💠Chapter 34💠

89.4K 4.5K 1.8K
                                    

Snow's POV

Tiningnan ko ang aking suot na relo. Mag-aala singko na ng hapon. Ibig sabihin ay malapit ng gumabi at patuloy pa rin kami sa paglalakad. The place is getting darker and colder. Ramdam ko na iyon and I am developing goosebumps already because of the cold.

Worried kami kanina kung bakit mabilis ang galaw nila Violet pero ilang sandali lang yun at tumigil naman. Baka may tinakasan lang ang mga yun either nakita nila ang mga katunggali o kaya naman may nakasalubong silang serpent. Pero sana hindi serpent di ba?

Ngayon ay poproblemahin na naman namin kung saan kami magpapalipas ng gabi. Walang hotel o inn dito kaya hindi ko alam kung saan lupalop kami matutulog. Sleeping in this forest is like serving yourself in a silver platter to the serpents and unknown creatures lurks at night.

Krrrooooookkkkkkk! Krrrooooookkkkkkk!

Tumunog naman yung kuwago at may nakikita na rin akong nga nagliliparang mga ibon na tila bumabalik na sa kanilang mga pugad.

"We need to find some place to pass the night before the sunset." Saad ko kay Yuan dahil hindi ito nagsasalita. Naumid na ata yung dila.

"We already have." Sagot naman nito.

Huh? Meron na? Nagprepare ba ito bago kami pumunta dito? O pinagloloko lang ako ng damuhong ito? Kung meron man, bakit naglalakad pa rin kami hanggang ngayon na tila ba naliligaw.

"Where?" Naitanong ko na lang dito. Nagtataka lang ako dito dahil wala akong maisip na pwedeng tulugan namin.

"Everywhere. Times like this, everything is our resources." Sagot naman nito.

Napanganga naman ako. Pinaasa lang ako nitong buwiset na ito. Everywhere daw kamo? Parang sinabi lang nito na come on serpent, eat me! Nahihibang na ba ito?

"You can't be serious right? Sleeping everywhere is dangerous!" Asik ko naman rito pero mahina lang. Para akong ewan dito na galit na pero bumubulong dahil mas natatakot ako na baka marinig ako ng mga serpents.

"We have no choice. Everywhere in this place is dangerous." Saad naman ni Yuan na patuloy pa rin sa paglalakad.

Gusto ko ng mainis talaga at magdabog. I just can't believe na magiging ganito kadelikado ang task na ito. Kanina nga na naglalakad kami at tirik na tirik ang araw ay delikado na, ngayon pa kaya na padilim na ng padilim. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang kayabangan niya sa ganitong pagkakataon.

It is already dusk, yung nag-aagawan na ang liwanag at dilim. Yuan stopped from walking kaya naman napahinto rin ako at nagtaka kung bakit huminto ito sa paglalakad.

"We will rest here for tonight." Saad nito.

Wait, what? Is he crazy? Pero nagulat na lang ako ng biglang hapitin ulit ako nito at umangat kami sa ere. Lumipad na naman ito at hindi man lang ako na-orient kaya napakapit ako sa batok nito at napatingin ako sa baba. We are getting higher and higher and few seconds, we landed again on a wide tree branch. Napatingin ako sa paligid. It is all dark but the branch is wide enough for two people. Sobrang laki kasi ng mga kahoy dito.

Napabuntong hininga naman ako dahil kahit papaano, safe dito kaysa sa ibaba. Ngayon na naresolba na ang pinoproblema ko, naramdaman ko naman ang pangangaligikig. Now the darkness covered the entire forest, naging mas makapal ang fog at nagdudulot ito sa sobrang lamig sa pakiramdam.

"Can we make a bonfire?" Tanong ko rito. Nilalamig kasi talaga ako. Hindi ko naman kasi inexpect na mag-oovernight kami rito, kung sana sinabi in advance ay di sana nagbaon ako ng unan at kumot dito.

"No we can't. We can't risk to be seen and servents are sensitive with fire. They can spot us miles away with fire." Sagot naman nito.

Nanlumo naman ako sa narinig. Ano pa ang magagawa ko? Pareho naman kaming lahat ng sitwasyon. Alam ko na nagrereklamo din sila sa isipan nila, hindi lang nila sinasabi.

MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon