Snow's POV
My life became peaceful after our encounter with Osiris. Hindi naman ito nagsumbong pero iniiwasan na ako nito. Mas mabuti na rin yun dahil talagang nababanas ako pagnakikita ko ang pagmumukha niya. Hindi ko makalimutan lahat ng pang-iinsulto niya. Hindi naman ako nagtatanim ng galit, ibang level lang talaga ang sayad ng babaeng yun.
"Snow! Manonood daw tayo ng movie!" Tawag naman sa akin ni Luna.
Talagang sinusulit namin ang aming off, dahil bukas life and death situation na naman ang haharapin namin. Isang malaking katanungan pa kung ano ang mangyayari bukas. Wala pa naman din kasing sinasabi kung ano ang susunod na ganap sa tournament.
Anong movie naman kaya ang papanoorin namin? Matagal tagal na rin akong hindi nakakapanood ng mga palabas simula ng pumasok ako sa Academy. May TV nga sa dorm pero mga local chanel lang din naman ang laman.
Sumunod naman ako kay Luna na papunta sa taas. Saan ba kami? Pero papasok ito sa isang pasilyo na hindi ko pa napuntahan mula ng dumating ako rito. I was wondering saan kami. May TV ba dito banda? Binuksan naman ni Luna ang pintuan at tsaka pumasok ito at sumunod naman ako. Nilamon ang paningin ko ng kadiliman pero agad din naman na nag-adjust yung paningin ko.
There are few lights and a huge screen. Wow. Sinehan? Nadatnan naman namin doon na naka-upo na sina Violet, Yuan, Jin at Avis. Umupo na rin kami ni Luna sa kung alin man ang bakante, pero ang bakante doon ay katabi ni Yuan at ni Avis. Agad naman na umupo si Luna sa tabi ni Avis at tininganan ako nito sabay ngisi pa talaga. Nananadya ang babaeng ito. Gusto ba niyang magkalmutan kami ni Yuan habang nanonood kami ng palabas? Mas mabuti na lang siguro na manahimik na lamang ako.
"Ano ba ang papanoorin natin?" Naitanong ko na lang.
Everyone shrugged. Mukhang walang alam kung ano ang papanoorin. Sino ba ang may oras na manood oa ng movie ngayon?
"Gilbert, select the new arrival." Saad naman ni Yuan.
New arrival means, bagong transport dito sa mundo kaya hindi pa ito napapalabas kahit saan dito sa universe. Nakaka-excite naman. Iba na talaga pag maykapit ka sa palasyo.
"It's The Conjuring your highness." Sagot naman ni Gilbert.
The title sounds really interesting because it means a sort of performance of tricks that seemingly magical. Fantasy siguro ito, I love fantasy movies and sci-fi pa naman.
"Is that a fantasy movie?" Tanong naman ni Violet.
"I don't know. Never watched the trailer." Sagot naman ni Luna.
Nagsimula na ang palabas. The effects sounds eerie that made me a bit uncomfortable. It shows the character's name and old pictures and a house like in a middle of a farm. A tree which is creepy looking.
The movie started with a family moving to a new but old house. The house looks gloomy and even the tree beside the lake. The dog was barking on something and doesn't even want to go inside. Sa totoo lang, I feel not right. The quality and the appearance, this is not a romantic movie or fantasy. This is freaking horror movie! Shit, I hate horror movies. I hate them to the bones!
Pero hindi ko pa rin mapigilan na manood, kahit alam ko na nakakatakot, nanonood pa rin ako.
"Is this a horror movie?" Tanong ulit ni Violet.
"Sssshhhhhh!" Saad ng karamihan.
Wow! Concentrate na concentrate sila masyado while ako naman ay gusto ng lumayas dito. Nakakatakot naman kasi, malamig yung room, madilim pa, ang lalaki laki ng screen tsaka malakas pa talaga ng volume. Buti nga hindi naisip ng mga ito na mag 3D glasses, baka mamatay na ako. Hindi pa nga nagsimula yung nakakatakot, kinakabahan na ako.
BINABASA MO ANG
MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2
Fantasy|COMPLETED| Sino ang mag-aakala na makakapasok ako sa kuponan ng mga Elite? Ni sa panaginip ay hindi ko iyon inasahan, pero nangyari na nga. Pero ang akala kong matiwasay na pagsali ko ay kasunod noon ay ang mga pangyayaring magiging dahilan para ak...