfriend dati kaso hindi din nagtagal at nagbreak sila nito dahil nakita namin ni Kuya na may iba pang kaflirt yung babae and dapat lang yung nakuwa nyang sampal sakin noong panahon na yun.

"Alam ko yun Shunie kaya nga kahit ganoon si Lensha hindi ko alam na nagugustuhan ko na pala sya. She makes me happy kahit na andyan lang sya sa palagid ko. Masaya na ko basta nakikita ko na syang masaya." He smiled brightly.

"Edi ikaw na ang in love Kuya. Uuwian na lang kita Kuya ng pasalubong baka may gagawi---" He cut me off.

"Nope.  I insist." He said and left me. Ang swerte ko talaga dito sa kapatid kong to. Napailing at ngiti na lang ako sa iniisip ko.

Nag shopping lang kami ni Kuya Shin binili nya ko ng mga dresses, jeans, etc. Nung una pa nga akala ng mga sales lady boyfriend ko ang kapatid ko. Napapatawa na lang kami ni Kuya Shin. Bakit kaya ang tagal ni Kuya? Sino kaya ang kausap nya sa phone?! Habang natingin tingin ako ng bag. "Sis sorry may urgent meeting kami ng isa sa mga business partners natin. I'll take you home sis or if you want pwede kang sumama sakin."

"Hmm. I'm okay Kuya Shin mag iikot-ikot muna ko baka kasi may magustuhan pa ko." I smiled pero nakatingin lang si Kuya sakin. "Promise Kuya I'm fine." I smiled widely.

"Are you sure?" I nodded and smiled at him. Kinuwa ni Kuya yung mga binili namin para kung sakali daw na may bilin pa ko hindi na ko mahirapan pang magbitbit pauwi.

Andito ako ngayon sa may accessories para kasing gusto ko ng mga abubot eh, habang andito ako at tumitingin tingin biglang may tumabi sakin. "Hi Shunie." He smiled. Bakit ba ang gaan ng loob ko dito sa lalaking to. Letche pare-pareho lang naman sila.

"Hello." I said coldly.

"Where's Shin?" Sabi nito sabay tingin sa mga palagid.

"May urgent meeting." Sabi ko habang tumitingin ng bracelet.

"Ang cold mo namang kausap." He said. "Nung nasa palawan tayo hindi ka naman ganyan. May problema ka ba?" Sabi nito kaya naman napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo. "Joke lang. Bagay sayo yang bracelet na yan." Sabay turo nya doon sa isang bracelet. "Ingat ka pag-uwi mo."

"I will

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I will." I said and smiled. Nakakahiya naman kung hindi ko sya ngingitian. Lumipat sya doon sa kabilang estante. Habang tinitignan ko si Nic biglang may nahagip ang mata ko. It's Nathan. Letcheng yan hanggang dito ba naman andito pa din sya. Kaya dali-dali akong lumapit ulit kay Nic na ikinagulat naman nya.

"Uhm, okay lang ba na...suma---" Tinuloy nito ang sinabi ko at ngumiti.

"Sumama sakin? Oo naman okay lang. My pleasure kaibigan ka naman nila Thalia." He said and smiled. Nagbabayad na si Shin sa cashier ng biglang lumapit sakin si Nathan.

"Shun I'm so sorry." Sabi nito, hahawakan nya sana yung kamay ko pero tinabig ko ito. Ang kapal ng mukha nya pagkatapos nyang gawin yun eto sya't mag so-sorry. Neknek nyang letche syang gago sya.

"Sorry? Okay ka lang dude?!" I said sarcastically. Biglang may lumapit sa kanya't pinulupot nito ang kamay nya sa braso ni Nathan.  Sabay tingin sakin ng babae kaya tinaasan ko din sya ng kilay ko't binaling ko ang tingin ko kay Nathan. Ang kapal nya grabe! "What I'm saying is apology not accepted Nate. Kaplastikan naman kung sabihin kong okay lang yun. Don't worry I'm happy now." Sabay lapit naman sakin ni Nic. Goodness! Buti na lang andito si Nic, nakahalata naman sya kaya bigla syang ngumiti at nagulat ako sa sinabi nya.

"I'm sorry babe. Medyo natagalan ako sa cashier." Sabi nito sabay akbay sakin. "Let's go? Wait do you know him?" Sabay turo nito kay Nathan.

"Y-yeah." I said and smiled at him. He nodded.

"I see. Let's go babe. Shin's waiting for us." He said and smiled pero nung nakakaisang hakbang palang kami bigla syang tumigil at hinarap sila Nathan at yung babaeng walang ginawa kung hindi ang magpacute kay Nic. "Alam mo dude swerte ako dito sa girlfriend kong to." Sabi nito sabay tingin sakin. "I think she deserves someone that can make her happy and love her. Someone who will treat her like a queen and not a piece of trash." He smiled at hinapit nya ko bigla sa bewang ko kaya nagkakadikit na ang mga balat namin. Bakit ba biglang bumilis ang tibok ng puso ko? "Kasi maruno syang makuntento kung anong meron na sya. Excuse us." Sabi nito sabay hawak sa kamay ko.

Hindi pa kami nakakalayo ni Nic ng bigla kaming hinarang ni Natahan habang hawak hawak na rin nito ang kamay nung babae. "Pinaparinggan mo ba ko dude?" Sabi nito habang nakatingin ng masama kay Nic.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Nic pero pinisil nya lang ito. "Bakit tinamaan ka ba sa mga sinabi ko?" He said at bigla nyang binitawan ang kamay ko at sabay baling doon sa kasama ni Nathan na babae. Ano bang pinaplano nitong si Nic? Bakit ang daming malalantod ngayon? Kung makangiti tong babae na to, kulang na lang mapunit ang bibig nya. Bakit ba ko nakakaramdam ng inis? "If you need to choose one Miss..." Hindi na napagpatuloy ni Nic ang sasabihin nya dahil bigla na lang ngumiti ang babae at tinuloy nito ang sasabihin ni Nic.

"Pamien." Sabi nito sabay lahad ng kamay nya pero tinitigan lang muna ito ni Nic.

"Pamien." Nic smiled. "Kung papipiliin ka saming dalawa sino ang pipiliin mo?" Sabi ni Nic habang nakangiti doon sa babae.

"Ikaw." Sabi nito habang nakangiti. Bwisit na babae to ang sarap kaladkarin palabas ng mall at ihagis sa pluto para mabawasan ang malalanding babaeng nilalang dito sa earth. "I'm Pamien." Ulit nito sa sinabi nito kanina't sabay lahad ng kamay nya pero si Nic tinitigan lang ang kamay nito. Akala ko makikipagkamay na sya pero bigla na lang nyang hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya.

"I see." Sabi nito sabay baling kay Nathan. "Pagsabihan mo ang girlfriend mo na wag magpacute sa iba lalo na kung may boyfriend na naman syang kasama and as you can see, she chose me over you." Nakikita ko ang galit sa mukha ni Nathan pero si Nic ay ngumiti lang. "We need to go now." Pagkasabing pagkasabi nyang yun umalis na kami at iniwan na namin sila doon.

I Fell In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon