CHAPTER 5
“When you first looked at me
I forgot to breathe
That moment marked my hardened heart
I vowed never to leave.”
[Xynne’s POV]
Naglalakad na ako ngayon papunta sa first subject ko. Haaay! Buti nalang hanggang 1 lang klase ko. Makakalayas ako agad ditto. Nakakainis na kasi ‘yung mga tingin nila sakin e. Ano bang mali sakin? Last time I check tao naman ako. At ang alam ko ayos naman suot ko, except the fact na hindi ako naka-uniform kasi EXCHANGE student lang naman ako, no need for that. Ano ba suot ko pala? Haha! Sorry, basta dampot lang ako ng damit e. XD
“Hmm. Makadaan nga pala muna sa comfort room.” Sabi ko sa sarili ko.
Lakad. Lakad.
“Grabe ‘no? Astig nung exchange student. Ang cool niya tignan.” Sabi nung girl sa loob nung c.r
“Oo nga e. Ang simple pero rock. Pero parang malandi.” Girl 2
WTH?!
“E pa’no. Kahapon, first day na first day, mga lalake kausap. Take note ha. Crush pa tawag niya kay Kuya Jev and mukhang nagpapacute pa kay Kuya Rush.”Dagdag ni G2
Haaay! Ang mga tao nga naman, masyadong judgmental. Tsaka ano? Nagpapa-cute? Ako? Kay Rush? Kay kurimaw? Kay assuming. Duh. Yuck.
Pumasok na ako sabay ngiti sakanila, nagulat naman sila kasi naman diba? Takot nilang baka narinig ko ang conversation nila. And hmm.. mukhang mga ka-batch ko lang sila.
“Hi!” bati ko sakanila.
“H-hi?” nauutal na sagot naman nila sakin.
Nagsimula na akong i-check kung ano nga ba itsura ko. Mamaya ko na sila haharapin.
Hair? Maayos naman kahit papaano. No need to suklay. DI halatang magulo, thanks to my wavy hair
Shirt? Ok din naman, simple one piece t-shirt lang na naka-fold yung manggas.
Pants? Skinny. Ok naman.
Sneakers? Maayos din naman.
“Ok naman ayos ko a. Simple. Problema ng mga tao? Wagas makatingin. -_-“ talking to myself.
“Ahh..Ahm.” sabi nung dalawang girl sa tabi ko.
Nagkunwari naman akong nagulat nung makitang nandito parin sila.
Hinarap ko naman sila sabay ngiti.
“Do I look like a flirt?” tanong ko in a sweet tone.
Base on their reaction, mukha namang nagulat sila. Actually, hindi sila makatingin ng diretso sakin.
“Ahm..A-actually..N-no.” sabi nung girl na I think yung nagsabing malandi ako a while ago.
“Really? Hmph. Bakit ko nga ba kasing iisipin na flirt ako? E hindi naman ako flirt. Siguro judgmental lang mga tao minsan no? Nagsasalita agad-agad kahit di naman talaga nila kilala yung tao personally. Shame on them, binababa nila sarili nila. Right?” tinignan ko sila sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
Part of Me (Complete)
Teen FictionJust when the twins fall in love and had their hearts broken at the same time, who else would catch them when they are both drowning in pain?