Chapter 8

21 0 0
                                    

                                              Chapter 8

             “It’s a masterful melody when he calls out my name to me

                   As the world spins around him, he laughs,rolls his eyes

                        And I feel like I’m falling but it’s no surprise.”

Xynne’s POV

                “Off to somewhere, Xynne?” tanong sakin ni Mama na kasalukuyang nagdidilig ng halaman dito sa garden

                “Ay! Sorry, Ma! Di ako nakapagpaalam. Punta po akong univ, Ma” paalam ko.

Shiks. Pa-empty na tank ng Mio ko. T_T

                “Wala kang pasok diba?”

                “E…Ma…”

Pano ko ba sasabihing nagka-sanction ako? Paktay ako neto e. >_<

                “May ginawa nanamang kaguluhan sa school yan Ma” singit ni Neil.

Kabuting to. San ba to nanggaling? Ang sama na ng tingin sakin ni Mama. Huhu. T_T

                “Oo, Ma. Nag-ingay sa library kasi may nakaaway nanaman.” Panggagatong ni Kambs.

Woooow. Nice timing. -___________________-“

                “Xynne...” Paninimula ni Mama.Naman o! Anong klaseng mga kapatid ba meron ako???

                “Ma. Wala akong kasalanan, swear. Tahimik lang kaya ako tas siya tong sumigaw. E dahil sa ako daw dahilan ng pagsigaw niya kasama na din daw ako sa sanction. Unfair diba, Ma?” pagmamaktol ko.

                “So may kaaway ka nga?...Nanaman?” tanong ni Mama.
                “Maka-nanaman, Ma” pout ko.Wala kaya akong nakakaaway.

                “Pupusta ako! Lalake nanaman yan!” sigaw ni Neil. Tinignan ko nga ng masama. Gagi to. -_-

                “Ako din!” gatong ni Kambs.

Langya. Malamang dun sila pupusta kasi nakwento ko sakanila. Duh?

                “Ako din” sabi ni Mama.

HALAAAAAAAA?!

                “Grabeeee!Pati ba naman ikaw, Ma????”

Nag-nod naman si Mama.

                “Palagi namang lalake nakakasagutan mo e. Ewan ko kung matutuwa ako o hindi e. Matutuwa kasi hindi ka nakikipagsabunutan o kaya naman kasi marunong kang lumaban..o hindi matutuwa kasi nagiging boyish ang prinsesa namin. Gusto ko ng apo, Xynne” Sabi ni Mama habang naka-cross arms.

Ba’t may apo sa dulo? -_-

                “Isssss. Ba’la nga kayo diyan. Alis na po ako.” sabi ko sabay paandar ng motor. Benemen oo

--

                “Dun ka mag-ayos. Dito ako.” utos ko kay Rush na nakaupo sa sahig at may hawak na gitara.

Walang tao ngayon dito sa library e, inaayos kasi, kaya pala ngayon in-assign ni Miss ang sanction namin kasi inalis lahat ng books sa shelves para malinisan ng maayos. Yung mga naglinis talaga, kanina pa tapos so kami nalang ni Rush nandito para i-arrange lahat ng libro. Imba!

Part of Me (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon