Chapter 9
"In places no one would find, all your feelings so deep inside
It was then that I realized that forever was in your eyes
The moment I saw you cry.”
Xynne’s POV
“Lesbiaaaaaaaan~” si Neil yan, obviously -_-
Di ko nga pinansin. Palakang ‘to. Nagi-scroll lang ako sa news feed ko sa FB, wala lang, bored e.
“Kuya kong mahaaaaaaaaaal.” Sabi ni Neil habang tinutusok-tusok pisngi ko.
Putek naman oo!
“Neil! Huwag mo ngang ginaganyan ate mo, kaya nagiging lalake lalo e!” sigaw ni mama.
“Wow, Ma. Salamat sa pagtatanggol ha?” sarcastic kong sabi habang nakapokerface.
“No problem, baby” ngiti niya sakin sabay gulo ng buhok at tuluyan ng nagpunta sa kusina. Nagpeprepare siya ng foods kasi may family reunion mamaya at ditto sa bahay gaganapin. Gusto kasi ni Mama at Papa sila talaga ang nagprepare hindi yung basta-bastang nagke-cater lang. Grabiti. Sabagay, konti lang naman pupunta ngayon e, unlike the past few years. Nasa ibang bansa na kasi yung ibang relatives namin.
“May tanong ako.” sabi ni Neil na nakapanlumbaba sa harap ko. Nandito kasi ako sa garden. Buti nga abot pa nung wifi dito e. XD
“O? Nice. Maganda ‘yan. Makakatulong yan sa paglaki” Sabi ko habang nagi-scroll parin.OL kaya si Rush?
“Sagutin mo ha? Alam ko kasi nagkaboyfriend kana e, kaya alam mo na sagot dito.”
Chat ko kaya si Rush? Magrereply kaya?
“Paano mo masasabing in love kana?”
Ano naman sasabihin ko kay Rush? Hmm. Aasarin? Wait. Makapag-on nga ng chat.
“Ate, di mo naman ako pinapansin e.”
Yay! OL siya! Mehehehe.
“Boooo!”
“AYCRUSHKOSIRUSH!” sigaw ko habang hawak ang dibdib ko.

BINABASA MO ANG
Part of Me (Complete)
Ficção AdolescenteJust when the twins fall in love and had their hearts broken at the same time, who else would catch them when they are both drowning in pain?