💠Prologue💠

250K 5.7K 1.1K
                                    

Aria's POV

Nandito ako ngayon sa aming balkonahe nakatayo at nakatanaw lang ako sa lawa. Pitong taon gulang lamang ako pero alam ko na may kakaiba sa akin. Galing ako sa angkan ng mga healer at mamanahin din ang kapangyarihan pag nasa wastong gulang na ako.

Pero, may kakaiba sa akin. Gabi-gabi, tuwing natutulog ako ay lagi kong napapanaginipan na kinakausap ako ng mga Diyos. Nalaman ko dahil sinabi nila na sila daw ang mga Diyos ng Universe, paulit-ulit at gabi-gabi ito magyayari.

Lagi nilang sinasabi na balang araw, ay ako ang magiging instrumento na isilang ang tagapagligtas ng mundo. Hindi ko naman maintindihan masyado ang mga sinabi nila. Isisilang ko daw pero hindi ko alam kung paano gawin yun. Iniisip ko pa lang ay naguguluhan na ako kung paano yun gagawin. Basta na lang ba yun na isisilang? Paano ba magsilang?

"Aria, sayo ba ang librong ito?" Tanong ng nanay ko sa akin mula sa aking likuran.

Tumango ako. Sa totoo lang, hindi ko pagmamay-ari ang librong yan na mukhang luma at ayaw naman bumukas. Parang nakadikit lahat ng pahina nito.

"Hindi mabuksan. Anong klaseng libro na ito at hindi naman nabubuksan. Itapon na lang kaya natin ito?" Tanong nito sa akin.

Umiling ako. Nasa panaginip ko na bigay ng diyos ang librong yan at hindi ko daw pwedeng itapon. Pero nasubukan ko na rin itapon yan dati dahil pakiramdam ko ay hindi naman totoo yun at tsaka hindi rin nabubuksan kaya walang silbe. Pero nagugulat na lang ako na tuwing umaga ay nasa mesa ko na libro at bumalik.

Naulit yun at hanggang sumuko na ako at pinabayaan ko na lang at inilagay sa mga lagayan ng libro. Wala din naman akong magagawa dahil kahit itapon ko pa ay babalik at babalik ito.

"Aria! Laro tayo!" Tawag sa akin ng kapatid kong si Juno.

Lumapit naman kaagad ako sa nakakatandang kapatid ko na lalaki dahil gusto ko rin na maglaro.

•••

Lumipas ang maraming taon at tumuntong na ako sa wastong gulang at lumitaw na rin ang aking kapangyarihan. Hindi ko na napapanaginipan ang mga Diyos at ang libro ay nanatili sa lagayan ng mga libro.

Halos hindi na rin namin makita ang mga magulang namin dahil lagi itong sumasama sa mga atake dahil malaki ang papel nila at konti lang ang mga healer dahil hindi lahat ay biniyayaan ng ganitong kapangyarihan.

Pero isang araw kalat na kalat na ang malaking digmaan na nagyayari sa kampo ng mga tao at mga Fallens, lahat ng mga healers ay kinuha ng mga taga palasyo maliban sa akin.

Itinago ng mga magulang ko ang katotohanan na isa din akong healer at hindi rin pinaalam at hindi rin ako inirehistro. Ang alam ng lahat ay isa lang ang anak nila inay at itay at si Kuya Juno lang yun.

Dati ay wala lang naman akong pakialam dahil hindi naman nagkulang sila inay. Pero ngayon naintindihan ko na. Kaya paubos ang healer dahil namamatay ang mga ito dahil sa paggamit ng kapangyarihan, dahil sa maraming mga sugatan at humihina ang aming stamina, ang kapangyarihan ng healer ay gamutin ang mga sugatan at ibalik ang mga nawalang stamina gamit ang kapangyarihan. Pero ang kapalit naman nun ay ang stamina namin at mas napapaaga at napapaiksi ang buhay namin. Alam yun ng mga magulang ko kaya itinago nila sa lahat ang katauhan ko.

Ngayon ay nag-iisang nakatira na ako sa pinakaliblib na kaparangan na walang pumupuntang tao. Sinadyang magtayo ng bahay ang mga magulang ko rito kung sakaling may mangyari man ay may mapupuntahan ako.

Kabilin bilinan ng pamilya ko na hindi na ako babalik sa bahay namin at dito na ako. Huwag din daw akong magpapakilala o makikihalubilo dahil mararamdaman daw nila ang kapangyarihan ko. Kaya hindi na ako lumabas dito sa kaparangan dahil maraming tanim at prutas naman dito. Kaya kung mabuhay sa pamamagitan ng mga ito.

Yung libro ay sa totoo lang hindi ko siya dinala pero nagulat na lang din ako at nandito na rin sa bahay. Hindi ko talaga alam kung ano ng misteryo ng libro at ano ang papel nito sa buhay ko.

Naging, magulo ang lahat at ramdam ko na ang pagwawagi ng mga Fallens. Natatakot na din ako dahil sa kaligtasan ko. Walang ibang magliligtas sa akin kundi ang sarili ko. Pero isang gabi ay ulit ko na panaginipan ang mga Diyos. Ang sabi nila ay oras na.

Oras na para dalhin ko ang tagapagligtas.

MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon