Love again o1

17 3 0
                                    

Masarap magmahal lalo na kung ganoon din sya sayo, pero paano kung sa isang iglap mawala na lang ang lahat lahat? Maiitapon mo na lang ba yun ng ganung ganon na lang? Hindi ka ba manghihinayang sa mga pinagsamahan nyong dalawa? Maghahanap ka ba ng pwedeng panakip butas para lang mawala ang sakit na nararamdaman mo?

Pwes kung ako ang tatanungin mo, hindi. Hinding hindi! Dahil pag-usapang pag-ibig na, hinding hindi mo pwedeng paglaruan ang puso ng ibang tao para lang sumaya ka.

Dahil sa pagkikita kong yun, alam ko na't wala na kong babalikan pa lalo na't nakita pa ni Kuya Shin at Kevin na umiiyak ako ng araw na yun. Kuya Shin and Kevin loves me so much, kaya nga ayaw na ayaw ako ng dalawang tong nakikita akong malungkot and worst ayaw na ayaw nila kong nakikitang umiiyak.

=*=*

Kahit isang tarantado yang si Kevin at iniwan sya ang girlfriend nya alam na alam ko sa mga kilos nya na mahal nya pa ang girlfriend nya hanggang ngayon. Kahit na isang buwan lang namin yang nakasama sa america ni Kuya madali ko syang naging ka-close kahit na hot-headed pa sya. Napakatanga naman ng babaeng yun, hindi nya ba na-appreciate ang pagmamahal ni Kevin at iniwan nya to. Kahit na nakabalik na kami dito sa Pilipinas marami pa rin nagkakagusto sa kanya pero binabaliwala nya lang ito. Etchoserang palaka tong si Kevin masyadong mailap sa mga babae.

Habang andito kami sa labas ng restaurant kung saan sila magkikita ng magulang nila ng ex nya hindi sya mapakali. "What a freakin' face Kevs, just be yourself okay? Let's go." Bago pa sya magsalita hinatak ko na sya papasok sa loob ng restaurant.

Kahit kailan talaga ang tanga nitong kaibigan ni Kuya suka't akalain mong yung ex ng kamay nya ang hinablot. This guy... he's cute and ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. I excused myself to their parents para sundan na din si Kevin at nakita ko itong ang sama ng tingin sa sasakyan ng kasama ng ex nya.

"Gago ka talaga hindi mo man lang tinignan kung sino ang hinatak mo. Ang tanga tanga mo." I said at binatukan ko sya.

"Ouch! Sus, kung tanga ako, ano ka pa? Wag lang kitang makikitang umiiyak ng dahil dyan sa punyetang Nathan na yan kung hindi..." Sabi nya habang pinagmamasdan ang sasakyan na kanina pa malayo sa kinalulugaran namin.

"Kung hindi ano?" I asked.

"Babangasan ko ang pagmumukha non. Ganitong badtrip pa ko sa kasama ni Thalia." He said through gritted teeth. "Dapat maghanap ka na ng iba, baka mamaya nyan iba na ang ginagawa nyang business sa ibang bansa." Sabi nito sabay naglakad na sya pabalik sa restaurant.

"Gago. Kung ikaw kaya ang maghanap ng iba at kalimutan na yang ex mo." I said sarcastically.

Huminto sya at humarap sa akin. Kitang kita ko ang sakit at lungkot sa mga mata nito. "Kung pwede lang Shunie sana dati ko pa ginawa pero wala sya talaga eh." He said and smiled pero ang ngiti nito ay hindi manlang umabot sa tenga nya kaya alam kong peke lang ang ngiti nito.

Sa tuwing magsasama kami nito ni Kevin lagi na lang namin nakakasalubong ang ex nya and worst lagi nyang kasama yung lalaki na nakita ko sa restaurant. Balita ko ang babaeng to walang naging boyfriend maliban kay Kevin dahil workaholic daw ito kaya nga sila nagbreak ni Kevin dahil sa trabaho.

Matagal na rin kaming hindi nakakapag text ni Nathan lagi syang busy o kaya naman may ginagawa syang iba. Samantalang dati lagi kaming nag-uusap pero ngayon madalang na lang dahil sa madami daw syang ginagawang trabaho sabi nya 2 weeks lang sya sa america pero 1 month na hindi pa din sya nauwi. Kung hindi lang dahil kay Kuya at Kevin baka andoon lang ako sa bahay at nagmumukmok.

Dahil itong si Kevin aligaga at masaya, pinilit nya kaming pumunta sa mall kasama ang kuya kong mukhang in love sa kaibigan ni Thalia. Habang namimili kami ng libro nakita namin sila Thalia at napag-usapan namin na magsasabay-sabay na kaming kumain.

I Fell In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon