Snow's POV
Gusto ko ng magreklamo. Paano ba naman kasi, kakarating lang namin galing sa bonggang task ay itong si Luna nanghihila na dahil magshoshopping daw kami para mamili ng damit at mga kung anu-ano para sa party. Yung totoo ay wala akong pakialam sa party. I want to rest! I want to sleep comfortably at itong si Luna ang panira sa lahat ng plano ko.
"Can't we buy tomorrow? Do you have any idea, how stress are we?" Saad ko dito.
"I know but the party is the most important." Sagot naman nito.
"Real girls should pay attention with parties." Saad naman ni Violet.
Kaya ganoon? Hindi na ako tunay na babae? I really don't know why they see this as an important event. Para sa akin, it matters the most yung rest ko at relaxation, hindi itong magpapakahaggard ako dahil sa isang party. Mas gugustohin ko pa ang matulog at magpahinga kaysa nagsasaya pagkatapos naman haggardo versosa ang labas!
"Ano pa ba magagawa ko? Pinagkakaisahan niyo ako." Reklamo ko naman.
We went to the biggest boutique in town. Sa pagkakaalam ko ay mahal lahat ng mga gowns dito at tsaka customized lahat kaya walang kapareha. Dito bumibili yung stepmom ko ng mga damit. Palibhasa, hindi nila pera kaya lustay sila ng lustay.
"Good day lady Luna and Lady Violet, how can I assist you?" Bungad ng isang babaeng may edad na. Base sa itsura nito, mukhang ito ang fashion designer dito. Hindi naman ako napansin nito dahil tahimik lang ako sa isang tabi.
"We want ballgowns for the party tomorrow. Can you help me with that?" Tanong naman ni Luna.
"Of course! Let me take your measurements miladies." Sagot naman nito.
Nagsimula na itong sukatan sina Luna at Violet, hindi naman magkanda-ugaga ang dalawang assistant sa paghahawak ng tape measure. I found it lame sa totoo lang. Why can't we just be who we are? Hindi naman magbabago ang itsura kahit nakasuot pa ng mamahaling damit. If their goal is to attract a man's attention, count me out, I am not interested anyway.
"My lady?" Tawag pansin sa akin ng isang assistant.
I was snapped out from my reverie at mukhang kanina pa nito kinukuha ang aking atensyon na hindi ko man lang napansin.
"Huh?" Naitanong ko. Nagtataka ako kung bakit ako kinakausap nito.
Ngumiti naman ito. "It's your turn for the measurement." Sagot nito.
Gusto ko naman mapataas ng kilay pero hindi na ako sumagot pa. kahit nagreklamo ako hindi pa rin naman ako mananalo pagdating sa mga ganitong bagay. Luna is very dominant when it comes to fashion.
Abala naman sina Luna sa kakatingin ng mga catalogue at tumitingin sa mga designs. Wala akong pakialam sa design bigyan lang ako ng damit kahit hindi unique kahit yung common na gown lang ay okay na sa akin.
"Perfect!" Saad ng nagsusukat sa akin. "I'll take care of the design. But the colours, you should take the pick." Saad nito.
"I want a red and Violet ombré gown." Agad na saad ni Violet. I don't have any idea what is ombré means.
Nilista naman ng babae ang kulay na abala sa kakasulat sa maliit nitong notebook.
"I wan't lilac colour." Saad naman ni Luna. Inilista ulit ng babae ang kulay na pinili ni Luna.
Tumingin ito sa akin. Yeah right, I have to pick too. Pero medyo nahirapan ako dahil wala naman akong favorite colour bukod sa blue.
"Aquamarine with dashes of gold." Saad ko.
BINABASA MO ANG
MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2
Fantasy|COMPLETED| Sino ang mag-aakala na makakapasok ako sa kuponan ng mga Elite? Ni sa panaginip ay hindi ko iyon inasahan, pero nangyari na nga. Pero ang akala kong matiwasay na pagsali ko ay kasunod noon ay ang mga pangyayaring magiging dahilan para ak...