KAUNTING PASILIP
" good morning Ms. Khalil! " masiglang bati ng guard as she walked through the main door. Masigla nya rin naman nya itong binati pabalik, at ganun din lahat ng mga empleyado na nakakasalubong sya na panay ang yuko sa kanya.
Masaya syang nakisabay sa mga empleyado na sumakay sa iisang elevator.
*ting!*
Tunog ng elevator. Finally nakarating na rin sya sa fiftythird floor, ang pinakahuling floor ng kumpanya. Kahit medyo nainis sya sa sobrang tagal ng pag-akyat ng sinasakyan nya.
Naglakad sya pakaliwa at tinungo ang isang desk doon na may nag-iisang nakaupo na babae at busy sa patatype sa kanyang computer ni hindi nga napansin ang pagtayo nya sa harap nito.
" good morning! " masiglang bati nya dito.
Nag-angat naman ito ng paningin at halos mahulog na sa kinauupuan ng makita sya sa harapan nito.
" g-good morning Ma'am! Sorry if --- " hindi na natuloy nito ang sasabihin pa sana ng itaas nya ang kanyang kamay at i-motion na huminto ito.
" it's ok Ms. Mendoza.... Is Dax there? " tanong nya sabay tingin sa isang pintuan di kalayuan sa kanila.
" yes Ma'am he's there and he also don't have any appoinments until lunch time. " napatango-tango naman si Khalil sa sinabi nito. Secretary kasi ito ng may-ari ng kumpanya na syang pinuntuhan niya. At kilalang-kilala na sya nito kaya wala ng sali-salita nagreport na ito agad sa kanya.
Napatingin siya sa wristwatch nya.... It's already ten fortyfive in the morning. Isip nya.
Nginitian nya ito at tuluyan ng nagtungo dun sa pupuntahan nya.
Kumatok sya ng dalawang beses at inantay na papasukin sya ng nasa loob bago pumasok ng tuluyan.
Pagkabukas nya ng pinto ay nakita nya nga yung pinunta nya. Nakatayo ito sa tapat ng glass wall nya kung saan kita ang buong city.
Napangiti sya at dahan-dahang lumapit dito na hindi man lang siya nililingon. Nakita nyang busy ito sa kung anong tinitignan sa isang lumang libro.
" hey serious Dax! " birong gulat nya dito ng makalapit sya. Pero ang ngiti nya ay napalitan ng pagtataka ng makita nyang literal na nagulat ito, nanlalaki ang mga mata. Napatingin naman si Khalil sa hawak nito kaya dali-daling sinara nito ang libro saka tinalikuran siya at tumungo sa office table nito.
" w-what are you doing here K-Khalil? " nauutal na sabi nito kaya lalong nagtaka si Khalil dahil halatang-halata na may itinatago ito sa kanya. Kabisado nya na ito dahil sa ilang taon na nilang magkasama.
Napayuko si Khalil dahil nakaramdam siya ng lungkot sa pagtatago nito ng kung ano sa kanya. Ngunit sa pagyuko niyang yun ay may nakita siyang isang litrato na nakataob sa sahig malapit sa kanya.
Yumuko sya at dahan-dahan iyong kinuha. Babaliktarin na sana nya ito nang biglang magsalita si Dax. Mukhang nahulog ito sa kaninang hawak nitong libro.
" don't you dare try to look it! " matigas na sabi sa kanya. nagtaka lalo sya sa kinikilos nito. Dali-dali itong lumapit sa kanya, pero bago pa ito makalapit sa kanya ay agad nya ng tinignan ang litrato.
Nanigas sya at nanlaki ang mga mata ng makita kung sino ba ang nasa litrato.
" aish! What did I told you stubborn little sister?! " inis na sabi nito at biglang hinila sa kamay nya ang litrato na siyang nagpabalik sa wisyo nya. Yes, nakakatanda nyang kapatid ito.
" k-kuya..... T-that's me! " tanging nasabi nya at pilit na inaalala yung nasa litrato. Dalawang babae na mukhang high school students na magkaakbayan at kitang-kita ang saya sa mga ngiti at kanilang mga mata. Alam nyang siya ang isa doon, pero yung isa.... " who's that girl beside me?! " pilit nyang tanong pero hindi pa rin sya sinasagot nito. Bumalik lamang ito sa table nya at naupo sabay sapo ng mukha nya sa kanyang palad.
" I don't know yet... " sabi nito na nananatiling nakayuko pa rin. Kaya galit na nagtungo si Khalil papalapit dito. Magsasalita na sana siya ng makita niya sa ibabaw ng lamesa nito yung libro na hawak ng kapatid nya kanina.
'Personal Property of Khalilla Eurisse Mendrez! Do not touch!'
Nakasulat sa cover page nito, kinuha nya ito at binuklat. Pipigilan pa sana sya ng kapatid nya pero lumayo na siya agad dito.
Sobra syang nagulat ng makita ang bawat pahina nito. Hindi pala ito isang libro kundi isang diary....
Pero hindi lang ito simpleng diary! Dito nakasulat ang naging buhay nya!
Nakaramdam naman sya ng pananakit ng ulo, pero hindi nya ito pinansin.
*knock.knock*
" excuse me sir! Someone sent you something! " sabi ng secretarya ng kapatid nya mula sa labas. Napatingin muna sa kanya ang kanyang kapatid bago sinabihang pumasok ito.
Pumasok naman ang sekretarya na may bitbit na isang lumang maliit na karton. Dumaan ito sa harapan niya kaya nakita niya ang nakasulat sa ibabaw nito.
' Personal Property of Khalilla Eurisse Mendrez! Do not touch! '
" sir someone left this for you and again he or she didn't mention anything about him or herself, sorry! " hinging paumanhin nito at yumuko pa. Tumango-tango lamang ang kapatid nya at pinalabas na ito. Dali-daling nagtungo si Khalil sa lamesa kung saan nakapatong ang kahon, binuksan nya ito at doon na tuluyang nanghina.
Mabuti na lamang at maagap ang kanyang kapatid kaya naalalayan agad siya nito. Napahawak na lamang siya sa kanyang ulo ng mas sumakit ito at maglabasan sa kanyang isipan ang mga alaalang hindi nya maintindihan kung saan nanggagaling.
" Khalil?! Are you okay?! Do you want me to bring you in the hospital?! " nag-aalalang tanong ng kanyang kapatid. Mabilis naman syang umiling-iling at pumikit na lamang ng madiin bago sumagot.
" I WANT TO FIND THE PIECES OF MY MEMORIES "
BINABASA MO ANG
Pieces of My Memories (ongoing)
RomanceThis story is about a girl who lost is memories due to the operation in her brain tumor. And because of it, she started to seek for her lost memories. Can she find the pieces of her memories?