Snow's POV
Nakikita ko ang isang bola na parang gawa sa isang enerhiya, pumapaikot ito. Nakakapanginig ang lakas ng kapangyarihan. Wala akong ideya kung ano itong nakikita ko. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako. Ang alam ko lang ay nakakulong ako sa parang sementadong walang bintana at nakakabinging katahimikan ang paligid.
Nakalutang lang ang bola sa ere. Tinitingnan ko ito at natutukso akong hawakan ang bola pero may nararamdaman din akong takot. Takot na hindi ko rin alam kung ano. There are tentacles like of energy threads coming out from the ball but pulled back in an instance. It was eerie and creepy. Pero mas creepy itong lugar na kinalalagyan ko. Nasaan ba ako?
Naghanap ako ng pwedeng labasan pero isa lang ang nakikita ko. Isang pintuan na gawa sa bakal. Naglakad ako papalapit dito. I can even smell the rustic iron. Yung amoy ng metal na kahit walang kalawang amoy kalawang pa rin. Nakita ko naman na may hawakan sa gitna kaya akmang hinawakan ko ito pero biglang tumagos lang ang kamay ko. Nagulat naman ako, bakit ako tumagos? Naging multo na ba ako?
Takot ako sa multo, but myself as a ghost, OMG I think I can't even face the mirror! Natatakot ako sa mukha ko! Paanong naging multo ako? Nagpanic akong bigla at biglang nabangga ko yung pinto at tumagos ako sa kabila. Pakiramdam ko parang nagkahiwalay yung katawan ko ng tumagos ako. Kahit ganitong multo na pala ako, may pakiramdam pa rin kahit papaano.
I am now standing in front of a spiral stairs made of brick stones. Naiilawan lang ang paligid ng mga torch but still there are parts that are almost pitch black. Nagsimula akong maglakad pataas at tinahak lang ang daan kung saan ito patungo. Pero halos sampong minutong paglalakad na ang ginawa ko, hindi pa rin matapos tapos ang hagdanan. It was like endless path that has no direction. I can say that this is a tower, base na rin sa paligid. Pero saan tower naman ito at bakit ako nandito?
Paano bang napunta ako rito? Kahit anong gawing isip ko ay wala akong maalalang dahilan para mapunta ako rito bigla. Pero ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad kahit nahahapo na ang binti ko. Diyos ko po, kelan ba ito matatapos?
Mga labin limang minuto pa ay may natatanaw na akong parang hangganan. Kaya biglang nabuhayan ako ng pag-asa. Agad ko na tinalunton ang hagdanan pataas at nang marating ko ang hangganan nagulat na lang ako na walang pinto pero parang isang tarangkahan na maliit lang at parang kisame ang hangganan. I tried to push pero tumagos lang ang kamay ko kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon at tinawid ang harang. My head submerged to an unfamiliar place. It is an abandoned place, where there are empty shelves and scattered torn books.
I can see the sun rays seeping through the windows, I was on top of my curiosity and I was about to merge out from the ground when...
Krrrrriiiiinnnnnnnngggggggg....
What was that sound? Isn't that a cellphone alarm? Pero teka parang cellphone ko yan!
Krrriiiiiiinnnnnnnggggggggg....
Napabalikwas na lang ako ng bangon dahil sa alarm. Medyo mahilo hilo pa ako dahil ang haba ng tulog ko at pakiramdam ko ay mahaba din ang panaginip ko pero wala akong maalala. I looked at the window at halos mapatalon ako sa higaan dahil tirik na ang araw at eto pa ako, kakagising lang.
"Glendel, why did you not wake me up?" Nababaghang tanong ko rito. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako ginising. Ang alam ko ay maaga magsisimula ang tournament!
"I'm sorry Miss, but the tournament will start at 10 so I did not wake you up." Sagot naman nito.
Parang nabunutan naman ako ng tinik sa sinabi nito. Alas dies pa pala at alas siete pa ng umaga. Muntikan na talaga akong atakihin sa puso, hindi ko kasi maisip yung mukha ng Elites na nalate ako sa mismong patapos na ang tournament.
"Maliligo na lang ako, mahirap na at baka malate pa ako." Saad ko. Sarap sanang bumalik sa tulog kaso mas natatakot akong mahuli. Just imagine their angry face lashing at me.
"Your bath is prepared miss." Nakangiting sagot naman ni Glendel.
Pumasok na ako sa banyo at nakita ko na nakahanda nga ang bathtub na puno ng bubble soap. Napangiti naman ako, I badly need it kaya agad na hinubad ko ang aking damit at lumusong ako sa bubble tub. Nakakarelax sa pakiramdam yung tubig. Medyo mainit-init ito sa pakiramdam pero tama lang hindi naman yung pag-ahon ko luto na ako. Hindi naman nilaga ang labas ko.
It felt like I forgot something. It felt like my dream was very important pero wala akong maalala. Lagi na lang ganito, marami akong panaginip na hindi ko maalala kahit anong gawing isip ko, nakakabanas lang. Alam ko na panaginip lang yon pero nakakaasar pa rin kasi mukhang importante at paimportante pa masyado dahil hindi ko maalala.
Napabuntong hininga na lang ako. Nakita ko ang scrubber pero nasa lugar ito kung saan hindi ko abot at kailangan ko pang tumayo para kunin ito. Inatake naman ako ng katamaran at pinagdasal ko na lang na sana ito na lang ang lalapit sa akin. I tried to reach it without getting out of the tub pero hindi ko talaga siya maabot.
"Shit. Come here." Naisaad ko na lang.
Pero nagulat na lang ako ng biglang lumutang ito sa hangin ang scrubber at papalapit ito sa kamay ko na nakataas at inaabot ito. Agad kong nabawi ang kamay ko sa gulat at bigla din naman nahulog ang scrubber sa sahig. Seems like it was suspended to something but when I took back my hand, the suspension was cut and it fell down to the tiled floor.
Napalunok ako. What was that? Was that levitation? But how? Did I do that? Alam ko na winish ko na sana ay lumutang ito papalapit sa akin, pero hindi ko naman inaasahan na tutuparin naman kaagad ang hiling ko di ba? Tinalo ko pa si Aladdin na may Genie.
Tinitigan ko ulit ang scrubber at gusto kong makompirma ang pagdududa ko. I raised my hand and thought about it to float, I can feel there is an energy flowing out on my left hand and in an instant, the scrubber floats and it moved towards me! Holyshit! How did I even do this? How can I manage to control levitation hindi naman ito elemento, it is a gift! What the heck is happening to me?
But somehow, I was happy knowing my new found gift. It seems like I am keeping abilities, each time and knowing I can control them makes me happy for some reason. But do I have to tell it to the Elites? I know they are already in havoc knowing that the chosen one was already found. Adding me to the problem will only make the solved puzzle unsolved again. Ayokong mangyari yun kaya mas ikabubuti kung mananahimik na lang ako, I can still help without bragging my ability anyway.
Matapos kung manghilod at magshampo ay nagbanlaw na ako sa shower at nakarobang lumabas na ako sa kuwarto. I found the new gear was placed neatly on the top of my bed and the gear is metallic but with skirt.
"It was sent by the maids from the prince Miss." Nakatungong saad ni Glendel.
"Thanks." Saad ko naman rito.
Agad na pinatuyo ko na ang aking mahabang buhok at tinulungan na ako ni Glendel na suotin ang armour. It was a bit heavy than the other gears I wore before. Understandable naman dahil compare with the previous gears, I look way more cooler, wearing this. Hindi na ako mukhang nagcocosplay. I now, look like a real knight ready to slay demons and ready to save the universe from dark era.
BINABASA MO ANG
MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2
Fantasy|COMPLETED| Sino ang mag-aakala na makakapasok ako sa kuponan ng mga Elite? Ni sa panaginip ay hindi ko iyon inasahan, pero nangyari na nga. Pero ang akala kong matiwasay na pagsali ko ay kasunod noon ay ang mga pangyayaring magiging dahilan para ak...