Love again 13

19 3 0
                                    


Alam kong wala na kong karapatan para makipagbalikan kay Shunie pero kahit anong gawin ko mahal ko pa din sya.

Nakita ko sya sa mall kasama ang boyfriend nya pero di ako naniniwala na boyfriend nya yun. Shunie can't fall inlove too fast. Alam kong ginagawa nya yon dahil nasaktan ko sya.

Pamien and I broke up because I told her that I'm still inlove with Shunie. Alam kong nagkamali ako pero alam kong di pa huli para mapakita ko sa kanya na mahal ko sya. Naisipan ko syang itext.

Shunie. I'm so sorry. Can we talk? I know and feel that you still love me. I missed you so much. I know I cheated on you and I'm sorry for hurting you. I'm still inlove with you. Can we start all over again?

Paulit ulit kong tinitignan ang cellphone ko pero wala pa din itong reply. I checked again my phone and I saw her reply. I smiled.

See you at coffee shop. We need to clear everything about us Nathan.

Nagbihis ako at dumaretso ako sa tinutukoy nitong coffee shop. I saw her. "Shunie." She just smiled but it's a different smile.

"Long time no see." Bungad nito sa akin. "Let's order and talk?" Umupo ako sa harap nito. Pasilip silip sya sa cellphone nya.

"May lakad ka ba?" Tanong ko dito pero umiling lang sya. "Mukhang may hinihintay ka atang text." Ngumiti lang sya ng tipid sa akin.

"Let's talk about us." Tumingin ito sa akin. "To be frank ayoko talaga makipag-usap sayo pero pinilit lang nya ko that's why I'm here." Tumango ako sa sinabi nya. "We're just pretending that time Nate. Nagpapanggap kami ni Nic pag nasa harapan ka namin."

"I know." Hinawakan ko ang kamay nya pero iniwas nya ito. "Sorry for everything Shunie. I know that you don't believe that I'm still love you but I will prove to yo---" She cut me off.

"Sorry Nate but I can't. I'm just here to clear everything to you that I'm already moved on and he's the reason." Paliwanag nito. "Hindi ko alam kung paano nagsimula pero unti-unting nakaka-move on na pala ako sayo ng hindi ko man lang nalalaman and the next thing I knew I love him so much." Tumango ako sa sinabi nya.

"I'm too late kung hindi lang ako gago baka hanggang ngayon masaya pa rin tayo." I laughed. "I understand now." Hinawakan nya ang kamay ko.

"I know someday you'll find someone more than me Nate. Pag dumating yung araw na yun ingatan mo na sya." She smiled. "By the way, apology accepted Nate." She laughed out loud.

"Thanks. Can we still be friend Shunie?" I asked her but she just smiled at me.

"Of course, we can be friends Nate." We smile at each other.

Habang nagku-kwetuhan kami ni Shunie biglang may tumawag sa kanya.

What happened? Napatawag ka?

What? Ako ang hinanap nino?

Pakialam ko kung nag lalasing sya. Maraming Shunie sa mundo.

What did he say? Rie?

Gulat itong napatayo. "Sorry Nate but I need to go." Tumalikod na ito sa akin.

"Let's go. Samahan na kita." Nag-aalinlangan pa ito nung una pero pumayag din sya.

Tumigil kami sa isang bar. "Thanks Nate." Bumaba na ito pero sumunod ako sa kanya. "Why?"

"I help you Shunie." I smiled.

"No need I can manage." Sumunod pa din ako sa loob. May nakita syang isang babae at lumapit sya doon.

"Shunie kanina pa yan dyan umiinom. Lakas ng kamandag mo te." Napatingin ito sa akin. "Who is that guy?" Tumingin si Shunie sa likod ko. "I'm Nate."

"Nate?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Yup as in Nathanilia. Why?"

"Nothing. I'm Nathan but you can call me Nate too." We shook our hand.

"Naku! Baka pwedeng tulungan nyo muna ko sa gagong lalaking to." Tama bang alalayan ko ang boyfriend ng mahal ko? Napangiti na lang ako sa naisip ko.

"Where's Shunie?" Napakalikot naman ng gagong to. "Tell Shunie that I want to see her." Nagulat ako ng bigla itong binatukan ni Shunie.

"Gago. Inom ng inom hindi naman pala kaya. Tanga mo." Nakarating na kami sa parking lot. "Where's your key?" Tanong nito sa boyfriend nya.

"Here." Turo nya sa puso nya. "It's only for you Rie. I love you." Hindi sya inintindi ni Shunie at kinapa nya sa bulsa nito ang susi.

"Ang cheesy pala ng boyfriend mo Shunie." Asar ni Nathanilia.

"Tantanan mo nga ko Nate. Salamat Nate. Ang gulo naman kasi ng nickname nyo. Baka kayo ang meant to be. Thanks again." Pagkasabi nyang yun iniwan na nya kami ng kaibigan nya.

Nagkuwentuhan lang kami ni Nathanilia at marami kaming pagkakatulad.

Maybe there's a reason why some people broke up because they gave more than that. I think we should spend some time together.

I Fell In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon