Snow's POV
Balik ulit sa normal ang lahat. Klase, training at pahinga. Hindi na rin inungkat ng Elite ang mga bagay bagay na nakakapagtataka sa akin. Si Yuki naman ay panay ang bisita sa akin pero yung totoo ay ginagawa lang talaga niyang excuse yun para makita si Jin na crush niya na hanggang ngayon ay in denial na halata naman.
Kasalukuyang nasa dorm kami ngayon at nandito nga si Yuki pero yung mata ay tila may hinahanap. Sus, asa pa ito, hindi naman yun naglalagi dito. Si Yuan at Jin ay halos nakakulong lang sa kani-kanilang kuwarto at kung ano man ang ginagawa nila, God knows what, wag lang sana kamanyakan.
"Yuki, anong feeling na nasa Lion Division ka?" Tanong naman ni Luna. Kaming tatlo lang ang nasa living room. Si Avis kasi nandoon sa pantry at kumakain.
"Ok din. To think na maraming mataas yung tingin sa akin at tsaka wala ng bumubully sa akin." Sagot naman nito. "Pero, dapat si Snow ang tinatanong kung ano feeling niya na nasa Elite siya." Nakangising saad nito. Demonya talaga itong isang to.
"Oo nga. Hindi ko pa yan naitatanong. Snow, how do you feel being one of us?" Nakangiting tanong nito sa akin.
Feeling ko ay sumali ako sa beauty contest, may patanong tanong pang nalalaman.
"It was shocking. Hindi ko naman kasi inexpect na magiging isa ako sa Elites." Sagot ko naman rito.
"True! Kahit ako din. I know na water user siya pero hindi ko alam kung gaano kalaki potential niya. I thought before, she is just a manipulator at hindi talaga wielder." Saad pa nitong bruha na si Yuki.
"Talagang may pa I thought I thought ka pa talaga ah. So akala mo feeling water user lang ako dati ganun?" Di makapaniwalang tanog ko rito.
"Hindi ka naman kasi nagpapakita ng kapangyarihan. Kahit bestfriends tayo at magkasama sa iisang dorm, ni katiting wala kang pinakitang kapangyarihan." Apologetic na sagot nito.
"Eh kasi naman po di ba, bawal nga po. I am just not taking the risk na baka may makakita." Sagot ko naman rito. Grabe talaga ang utak ng babaeng ito.
"Napagkamalan ka pa atang scammer." Natatawang saad naman ni Luna.
"Oo grabe talaga itong si Yuki. Porke, magaling na mag-ala-Eudora ay ganyan na." Panimula ko rito.
"Eudora? Who's that?" Nagtatakang tanong naman ni Luna.
Naging excited naman ako. "Isang hero sa isang mobile games." Sagot ko rito.
"Anong mobile game yan? Clash of clans lang yung nilalaro ko." Saad pa talaga nito. At naglalaro pa pala ito ng mga ganito. Akala ko busy ang buhay nito sa responsibilidad.
"Mobile legends, super ganda. Trip na trip ko talagang maglaro and the heroes here are elemental as well." Sagot ko rito.
"Teka, idownload ko muna sa app store." Saad ni Luna na binutingting yung cellphone dahil magdodownload daw siya ng mobile legends. "Yan nagdodownload na, pero matagal pa mahina signal."
"Antayin mo na lang. Ganyan talaga yan minsan mahina signal." Sagot ko naman rito.
"Naku Luna, kung ako sayo, wag ka ng mag mobile legends, nakaka-adik eh hahaha." Saad naman ni Yuki.
"Okay lang yun noh. Kesa naman adik sa drugs. Mas mabuting sa laro na lang adik. Mahirap ng matokhang." Saad naman ni Luna.
"Anong tokhang?" Tanong ko naman. I am not very familiar with the term.
"It is a trending word all over the news na imported galing earth. Nanonood kasi kami ng news para naman updated kami kahit papano sa ibang mundo." Paliwanag naman nito.
BINABASA MO ANG
MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2
Fantasy|COMPLETED| Sino ang mag-aakala na makakapasok ako sa kuponan ng mga Elite? Ni sa panaginip ay hindi ko iyon inasahan, pero nangyari na nga. Pero ang akala kong matiwasay na pagsali ko ay kasunod noon ay ang mga pangyayaring magiging dahilan para ak...