Chapter 11

25 0 0
                                    

                                         Chapter 11

                 Kaya pasensya na kung may pagtingin ako sa iyo

                           ‘Di mapigilan bulong ng damdamin

                             Isisigaw ko para mapansin mo

                                Pansinin mo naman ako

Xynne’s POV

Bakit ba kasi may mga bagay na kahit pilit mong iwasan e hindi mo magawa? Bakit minsan kahit alam nating mali pilit parin nating tinutuloy? Bakit ba kasi nagmamahal ang tao, madalas pa, tatamaan ka sa maling tao? Bakit kailangan ng sakit para sumaya? Bakit nasasaktan tayo sa pagmamahal? Di ba sabi love one another, sumusunod lang naman tayo diba? Bakit tayo napaparusahan? Pili lang ba ang mga taong pwedeng mahalin? Bakit ba ang love parang math? Simply complicated. Hindi ba pwedeng, mahal mo siya, mahal ka niya. Bakit kasi may mga eksena pang, mahal mo siya, mahal niya iba,at ang pinakamasakit? Mahal din siya ng mahal niya?

Siiiiiigh.

                “Mariana Trench!” biglang sigaw ni Neil sa tabi ko.

Naks! I’m so proud of my self, hindi ako nagulat. Booyah! \m/ XD

                “Lalim nung buntong-hininga mo, ate ha? Sa Mariana Trench hinugot?” tanong ni Neil sabay higa sa tabi ko.

                “Naks! Tinawag mo kong Ate! Emerged, Neil. Malinaw na mata mo. Nakikita mo na ang kagandahan ko!!!! ^__________^” sigaw ko sabay yakap.Hahahah! I told ya before diba? Hug-maniac ako kapag depress. XD

Tinulak naman ako ng mokong, psshhhh. Panira ng moment. -_-

                “Ngayon lang ‘to. Mukhang ang lalim ng problema mo e.”

Sigh.

                “O’nga e. Kasalanan ko rin naman e, mababaw palang naman nung una e, kaso yung puso ko, tanga, binabaon yung sarili sa hukay, ang malala, ang lalim nung hukay na ginawa niya.” Sagot ko sabay higa at niyakap ulit si Neil.

                “Sinisi mo pa puso mo eno? Ikaw talaga yung tanga, hinayaan mong mangyari yun.” Yakap ni Neil sakin.

Hinayaan ko nga ba?

                “Hindi ko gusto, baby. Hindi ko ginusto ‘to. Wala nga ‘to sa plano ko e.”

Tama naman e. Wala sa plano kong mahulog lalo na kung hindi ko pa hawak ang mga pangarap ko. Simula palang ayoko na, I can’t take risks for love.

                “Hindi lahat ng plano natutuloy. Minsan kahit gaano kaganda yung plano, may mga bagay talagang darating para masira yung planong yun.”

Si Rush, dumating siya, sinira niya yung plano kong huwag ma-inlove. Oo na, aaminin ko na, mahal ko siya. Ano pa bang magagawa ng pagdedeny ko diba? Sarili ko lang din naman ang niloloko ko kapag ganun.

                “Bakit kasi kailangan pang sirain yun? Ok na e. Ok na ok na. Bakit ba pilit kasing winawasak yung mga bagay na planado na, hindi ba nila alam kung gaano kahirap ayusin at panindigan ang plano sa buhay?”Bakit Rush?

                “Lahat ng bagay may dahilan. See it positively. Tsaka, kapag yang plano mo para sa sarili mo nasira, isa lang ibig sabihin niyan…better things are coming.”

Part of Me (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon