"And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am"
Neil's POV
"Good morning, sunshine!" bati ko sa mga ate kong namumungay pa ang mga mata habang binubuksan ko ang kurtina ng kwarto nila.
"Geez! Neil! Nakakasilaw yung liwanag!" sigaw ni Ate Xynne sabay bato ng unan.
"Aray naman!" atungal ko. Kawawa naman handsome face ko. T_T
"Ano ba? Ang aga-aga ang ingay niyong dalawa, shekwa naman." Reklamo ni Ate Xyril na nagsimula nang bumangon sa higaan niya.
"Ang lakas lakas na ng alarm clock nyo 'di pa rin kayo magising." reklamo ko sabay nguso sakanila. "Gutom na gutom na 'ko pero kelangan kong pumunta dito para lang gisingin kayo" dagdag ko pa.
"Sino bang nagpilit sayo?" tanong ni Ate Xynne habang inaayos na ang isusuot niya.
"Hep!" Sigaw ni Ate Xyril habang pinagpapalit ang tingin saaming dalawa ni ATe Xynne. "Enough for that. Bunsoy, get down first. We'll prepare ourselves na." dagdag niya habang tinutulak ako palabas ng pinto.
Nakita ko pang binelatan ako ni Ate Xynne bago ako lumabas ng kwarto nila.
Papatalo ba naman ako?
"Uubusan kita ng bacon, you lesbian!" angal ko sabay takbo.
Sumunod noon ang balibag ng pinto. Asar talo agad si Ate. Bwahahaha!
Ganito kami tuwing umaga. Mama would ask me to wake them up every morning. At ang tunog ng alarm clock nila ang bubungad sakin na as always- Iris ang alarm tone. Hahambalusin ako ni Ate Xynne at palalabasin ako ni Ate Xyril. It's a ritual na nga e. Pati pambubully!
Xyril's POV
"Good morning Ma! Pa! " ^____^
Bati ko sa aking butihing mga magulang, na obviously pinagmanahan naming tatlong magkakapatid. Haha!
Naupo na kami ni kambal sa allotted seats namin sa dining table. Syempre, katapat ko si bunsoy at si Xynne naman kay Mama, ang dahilan? Bawal po kasing magkatabi o kaya naman magkatapat ang dalawang 'yan, 'pag nagkataon, world war part 3 po ang dating sa bahay. Hays.
"How's your sleep ladies?" si mama habang inaabot ang sinangag sa akin.
"It's fine, Ma kung 'di lang po talaga umepal 'tong si Neil at binuksan 'yong kurtina kanina." sumbong ni Xynne
"Bakit kasi mambabato ng unan?" sagot naman ni Neil.
"Sino bang nauna? Papansin ka eno?" pagtataray ni Xynne. Natawa na lang kaming tatlo nina mama sa pagtatalo ng dalawa. Nag-aagawan pa sila sa bacon. Ayan ang palaging pinagiinitan nilang dalawa sa harap ng hapagkainan pag nagtatalo. They both love it. Mabuti na lang at medyo hindi ko hilig ang bacon, kundi, baka riot ang abot namin sa dining room xD.
Saakin naman sumulyap si Mama habang nagtatalo ang dalawa.
"I had a nice dream po." Natigilan ang dalawa sa narinig.
"Tungkol saan, Ate Xyril?" tanong ni Neil.
Saglit akong nag-isip. Ugh. Here we go again. Ulyanin alert!
"I knew it. Nakalimutan nanaman niya!" si Xynne na ang nagsalita, pinangalandakan pa ang salitang nanaman. Aish.
Mental Telepathy. Meron po niyan sa mga kambal, and on our case, abusado na kung matuturing pero lagi pong umiiral samin yan >_<
BINABASA MO ANG
Part of Me (Complete)
Fiksi RemajaJust when the twins fall in love and had their hearts broken at the same time, who else would catch them when they are both drowning in pain?